Asuna Letizia Hera
Puno ng galit at inis ang puso ko dahil sa ginawa sa akin ni Luca kagabi. Dahil sa ginawa niya ito ako ngayon umagang-umaga nakayakap sa kumot dahil nilagnat ako after niya ako ihulog sa swimming pool.
Wala talagang puso ang lalaking 'yon. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Wala akong maalala.
Last thing I remember ay nakipagsayawan lang kami ni Tasha sa bar and then... BOOM! Nagising na lang ako na itinapon na ako ni Luca sa malamig na swimming pool.
I don't even know how I get home. Oh kung paano ako napunta sa kamay nong kumag na 'yon.
Ano bang nagawa ko sa kaniya at ginawa niya 'yon sa akin? Pilit ko talagang inaalala ang lahat but I can't really remember. Dumagdag pa ang hang-over ko ngayon.
Hinawakan ko ang sintido ko at marahan itong minasahe para naman kahit papaano ay maibsan ang sakit nito. Pero agad din naman akong napaayos ng upo nang may maalala ako.
Nasaan 'yong gamit na binili namin ni Tasha? The dresses? The bags?
Napabangon pa ako sa kama at tiningnan ang kuwarto. Pumunta pa ako sa swimming pool pero wala akong makitang shopping bags.
Bumalik ako sa kuwarto para kunin ang cellphone ko na nakita ko lang naman sa ibabaw ng side table ng kama.
I tried to called Tasha pero hindi siya sumasagot.
"Damn! Pick up the phone, Tasha."
Nang hindi siya sumagot kahit ilang ulit ko nang tinawagan ay nagdesisyon na lang akong puntahan si Luca dahil siguro may alam siya kung nasaan ang mga 'yon.
"Asuna, kumain ka muna. Hindi ka na namin ginising dahil baka gusto mo pang mag pahinga," sambit sa akin ni Manang nang makita niya akong lumabas na ng kuwarto.
Nagliligpit na rin sila ngayon ng hapagkainan.
"Thank you manang, but I need to talk to Lu ...tito, yeah. I need to talk to him," sabi ko at malapit pa akong madulas na tawagin siyang Luca mabuti na lang nga at hindi ko naituloy.
"Madaling araw pa siyang umalis iha, eh. Nagmamadali nga 'yon," sabi ni manang na napahinto pa sa pagpupunas ng lamesa.
Madaling araw? Saan naman kaya siya pumupunta ng ganoong oras?
"Okay, manang. Pero may nakita ba kayong shopping bags? I guess nasa 3 or 4 'yon. Hindi ko ba naisama noong umuwi ako rito kagabi?" tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya. "Hindi, Asuna eh."
Tumango na lang ako bilang tugod sa kaniya. Maybe nasa kotse 'yon ni Tasha. Hindi ko kasi naalala na kinuha ko 'yon kagabi. I'll just ask her kapag sumagot na siya sa tawag ko.
"Asuna."
Nakita kong bumaba si Amethyst sa hagdan. Hindi ko siya pinansin at akma na sanang papasok ulit sa loob ng kuwarto ko nang magsalita ulit siya. Galit pa rin ako sa kaniya.
"Asuna, please let's talk," pagsusumamo niya nang mahawakan niya ang kamay ko nang madali siyang nakalapit sa akin.
I quickly remove her hand from me.
"No," matigas kong sagot sa kaniya. "Not unless it's about the money you will give me for our father's debt," dagdag ko.
"Just a minute, Asuna, please," aniya na parang nagsusumamo sa akin.
Marahas akong napabuga ng hangin dahil sa pamimilit niyang kausapin ako. Hinarap ko siya bago nag cross arm sa harapan niya.
"59."
Hindi nakapagsalita si Amethyst nang bigla akong mag bilang sa harap niya. Yeah, I'm serious here.
Isang minuto lang ang hinihingi niya kaya pagbibigyan ko siya at wala akong pakialam kong kailangan niya pang mag rap para sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin.
Matagal pa bago siya nagsalita.
"40."
"I-Im sorry, Asuna. Sorry dahil nasigawan kita noong isang araw," simulang paliwanag niya.
"36."
I just look at my nails habang nagsasalita siya. Seriously? Wala akong pake sa ano mang sasabihin niya.
"Nag-aalala lang naman ako para sa mga kapatid ko. Mga bata pa sila para sa ganoong bagay. Kaya hindi mo ako masisisi kung ganoon na lamang ang reaksyon ko."
"30."
"Wala silang kinalakihang ina. They only have me and dad. Kaya ginagawa ko ang lahat para maturuan ko sila kung anong tama sa mali. I'm sorry, Asuna. I didn't mean to hurt you."
"0," I said.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko inangat ang tingin ko kay Amethyst.
"You're done explaining your side. Now, listen to me, Amethyst," seryosong sambit ko sa kaniya at umisang hakbang pa ako para mas klaro sa pandinig niya ang sasabihin ko ngayon.
"Wala akong masamang instensyon sa mga kapatid mo. They may be young and innocent, but that doesn’t mean they don’t have the right to protect themselves. Tinuruan ko lang naman sila kung paano lumaban because not everytime nasa tabi kayo nila. Just like what happened that day. Hindi kayo sumasagot sa mga tawag ni manang kaya ako ang pumunta sa skwelahan nila," mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"I know—" I stopped her.
"No! You don't know, Amethyst."
"Hazel got bruise. Kapag wala siyang ginawa she will get even worse. This is why kind and weak people are always the victim of any kinds of abuse. They cannot protect themself. If you let Hazel to be kind as always, then expect something worse to happen. She might die because of her kindness. You might not know," mariing sabi ko sa kaniya.
Hindi naman nakapagsalita si Amethyst sa sinabi ko kaya iniwanan ko na lang siyang nakatayo roon at pumasok na ako sa kuwarto ko. Nasabi ko na ang gusto kong ipaintindi sa kaniya.
Doon lang yata ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan akong nakapasok. Naninikip ang dibdib ko nang sabihin ko iyon sa kaniya dahil siguro may naalala ako.
Those words were based on my experience.
Amethyst once told me to always be kind. That everything will be okay once it all done. Siya siguro 'yong pinakamabait na taong nakilala ko. Palagi ko siyang sinusunod noon dahil parang ina ko na rin siya.
I became a good person. But, after she left me, after the beating I received from dad. After the worst thing happened to me, I know kindness would kill me someday.
Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito na lang ang ugali ko ngayon.
*Knock* *Knock*
Inis kong binuksan ulit ang pinto at nasilayan ko naman si Amethyst. I give her a "what?" look.
Iniabot niya naman sa akin ang isang checke na naglalaman ng 3 billion na pera.
"Thank you for taking care of my siblings and sorry dahil yan lang ang nakayanan kong ibigay sayo, for now. That's my savings and other money."
Walang pag-alinlangan ko naman itong tinanggap. Syempre, kailangan ko eh.
"How about the 2 billion left?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang checkeng ibinigay niya.
"I planned to go back to the America. Itutuloy ko ang trabaho ko roon para maibigay ko kaagad ang pera sayo at mabayaran ang utang ni dad. Just give me at least a month," sagot niya sa akin.
Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya at saka nakapamewang na hinarap siya. "Amethyst, isang linggo na lang at isang buwan na. Isang buwan lang 'yong ibinigay na palugit sa akin," iritang sambit ko.
"Why not borrow some money to your step-dad or even sell eveything you have," suggestion ko naman.
Hindi naman niya alam na si Luca ang pinangkakautangan ng ama namin kaya okay lang siguro na sa kaniya rin siya mangungutang pambayad sa utang ni dad kay Luca. At least hindi na si dad ang may utang kay Luca, kundi si Amethyst na.
Malalim na napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.
“This is our own problem, Asuna. At saka ayokong idamay si dad dito. Marami na siyang naitulong sa akin at kay mommy noon. And besides, you are asking for billions. Malaking pera na 'yon."
Hindi ako makapaniwalang nag-cross arms sa harap niya habang matiim siyang tinitigan.
"Really? Mas pipiliin mo pa ba 'yong mahiya sa step-dad mo than saving my life? Really, Amethyst? Tsk. What am I expecting from you," sambit ko bago padabog na isinirado ang pinto at hindi na siya hinintay na magsalita pa.
Wala rin namang patutunguhang maganda ang usapan namin. Maiinis at maiirita lang ako sa kaniya nang tuloyan.
We both agreed to split the debt tapos 3 billion lang ang ibibigay niya sa akin ngayon? I know, sobrang laki talaga ng perang hinihingi ko. That's why I gave up everything I have just to saved at least a 5 billions of money.
I sighed, not knowing what to do next.
I picked up the phone when it rang. Sinagot ko kaagad ito nang makita kong si Tasha ang tumawag.
I sit of the edge of the bed habang hinihintay kong magsalita si Tasha sa kabilang linya.
"Asuna," bati niya naman sa akin. Halatang bagong gising pa dahil sa mamaos-maos niyang boses ngayon.
"How did I get home?" tanong niya kaagad sa akin kaya tumaas bigla ang isa kong kilay.
I fought the urge to roll my eyes because of this idiot. Baka kasi matuluyan pa ako dahil sa kakaikot ng mata ko.
"b***h, how would I even know? Pariho tayong lasing kagabi," nakakunot ang noo kong tanong pabalik.
Hindi ko nga rin maalala kung bakit nasa kamay ako ni Luca kagabi. I have a high tolerance when it comes to alcohol, perp bakit parang lasing na lasing ako kagabi?
Hindi ako madaling malasing kaya hindi ko talaga alam kung bakit nalasing ako kagabi kahit dalawang basong alak lang ang nainom ko.
Arghh! My blood boils every time I remember him throwing me into the swimming pool last night. Kung hindi dahil sa kaniya, edi maayos pa sana ang pakiramdam ko ngayon.
Makakabawi rin ako! That old man!
"Haist! I can't remember," reklamo niya.
"By the way, nasa kotse mo pa ba 'yong mga shopping bags?" tanong ko sa kaniya habang hinihilot ang sintido ko nang nakapikit. Masakit pa rin kasi. Resulta ng sobrang pagkalasing kagabi.
"Maybe. Hindi ko naman kasi naalalaa na kinuha ...Ahh!!! The hell! Who the fvck are you?"
Nailayo ko naman kaagad ang cellphone sa tenga ko nang biglang sumigaw ang babaitang ito sa kabilang linya.
"What the f**k, Tasha? Are you trying to break my eardrum?" inis kong tanong sa kaniya.
"I… I call you back later, Asuna," aniya at mabilis pa sa alas-kwatro na ibinaba ang tawag kahit magsasalita pa lang sana ako.
Kunot noo ko namang tiningnan ang cellphone ko bago ko ito itinapon na lang basta-basta sa kama.
Lumabas na lang ako sa kuwarto ko upang tulungan sila Manang na mag-asikaso. Pambawi na rin dahil hindi ko sila natulungan kahapon dahil sa paglalakuwatsa ko.
Medyo hindi pa maayos ang pakiramdam ko at mainit pa rin ako, pero kaya ko namang tiisin ito. Ayaw ko rin ang mag mukmok na lang sa loob ng kuwarto ng ilang oras.
Paglabas ko ay boses agad ng kambal ang narinig ko. Napabuntong hininga ako dahil halatang nag-aaway na naman ang mga ito.
I remember na weekends ngayon at walang pasok ang dalawa.
Kalbaryo na naman ito para sa akin. Tataas na naman ang presyon ng dugo ko dahil sa kanila.
May mga araw na nagkasundo sila, pero may mga araw din na hindi. At isa na ang araw na ito.
Akmang pupuntahan na sana ni Manang Berta ang kambal nang pinigilan ko na. Nakita ko kasing abala ito sa kusina pati ang iba pang mga katulong.
"Manang, ako na po ang pupunta," sabi ko.
"Salamat, Asuna."
Pinuntahan ko na ang kambal sa itaas at napakunot naman ang noo ko nang marinig ang mga boses nila sa kuwarto ng kanilang ama.
Nakita ko ring nakaawang ang pinto ng kuwarto kaya posibleng nasa loob sila.
"I thought no one was allowed inside that old man’s room?“
Pinuntahan ko na lang agad ang kambal at pagkapasok ko nga sa kuwarto ni Luca ay namangha ako sa ganda at sa sobrang linis.
Very masculine ang interior design at pati ang air purifier din ay mabango na hindi masakit sa ilong. Almost all black ang lahat ng mga gamit sa loob.
Wala namang kahinahinalang bagay ang nakita ko rito, gaya ng iniisip ko noon.
Isang drawing lang ng mukha ni Luca ang nakita ko sa loob. It's more like a glass picture though.
"Why are you picking a fight?!"
Napabaling ang atensyon ko sa dalawa nang marinig ko ang sigaw ni Hazel. Hawak ni Hazel ang buhok ni Lewis at ganoon din naman ang ginawa ng kakambal niya sa kaniya.
Nakita ko rin ang laruan na pinag-aagawan nila.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. I raised my eyebrow and put my hand on my waist as I looked at them.
"Enough," mariin kong sabi sa kanila.
"He started it first," reklamo ni Hazel bago mas hinigpitan pa ang pag hawak sa buhok ni Lewis, dahilan upang mapangiwi ang kakambal niya sa sakit.
"Akin naman talaga itong laruan kaya bakit mo inaagaw?" ani ni Lewis na mukhang papunta na sa pag-iyak.
"Hindi ba talaga kayo titigil? Fine! Akin na 'yang laruan niyo!" inis kong sabi sa kanila at nakihila na rin nga ako sa laruan pero hindi nila ito ibinigay agad sa akin. Mas hinigpitan pa nga nila ang pagkakahawak dito kaya nahirapan akong kunin.
Dahil sa inis ko ay mas lalo kung inagaw sa kanila ang laruan na kanina pa nila pinag-aawayan.
Naagaw ko nga ito pero dahil sa lakas ng puwersa ko ay malapit akong matumba. Malakas kong natabig ang litrato ni Luca na nakadikit sa pader ng kuwartong ito, dahilan upang gumalaw ito at matanggal na nga sa pagkakabit.
Ang pagkabasag ng litrato ay nakalikha ng malakas na ingay sa buong bahay. Napapunta pa ako sa kambal upang protektahan sila dahil sa mga bubog na tumalsik.
Gulat na gulat akong napatingin sa litratong nabasag. Hindi ko alam kong bakit ako biglang kinabahan.
Naisip ko kasi ang sinabi ni Manang Lucy sa akin noon na walang pinapapasok si Luca sa kuwarto niya.
Pero hito kaming tatlo ngayon, nasa loob ng kuwarto at nabasag ko pa nga ang salaming litrato niya.
Hindi naman siguro ako babantaang papatayin ulit ni Luca dahil lang sa nangialam na naman ako sa gamit niya, hindi ba?