5: Someone's Came Back

2310 Words
Paggising ko kinaumagahan ay napadaing agad ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang dahan-dahan nitong hinahati ang ulo ko sa sobrang sakit. Tsk, ito na naman. Hangover thing. Bumaba na lang ako sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig para inumin ito. Para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakita ko na ring nakahanda na ang mga almusal sa lamesa kaya kumain na lang din ako. Hindi ko nakita sila manang nang bumaba ako. Hindi ko na lang sila hinanap dahil baka mabigat pa sa kanila ang nangyari kagabi. Buti nga at naisipan pa nilang lutoan ako ng almusal despite everything happened. Tumigil lang ako sa pagsubo nang makita kong nagtutulakan ang mga katulong na lumapit sa akin at may dala-dala pa silang tig-iisang maleta na pilit nilang itinatago sa likuran nila. As if naman maitatago nila ang mga maleta nilang sobrang laki. Ibinaba ko ang mga kubyertos at tiningnan ko sila isa-isa. Nakayuko sila at hindi makatingin sa akin nang deretso, na para bang may malaki silang kasalanan sa akin. Napabuntong hininga ako. “Are you leaving?" kalmado kong tanong sa kanilang lahat. Unang lumapit si Manang Lucy sa akin at sumunod ang iba pang katulong. "Ma'am Asuna, sorry po. Matapos po kasi ng nangyari kagabi sa amin ay napag-isip-isip po namin na umalis na lang po sa bahay na ito. Hindi na po namin kakayanin kapag mangyari man ulit 'yon sa amin. May mga pamilya pa po kami. Hindi po namin kayang isakripisyo ang buhay namin," nakayukong wika ni Manang Lucy sa akin. "Sorry po, Ma'am Asuna," sabay pa nilang sabi. Uminom muna ako ng tubig saka ko iwinagayway ang kamay ko sa harap nila. "No need to feel sorry. I am planning to fire all of you though," wika ko na ikinataas agad ng mga mukha nila nang sabay. "P-po?" Mataray ko silang tiningnan. “Wala na akong ipangsusweldo sa inyo. At saka isa pa simula noong wala na si papa sa bahay na ito naging makupad na ang iba sa inyo. Nadadatnan ko pa nga kayong nag se-cellphone at nag tsi-tsimisan sa oras ng trabaho. So, I will not hold you anymore. You are free to go," rason ko. Nagkatinginan naman sila sa isa't-isa at muling napayuko na lang sa sinabi ko. "Sorry po talaga, Ma'am Asuna. Maraming salamat din po." Napabuntong hininga ako habang nakatingin pa rin ako sa kanila. I can't blamed them. Masyadong nakaka-trauma nga ang nangyari sa kanila kagabi at alam kong hindi rin sila nakatulog nang maayos. Sinabi ko lang ang rason na iyon para magaan ang loob nilang umalis sa bahay na ito. Because honestly, okay lang sa akin kahit anong gawin nila sa oras ng trabaho basta natapos nila iyon. Masyadong strict si papa sa kanila. Isang pagkakamali ay tanggal ka na agad sa trabaho, kaya nga hinahayaan ko lang sila sa gagawin nila this past few days. "Just wait me here," sabi ko bago iniwanan ang pagkain at umakyat muna sa itaas. Hinanap ko ang paper bag kung saan naka silid ang mga perang ibinigay no'ng lalaking 'yon sa akin. Itinapon ko ito sasahig noon pero pinulot ko rin naman agad at iniuwi. Hindi ko aakalain na may mapaggagamitan ako nito. Nang makita ko nga ay kinuha ko kaagad ito at bumaba. Nakita ko naman silang tahimik na naghihintay sa kinatatayuan nila kanina. "Here, take this. Kayo na lang ang bahalang paghatian 'yan," sabi ko nang maibigay ko nga sa kanila ang paper bag. Nagulat naman sila nang makita ang laman nito nang silipin nila ang loob. "Ma'am Asuna, ang laki po nito. Hindi po namin ito matatanggap. Puwede na po kasi ninyong pandagdag ito sa utang ng papa niyo po," sabi ni Rosy, isa sa mga katulong namin. I smiled at her before I spoke, "It's just a small amount compared to your hard works. Just take it. It's not mine after all." Magiging sweldo at bonus na rin nila ang perang 'yon. Ang iba sa kanila ay matagal na sa bahay, bata pa lang ako ay nandiyan na sila. Mabait sila sa akin simula pa noon at kahit ganito ang ugali ko ay hindi ako nakarinig ng pang-iinsulto mula sa kanila. Ang pinakamatagal sa kanila ay si Manang Lucy. She knows everything about this house. Alam din niya ang paghihirap ko sa kamay ni papa. "Thank you for the hard works at pasensya ulit dahil nadamay pa kayo sa gulo na 'to," wika ko. Lumapit naman si Manang Lucy sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. "May awa ang diyos, Ma'am Asuna. Magiging maayos din ang lahat," aniya sa mahinang boses. I just tapped her back and smiled at her. Hinatid ko na rin sila sa labas ng bahay. Paglabas namin ay wala na ang mga reporters na nag ca-camping sa labas ng bahay ko gabi-gabi. Nakakagulat nga dahil nang sinilip ko ang labas kagabi ay wala na ang mga ito. Mabuti na rin 'yon upang mabawasan naman ang poproblemahin ko. Okay lang naman sa akin na umalis sila. Napag-isip-isip ko na rin kagabi na ibenta na lang ang bahay at lupa na ito, pandagdag ko sa 10 billion na utang ni papa. Ito lang kasi ang mapagkukuhanan ko ng pera dahil naka freeze ang lahat ng pera at asset ni papa sa bangko dahil sa naging kaso niya. Hindi ko rin magalaw ang kompanya dahil si papa ang CEO nito at saka banned din akong pumasok doon dahil sa nangyari dati. Titulo lang ng bahay at lupa ang hawak ko ngayon at pati ang ibang negosyo namin. Siguro kapag naibenta ko na ang ibang negosyo at bahay namin ay makakakuha ako ng 2 billion man lang. Ang laki pa ng pera na kailangan kong idagdag. May mga alahas at gamit din akong branded na matagal ko ng pinagkakaingatan. Baka puwede ko rin itong ibenta at pagkakitaan. s**t! Hindi talaga sumagi sa isip ko na dadating ang araw na mamumulubi ako. Sa susunod ko na lang poproblemahin kung saan ako titira. Maybe, mangungupahan na lang ako or worst comes to worst ay baka sa kalye na lang ako mag palipas ng gabi. Just kidding. Nang maihatid ko na sila sa labas ng bahay at nakapagpaalam ay bumalik na ako sa loob at iniligpit ko na rin ang mga pinagkainan ko. Malungkot akong napangiti nang makitang sobrang linis ng bahay bago nila iniwanan ito. Tahimik ang buong bahay, kaya nararamdaman ko talagang mag-isa na lang ako. Sanay akong mag-isa, pero hindi ako sanay na sobrang tahimik dito. Bumalik na lang ako sa loob ng kuwarto ko para ipunin lahat ng gamit at damit na puwede kong ibenta. Hindi ko rin pinalagpas ang mga gamit ni papa na puwede kong pagkakitaan. *Kring *Kring *Kring Kinuha ko ang phone ko na nakalagay lang sa maliit na lamesang katabi lang ng kama nang marinig kong tumunog ito. I saw Tasha's name in the caller, kaya sinagot ko ito agad. It's been 4 days na hindi kami nagka-usap. Sa loob kasi ng araw na 'yon ay patay ang cellphone ko dahil nga sa mga tumatawag sa akin. Ngayon ko lang ito nabuksan. "Hey, whats up!" bati ko sa kaniya. Umupo ako sa cough dito sa loob ng kuwarto ko at agad ipinatong ang dalawa kong paa sa kaharap na maliit na table. "Bruha ka! Nasaan ka ngayon? Bakit hindi man lang kita matawagan these past few days? May nangyari ba sa'yo? Nag-aalala talaga ako sayo nang sobra. Kalat na kalat sa buong pilipinas ang dad mo lalo na 'yong mga pinaggagawa mo," bungad niya agad sa akin. I leaned on the cough before I sighed. "Puwede bang pumreno ka naman? Okay lang ako at humihinga pa naman, it's just that my life was a complete mess. Argh! Dumagdag pa ang bilyones na utang ni papa,” hindi maipinta ang mukhang reklamo ko. "What? Billions? Ang laki naman niyan, Asuna. Ano bang ginawa ng papa mo sa perang 'yon? Puwede na sana 'yon pandagdag sa utang ng pilipinas," aniya at napairap na lang ako nang may gana pa talaga siyang magbiro. Hindi ko naman kayang sagutin ang tanong niya dahil kahit ako mismo na anak ng hayop na 'yon ay hindi rin alam kung bakit ganoon na lang kalaki ang perang inutang niya. Hindi ko nga alam kung saan niya pinaggamitan ang malaking halaga na perang iyon. "Hindi ko alam. Para na akong masisiraan ng bait dito. I don't know what to do anymore, Tasha. Sunod-sunod na problema ang iniwan sa akin ni papa. Sampung bilyon ang kailangan kong bayaran within this month! Can you believe it? Saan naman ako kukuha nang ganoong kalaking pera?" Sambit ko na lang. "Then, what's your plan? Tell me. Maybe, I can help you with that," aniya sa akin. "Plano kong ibenta ang bahay at ang ibang negosyo at ari-arian ni papa pero alam ko naman hindi ito maging sapat kahit na idagdag ko pa ang mga alahas, branded kong gamit at pati pera ko rin sa bangko," sagot ko naman. "I can lend you some money naman, Asuna. May pera rin akong naipon and then ibebenta ko na rin siguro ang ibang branded na gamit ko. It's just a small amount pero puwede naman ding pandagdag," She offered, I couldn't help but smile. She's really my friend. Kahit may kalog ito paminsan-minsay ay alam naman nito kung kailan kailangan ko siya. "Huwag na. Keep it to yourself, Tasha. Tulungan mo na lang akong makahanap ng buyer sa House at lupa at sa negosyo na rin. It will really help me a lot," I replied. Kahit ang laki ng problema ko ngayon ay hindi ko pa rin magawang humingi ng tulong sa kaniya. Ayokong mag-away na naman sila ng pamilya niya dahil sa akin. I don't want to break their relationship. Ayaw ng mga magulang ni Tasha sa akin dahil masama raw akong impluwesya sa anak nila. "Are you sure na ibebenta mo talaga ang lahat?" tanong niya. "You will left nothing if you do that." "Yeah, I have to," ani ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya, kaya napabuntong hininga na rin ako. "Fine. Just call me if you need anything. I'm just right here, okay? Anyways, may natanggap akong balita. I really don't know if it is good news for you," aniya na ipinagtaka ko naman dahil biglang nag-iba ang tono ng boses niya. "Ano naman 'yon?" tanong ko habang nakapikit at nakasandal ang ulo ko sa cough at hinihintay ang sasabihin niya. "Someone's came back." Napamulat agad ako nang marinig ko ang sinabi ni Tasha. Bumilis din ang t***k ng puso ko nang may isang tao ang bigla na lang pumasok sa isip ko na puwedeng bumalik. "Your sister just arrived...." I cut her off before she finish. "Tasha, I don't have a sister," malamig kong wika. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya dahil sa naging tugon ko. Siguro ini-expect niya na ganito ang reaksyong matatanggap niya kaya nagdadalawang isip siya kanina kung sasabihin ba niya ito sa akin o hindi. "Anyways, thank you for calling. I am really fine.“ I have to be fine. "Of course, you are fine. You're Asuna Letizia Hera. I know you are strong enough to overcome this. Just call me if you need anything. I'm just right here, okay?" "Mm. Thank you, Tasha." Ibinaba ko na ang tawag at sininandal ang katawan ko sa couch at tulalang tiningnan ang kisame ng kuwarto ko. She's here. Bakit pa siya bumalik? It's been 8 years. 8 years without her and I am still okay. Pumikit ako at humugot nang malalim na hininga. Binaliwala ko na lang ang sinabi ni Tasha sa akin. After all, inalis ko naman na siya sa buhay ko. Tingnan ko na lang ang mga gamit na ibebenta at isasangla ko na nakalatag na sa kama ko ngayon. They are all my precious babies. They are important to me pero kailangan ko na silang bitawan. LUMIPAS ang mga araw at puro paghahanap ng pera lang ang ginagawa ko. I was exhausted! Mabuti na nga lang at may bumili na rin sa bahay at lupa, pati na sa ibang negosyo ni papa. Ngayon nga ay nag-iimpake na ako para umalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Isang maleta lang ang dala ko dahil kaunting damit lang naman ang naiwan sa akin. Ibenenta ko na kasi ang iba. Malaki-laki naman ang naidagdag ko. Bali 5 billion na ang perang nasa akin, kasama na rito ang sarili kong pera, ipon, pati mga kotse sa bahay ay hindi ko na pinalagpas. Katulad nga ng sinabi ni Tasha, I was left nothing. Haist! hindi na ako makakapag bar at shopping nito. Talagang may gana pa akong isipin ang pagsho-shopping at bar ngayon, eh hindi ko na nga alam kung saan ko pa hahagilapin ang 5 billion pang kulang na pera. Tiningnan ko muli ang kabuoan ng bahay sa huling pagkakataon mula sa labas ng gate. Good and bad memories have happened here. I cannot say that this is my home dahil hindi ko naman naramdaman 'yon. This is just a shelter for me, a house where I can live on. Eight years ago, I already lost my home. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tumalikod na at nagsimula ng maglakad sa kahabaan ng daan palabas ng subdivision. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I don't know what path I take. Habang naglalakad ako palabas ng subdivision dala-dala ang isang maleta na gamit ko ay kumunot ang noo ko nang may humintong sasakyan sa harap ko. Nilagpasan ko na lang ito dahil baka hindi ako ang sadya. "Asuna." I immediately stopped walking when I heard that familiar voice called my name from behind. The voice that I haven't heard for almost 8 years. The voice that I really don't want to hear in my entire life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD