Bumilis ang t***k ng puso ko at naramdaman ko rin ang panunubig ng mga mata ko, na para bang ano mang oras ay iiyak na lang ako.
Nilingon ko ang taong tumawag sa pangalan ko at hindi nga ako nagkamali. It was Amethyst, my sister who left me 8 years ago. Nakatayo siya sa may labas ng pintuan ng sasakyan niya habang nakabukas ito.
Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko at malamig ko lang siyang tinaponan ng tingin.
She came back, huh? May gana pa talaga siyang magpakita sa akin, after all these years? Napahigpit ang kapit ko sa handle ng maleta habang nakatingin ako sa kaniya.
Bumabalik sa akin ang ginawa niyang pag-iwan sa akin noon at hindi lang 'yon pati na 'yong pambubugbog ni papa na kailangan kong tiisin. 'Yong mga pasa na kailangan kong itago gamit 'yong mga make up na meron ako para lang makagala at mag walwal. 'Yong mga masasakit na salitang kailangan kong ilabas sa kabilang tenga ko at 'yong mga bali sa katawan na iniiyakan ko tuwing gabi dahil hindi ako makatulog sa sobrang sakit. Lahat 'yon ay nag-uunahang bumalik sa utak ko nang makita ko siya.
Lahat 'yon ay sinisisi ko siya dahil iniwan niya ako.
Tumalikod ako sa kaniya upang ipagpatuloy sana ang paglalakad nang agad siyang pumunta sa gawi ko at hinarangan ang daanan ko.
"Asuna, please talk to me. I knew what happened to Dad, so I went back here immediately to check on you. I'm worried about you," aniya at hinawakan pa ang kamay ko.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.
Her touch is warm just like before. Lumalabo na naman ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko na pilit kong iniiwasang malaglag.
I used all my strength to hold back my tears. I am not weak anymore. Kaya ko ng mag-isa. Kinakaya ko na kaya bakit pa niya kailangang bumalik at magpakita sa akin?
Agad ko ring binawi ang kamay ko at marahas akong bumuntong hininga sa harapan niya.
I gritted my teeth in anger. "Can't you see? Miserable na ang buhay ko ngayon...oh wait... naging miserable na pala ang buhay ko simula noong nangako ka sa akin pero hindi mo naman tinupad. You still left me," galit na sabi ko habang nangingilid ang mga luha ko.
"I had no choice at that time, Asuna," rason niya sa akin.
"You had no choice, yet you chose to leave me? God! Swallow your f*****g reasons, Amethyst. Hindi ko na kailangan 'yan," asik ko at malakas na binangga ang balikat niya upang makadaan ako.
"You have no place to go, Asuna. Pinuntahan ko ang bahay natin at nabalitaan ko na lang na ibenenta mo na ito, pati ang lupa. Kung wala kang matitirhan ngayon, you can live with me. And If you have any problem just tell me and maybe ...I can help you. I'll do my best to help you," nagsusumamong sabi niya.
Napahinto ulit ako sa paglalakad at bigla na lang pumasok sa isip ko ang sampung bilyon na utang ni papa. Hindi ko na alam kung saan kukunin pa ang limang bilyon. Wala ng natira sa akin. Wala na akong puwedeng ibenta.
Nilingon ko ulit si Amethyst at pinagmasdan ang tindig niya. She wore a latest chanel dress and a limited edition shoes. I recognize it immediately dahil 'yong suot niyang sandals ang gusto ko talagang bilhin noon pero dahil limitado ay hindi ako nakakuha. It worth millions.
Nabalitaan ko rin noon kay papa na nakapag-asawa ng mayaman ang ina niya, kaya siguro maganda ang buhay niya ngayon. Mamahalin din ang kotseng dala niya. Naikuyom ko na lang ang kamao ko nang isipin kong napakaganda ng buhay niya habang ako ay iniinda pa ang lahat ng sakit at pambubugbog ni papa araw-araw. Ang unfair naman ng buhay.
Pero naisip ko na anak din naman siya ni papa, hindi ba? Kaya bakit ko susuluhin ang sampung bilyon na utang ng ama namin? At saka, sa sitwasyon ko ngayon wala rin akong bahay na matutuluyan. Plano ko sanang puntahan si Tasha pero nakakahiya naman kung doon pa ako manunuluyan.
Hindi na ako nagsalita pa at bigla-bigla na lang akong naglakad papasok sa mamahaling kotse niya. Agad din naman siyang sumunod sa akin matapos niyang maipasok ang gamit ko at nag maneho na.
"Give me 5 billion. May utang si papa na kailangan kong bayaran ngayong buwan," agad kong wika sa kaniya. Nakita ko naman kung paano nanlaki sa gulat ang kaniyang mga mata.
"W-what? 5 billion? That much?" gulat niyang tanong habang palipat-lipat ang tingin niya sa daan at sa akin.
I just rolled my eyes in response at pinakialaman ko ang mga gamit sa loob ng kotse niya dahil wala akong puwedeng gawing libangan. Tinitingnan ko kung anong laman ng kotse niya at baka my gold na puwede kong ibenta.
"Why not ask your father in prison?" suhestiyon ko sa kaniya habang busy pa rin ako sa paggalaw ng mga gamit niya. Hinahayaan lang din naman niya ako.
"10 billion ang utang ni papa. May naipon na akong kalahati 'non. Kaya bilang anak din ni papa, you have to contribute," saad ko at hindi naman siya nagsalita pero halata pa rin sa mukha niya ang pagkabigla.
Napansin ko naman sa rearview mirror ng kotse niya ang mga maleta at maraming paper bags na nakalagay sa may backseat ng sasakyan niya.
"What with those things?" kunot noo kong tanong nang lingonin ko ang mga iyon sa backseat.
"Kararating ko lang sa pilipinas. I stayed for a couple of days sa manila dahil may inasikaso pa ako. When I heard about you and dad ay agad akong lumuwas ng pilipinas at pinuntahan kita agad. Ang iba riyan ay mga regalo ko sa mga katulong namin," sagot niya na nakapagpataas ng dalawang kilay ko.
Hindi na ako nagsalita pa at buong byahe ay hindi ko kinakausap si Amethyst. Masakit pa rin sa akin ang ginawa niyang pag-iwan sa akin noon, kaya hindi niya ako masisisi kung nagtatanim ako ng sama ng loob sa kaniya ngayon. Puwede na nga siguro niyang anihin ang sama ng loob ko eh.
"We're here," nakangiting sambit niya.
Kusang bumukas ang napakalaking gate at pumasok na nga siya rito. Binaybay ni Amethyst ang daan papasok sa bahay na sinasabi niya. Ilang minuto ang lumipas at nakarating na nga kami.
Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ang kabuoan ng bahay o mas magandang sabihin ko ay mansyon. Nalulula ako sa laki at ganda nito.
Bumaba ako at bumungad agad sa paningin ko ang mga nakahilerang mga katulong at iba pang trabahante rito mula sa labas ng mansyon hanggang sa loob.
"Welcome back, Ms. Amethyst," sabay nilang bati at yumuko pa nang makita nila si Amethyst na lumabas ng sasakyan.
Ngumiti naman si Amethyst sa kanila at pinuntahan agad isa-isa ang mga nakahilera dala-dala ang mga napakaraming paper bags na ireregalo niya.
Hindi ko na lang sila pinansin na nagsasaya dahil dumeretso na akong pumasok sa loob ng mansyon.
For the second time ay namangha ulit ako sa ganda ng mansyon, lalo na nang makapasok ako sa loob. Mas malaki ang bahay na ito kaysa sa bahay na benenta ko. Hindi ko alam na ganito pala kayaman ang ina ni Amethyst. Siguro naman maibibigay niya ang perang sinabi ko sa kaniya kanina sa kotse.
"Thank you po talaga sa regalo, Ms. Amethyst."
"Walang pong ano man Manang Berta. Pasasalamat ko na rin po 'yan dahil kayo po ang nag-aalaga sa mga kapatid ko nitong mga nakaraang taon na wala ako."
Tiningnan ko lang sila na papasok na sa loob. Nang mapansin ako ni Amethyst ay ngumiti siya at nilapitan ako.
"Everyone! May ipapakilala sana ako sa inyo. She's Asuna, my sister. Siya 'yong palagi kong ikinukuwento sa inyo," nakangiting pakilala ni Amethyst sa akin. Pilit ko na lang din silang nginitian lahat nang mapunta ang tingin nila sa akin.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ng iilang katulong na nandito. They are trying to recognize me kaya napapaiwas ako ng tingin sa kanila.
"Alam mo? Napakapamilyar mo sa akin. Artista ka ba? Parang napanood na kita sa TV eh," ani ng isang babaeng katulong na kaedad lang yata ni Amethyst at mas lumapit pa siya sa akin para matingnan nang mabuti ang mukha ko.
Pilit kong iniiwasan ang tingin niya. Naiilang kasi ako kapag titig na titig sa akin ang isang tao.
Agad naman akong hinarangan ni Amethyst sa kaniya.
"Alam mo Rona, mas mabuti pang kumain na lang tayo sa kusina. Baka kasi lumamig 'yong hinanda ninyong pagkain para sa amin," aniya na sinang-ayonan naman ng iba.
Nauna ng pumunta sa dining area ang mga katulong habang kami ni Amethyst ay nakasunod lang sa kanila. Nang makarating na kami sa dining area ay bumungad agad ang sandamakmak na pagkaing nakalatag lang sa mahabang lamesa.
"Ang dami naman ng mga pagkain," manghang usal ni Amethyst habang iniisa-isang tingin ang lahat ng pagkain. Ang iba sa mga pagkain ay alam kong paborito niya.
Biglang tumunog nang malakas ang tiyan ko kaya nagtawanan ang ibang katulong pati na rin si Amethyst. Hindi kasi ako kumain ng agahan dahil hindi ako marunong magluto. Gastos na rin kung oorder pa ako ng pagkain, kaya siguro nagwawala na ang tiyan ko ngayon.
I just rolled my eyes at umupo na ako sa bakanteng upuan sa dulo ng lamesa. Gano'n din naman ang ginawa ni Amethyst.
"You know what? Sa sobrang dami ng pagkain ay hindi namin ito mauubos ng kapatid ko. Why not join with us para naman makapagkwentohan tayong lahat," nakangiting aya ni Amethyst sa kanila kaya masayang umupo silang lahat sa mga bakanting upuan.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikipagkwentohan naman sila.
"By the way, is he not here? Hindi ko kasi siya nakikita. Gusto ko sanang ipakilala si Asuna sa kaniya. I knew he'll ganna love it dahil lagi kong ikinukuwento sa kaniya si Asuna," nakangiting usal ni Amethyst sa kanila.
Tahimik lang din akong nakikinig. Wala akong planong magsalita. I'm just observing them. Hindi naman kasi ako palakaibigan.
"Maaga pong umalis si Sir Luca, Ms. Amethyst. Pero, sabi naman po niya ay uuwi siya agad dahil uuwi raw po kayo.“
Napatango-tango si Amethyst nang marinig ang isinagot ni Rona.
Saglit naman akong napatigil sa pagsubo nang marinig ko ang pangalang ibinanggit ni Rona. Well, I think I heard or read that name somewhere, hindi ko lang matandaan kung saan.
"Good morning po, sir Luca. Nasa dining area po si Ms. Amethyst..." narinig kong sabi ng isang katulong mula sa living room.
Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha ni Amethyst. "Oh, speaking of the devil. His already here," excited ang mukhang sambit niya bago tumayo at sinalubong ang taong dumating.
"Hey! You're home, Ame."
Kusang kumunot ang noo ko nang marinig ang baritonong boses na iyon. Hindi lang ang pangalan niya ang pamilyar sa akin, pati ang boses niya ay napaka pamilyar din.
Do I knew this man?
"Come, eat with us. May ipakikilala rin ako sa'yo," rinig kong sabi ni Amethyst.
"Who?"
"My sister. She's here."
Kumain lang ako at hindi pinansin ang nasa paligid ko. I heard footsteps coming towards my direction. Nakayuko pa rin ako at nasa pagkain ang buo kong atensyon, not until a pair of men's shoes drew my attention.
Natigalan ako sa pagkain at agad na kumunot ang noo ko. I don't know but I felt something strange feeling. Parang may bumubulong sa akin na kailangan kong iangat ang tingin ko upang masilayan ang may-ari ng mga sapatos na 'to.
“Asuna,” Amethyst called me.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. Mula sa kaniyang paa hanggang sa...sa…Holy s**t!
Why the f**k is he doing here?
I felt like somebody dropped a bucket of cold water in my head when I saw his face. Bigla akong napaubo nang mabilaukan ako sa kinakain ko kanina na pahirapan sa akin ngayon ang paglunok.
Unti-unting nagkasalubong ang kaniyang makakapal na kilay nang makilala niya rin ako. Hindi niya siguro inaasahan na magiging maliit lang ang mundo para sa aming dalawa.
Ang lalaking kinaiinisan ko na ngayon at ang lalaking naging dahilan kung bakit walang-wala ako ay nasa harapan ko ngayon.
"Asuna, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Amethyst nang mabigyan niya ako ng isang basong tubig habang may bahid na pag-aalala ang nakita ko sa kaniyang mukha.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, na para bang naipako na ang sarili ko sa upuan. Nakalimutan ko na rin siguro ang huminga dahil sa pagkabigla.
Anong relasyon ang meron siya at ng kapatid ko?
I tried to calm myself down as I make sense of the situation.
Ilang ulit akong lumunok para patigilin ang kabang nararamdaman ko. Pero mas lalo pa itong nadagdagan nang mapadapo ang tingin ko sa kamay ni Amethyst na nakapulupot ngayon sa kamay nitong lalaking katabi niya. Matagal akong nakatitig doon.
An almost crazy thought popped up in my head and I dare not believe it. Hindi talaga puwede ang iniisip ko.
He can't be Amethyst's husband!
Pull yourself together, Asuna! Baka kaibigan o magkakilala lang sila. Hindi pwedeng nakipag siping ka sa asawa ng kapatid mo!
Kahit galit ako kay Amethyst ay hindi ko pa rin masisikmura na gawin iyon. Yeah, the night I spend with him was great. Hindi ko iyon maitatanggi, but after thinking that he might be my sister's husband, hindi ko mapigilang magsisi sa nangyari sa amin.
Ano? Naging other woman o parausahan ba ako ng isang gabi?
Itinaas ko ang tingin ko dahilan upang magtama ang aming tinginang dalawa. He was still looking at me with that same unbothered gaze that he always held in his eyes.
I gulped as I coudn't bring myself to eat dahil ramdam na ramdam ko ang matiim niyang titig sa akin, na para bang tinatanong niya kung bakit ako nandito.
“Asuna, anong nangyayare sa'yo? Bakit ka naman namumutla bigla?“ muling tanong ni Amethyst sa akin.
Huminga ako nang malalim at nag-ipon ako ng lakas ng loob para mag tanong kay Amethyst. I need to confirm this. Kung totoo man ang hinala ko, I really can't stay here.
"I… is he your husband?" nauutal na tanong ko habang taimtim akong nagdarasal na sana mali lang ako, na sana hindi.
Bigla namang tumawa si Amethyst sa naging tanong ko pati na rin ang ibang katulong na nakikinig ay nakitawa na rin. Ngunit, si Luca ay hindi pa rin inaalis ang pagkatitig sa akin na para bang ang buo kong pagkatao ay sinusubukan niyang basahin. Just like before ay hindi ko nakitaan ng ano mang emotion ang mga mata niya.
If I were to describe him right now, he was the very resemblance of the walking dead, lifeless and cold.
"Of course not, Asuna. Bakit mo naman naisip 'yon?" natatawang pagtanggi naman niya.
Parang nabunotan ako ng isang libong tinik sa dibdib dahil sa nakuha kong sagot mula sa kaniya.
Thank goodness! Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Thankfully at hindi niya asawa ang lalaking 'to. Maybe they're just acquaintance or a friend, gaya ng iniisip ko kanina. Yeah, ganoon nga. I shouldn't jump into conclusion next time.
Just when I thought things couldn't get any worse, Amethyst started speaking again, “Actually..."
Hindi ko alam kung bakit bumalik ang kabang naramdaman ko nang magsimulang magsalita ulit siya. I had a feeling that she will correct what I thought earlier about them.
"He's my dad, Asuna.“
“…”
0___0
My eyes immediately widened in shock. A number of emotions flashed through my face as I heard those words came out of her mouth.
Para akong binuhusan na naman ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Napahawak na lang ako bigla nang mahigpit sa lamesa nang malapit akong malalag sa kinauupuan ko.
D-dad? S-she mean her STEP-FATHER!!? Asawa ng biological mother niya?
His eyes dangerously narrowed down on me when I looked at him.
WAIT!!!!
I… I did… I did… WHAT?
I did make out of her step father!!??