Tahimik ang paligid. Ang tanging naririnig ko ay ang mahinang tunog ng monitor sa loob ng ICU, kung saan patuloy na nakikipaglaban si Von para manatiling buhay. Ramdam ko ang kirot sa bawat tunog ng beeping, parang sinasampal ang puso ko ng paulit-ulit, paalala na bawat segundo ay mahalaga… at maaaring huli na. Pinipigilan ko ang luha ko habang nakaupo pa rin sa labas ng ICU. Mahigpit kong hawak ang maliit na panyo ni Von—’yung pareho niyang ginamit kanina bago kami umakyat sa second floor ng party. Ang party na dapat ay para sa kasal namin bukas. Bukas... Hindi ko alam kung may kasal pa kaming aabutan. At sa gitna ng katahimikang iyon, biglang bumukas ang sliding door ng emergency lobby. Napalingon ako, at agad akong napatayo nang makita ko si Tita Loraine Montrose—ang ina ni Von. “T

