Kabanata 16. Lampara

1023 Words
"Sure ba 'yan? Ang ibig kong sabihin ay sigurado ba 'yang sinabi mo?" tanong ko at saka lumingon sa ibang direksyon. Hindi siya kumibo kaya naman tumingin ako sa kaniya. Napalunok ako nang makitang nakatitig lang siya sa 'kin. Don't look at me like that, Cielo! "Halika, sumama ka sa 'kin," pag-aaya niya at saka ako hinila. Bakit gano'n? Hinahayaan ko siyang hilain ako basta lang samantalang sa Manila, kalabitin lang ako ng lalaking hindi ko kilala ay kinagagalitan ko na. Nang makarating kami sa liblib na lugar ay agad niya 'kong binitawan. Isang posporo at lampara sa may gilid na walang apoy ang kinuha niya. Binuksan niya ito sa harap ko. "Gretha, sindihan mo ng apoy ang lampara." Kinuha ko ang posporo sa kamay niya at agad na sinunod ang kaniyang utos. Hanggang sa nagpatuloy kami sa paglalakad. Tahimik at madilim ang lugar na dinaraanan namin. Napaliligiran ng malalaking puno, mga halamang pandan at makakapal na damo. Tanging lampara lang ang nagbibigay ilaw sa 'ming paglalakbay. Hanggang sa tumigil kami sa lugar na may kaunting liwanag. Tumambad sa harap ko ang ilog na diretso lamang ang direksyon at napapaligiran ng mga bulaklak na waling-waling. Ang ganda! Kahit kaunti lang ang liwanag ay kita pa rin ang ganda ng paligid, at ang malinaw na ilog. "Iyan ang tinatawag na Ilog La Paz," sambit ni Cielo na ngayon ay na sa tabi ko. "Ilog La Paz? Ang ganda naman ng pangalan. Sabagay ang ganda rin ng paligid dito." ninamnam ko ang preskong hangin at saka humakbang palapit sa ilog. "Paz ay mula sa salitang kastila na 'pag isinalin sa tagalog ay "kapayapaan". Tama ka maganda ang lugar na 'to, pero saksi ang Ilog La Paz sa mga giyerang naganap sa dekadang lumipas. Ang mga dugo, hirap at kamatayan na rito mismo naganap." sandali akong nakaramdam ng lungkot sa narinig. "So, masalimuot pala ang ala-ala rito sa Ilog La Paz dahil sa mga giyera noon?" "Oo. Simula noon ay hindi na ninais ng mga tao na pumunta rito at iilan na lang ang nagtutungo dahil sa tuwing makikita nila ang Ilog La Paz ay bumabalik lang ang nakaraan nila. Ang mga mahal sa buhay na yumao dahil sa giyera." Sambit niya. I'm speechless. Hindi ko akalaing mapapadpad ako rito. Hanggang ngayon ay 'di nag-si-sink in sa utak ko ang katotohanang nandito ako sa Los Ultimo. Ang lugar sa Mindanao na hindi makikita sa mapa o maging sa anumang website. "So, bakit mo nga pala 'ko dinala rito?" pagtataka ko. "Gusto ko lang na masilayan mo ang lawak ng Ilog La Paz at ganda ng paligid. Dahil kadalasan, kaakibat ng ganda na mayroon ang isang bagay ay may maskarang ikinukubli para lang itago ang pagiging miserable sa likod ng nakaaakit na panlabas." nang sabihin niya 'yon ay bigla akong tinamaan. Para bang ako ang tinutukoy niya. "Tama ka, madalas purihin dahil maganda ang panlabas. At kahit hindi nila alam ang kwento sa likod ng magandang anyo, makita lang nila ang pagkakamali mo ay pauulanin ka ng panghuhusga... na para bang perpekto sila," seryoso kong sinabi habang nakatanaw sa ilog na napakalinaw. Hindi ko alam kung anong hangin ang nagtulak sa 'kin para sabihin ang bagay na 'yon pero aminado akong tagos sa puso ang bawat linya. Sandaling namayani ang katahimikan sa paligid hanggang sa muli siyang nagsalita. "Tingnan mo ang walingwaling, napakaganda pagmasdan kahit pa sa dilim." napatingin ako sa mga bulaklak na 'yon. He was right— those brilliant flowers with fragrance petals. Nakatutulala ang bulaklak na 'yon mapa-umaga o gabi. "Ikaw ba? Bakit sa dinami-dami ng pwede mong puntahan at gawing paksa sa ginagawa mo ay ito pang Los Ultimo? Samantalang napakaraming magandang lugar at ligtas puntahan kaysa rito," usisa niya na nagdulot ng kung anong kirot sa 'king dibdib. Lumapit ako ro'n sa mga walingwaling na bulaklak at ito'y marahang hinaplos habang pinagmamasdan. "Hindi ko rin gusto na pumunta rito, pero dahil sa isang tao na minamaliit ang kakayahan ko ay naisip kong patunayan na kaya kong matuklasan ang lugar na 'to ng mag-isa. Sa sarili kong paraan," sagot ko ng bukal sa puso. Iyon naman ang totoo, dahil kay Mrs. Laurente kaya napilitan akong gawing content ito sa vlog. Sa kasamaang palad ay 'di rin ako makapag-vlog dahil sa mga nakawiwindang na batas. Pagkatapos ngayon ay hindi ako makalabas dito at kailangan tapusin ang isang buwan. "Pwede bang malaman kung paano ka niya minaliit?" kailangan bang alamin pati 'yon? Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya. "Ang sabi niya sa 'kin ay puro paganda at kaartehan lang ako. Walang respeto at kung anu-ano pang masasakit na salita." "Tama naman sila." Awtomatikong kumunot ang noo ko at napaharap sa kaniya. "Anong sabi mo?!" "Ang sabi ko, tama ang sinabi nila patungkol sa 'yo." para akong binaunan ng turnilyo sa dibdib sa sinabi niya. Napayuko na lang tuloy ako sa kahihiyan. Sino nga ba naman ako? Ako lang 'to. Ang babaeng walang respeto sa kahit na sino. Ang babaeng palaging idinadaan ang lahat ng bagay sa salapi. Ang babaeng abusado sa karapatan at kalayaang gawin ang gusto niya. Ang babaeng nakapananakit ng kapwa ngunit hindi marunong humingi ng pasensya. Isang nilalang na hindi marunong makaramdam kahit sariling magulang pa niya ang masaktan. "Totoong hindi dapat tularan ang isang tulad mo dahil hindi maganda ang asal mo, Gretha. Ngunit hindi ibig sabihin no'n ay 'di ka na kamahal-mahal." Gulat na inangat ko ang aking ulo at nagawi kay Cielo. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Nagpatuloy kami sa pag-uusap kahit pa napakadilim ay hindi alintana sa 'min. Kung minsan ay umiiwas ako ng tingin lalo kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa 'kin. Hanggang sa maisipan namin na bumalik na sa dormitoryo. Hindi ko pa rin mawari minsan ang takbo ng utak niya dahil may mga oras pa rin na mas attitude pa siya sa 'kin. Ngunit kahit papaano'y napagaan niya ang loob ko. Hindi man siya ngumiti o tumawa ay nakatulong pa rin sa 'kin ang simpleng pag-uusap namin. Suplado man siya kadalasan, salamat pa rin dahil naibsan ang bigat ng aking kalooban. Sana lang ay hindi na niya 'ko parusahan pa sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD