Lumipas ang mahabang minuto. Sa wakas ay natatanaw ko na si Manang Ibay.
"Simulan na natin, Gretha."
Nagsimula na kami sa paghihimay ng mga pandan. Iyon kasi ang gagamitin sa paggawa ng banig na ibebenta raw sa mga syudad at ibang pook rito sa Mindanao. Imagine? Labag man sa loob ko ay 'di ko akalaing aabot ako sa ganitong parte ng buhay ko.
Lumipas ang halos dalawang oras, sa wakas ay oras na para kumain.
"Sandali lang Gretha, dumito ka na muna't may kukunin lang ako sa loob ng kubo," paalam ni Manang Ibay.
Wala akong choice kung hindi tumayo rito. Sa kalagitnaan ng aking paghihintay ay mayroong tatlong babae ang dumating. Mukha silang mga taong grasa. Ew!
"Ikaw pala ang panauhing tinutukoy ni Manang Ibay," sambit ng isang babaeng kulot ang buhok na matangkad.
"Napakagandang panauhin. Gaganda ka pa kaya kung mabahiran ka ng dumi ng baboy sa mukha?" saad no'ng maliit at saka nila 'ko tinawanan.
Bullshit!
"Balita namin ay napakatamad mo raw na nilalang. Totoo nga ba?" ani pa no'ng matangkad.
"Ang pinagtataka namin ay kung bakit ang lakas ng loob mong pumunta rito samantalang hindi ka naman nababagay sa Los Ultimo," direktang sabi no'ng isang maliit na babae.
Tinawanan nila 'ko na para bang perpekto silang nilalang.
"Whatever," walang gana kong sinabi at saka nag-make face sa harap nila.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ng babaeng nang-asar sa 'kin.
Sa inis ay tinaasan ko siya ng kilay. "Kasing ganda ko rin naman ang pangalan ko kaya hindi mo na kailangan pang malaman."
Nagbago ang expression ng mukha niya hanggang sa lumapit siya sa 'kin at itinulak ako. Stupid!
Akmang itutulak ko siya pabalik pero bigla akong hinawakan no'ng dalawa. Nagpumiglas ako ng paulit-ulit pero mas malakas sila.
"Bitawan niyo nga 'ko!"
"Nababaliw na ba kayo? S-sinabing bitawan niyo 'ko!"
Patuloy sila sa pagtawa hanggang sa 'yong isang babae ay nagmadaling tumakbo at pagbalik niya ay may hawak na siyang timba.
Shit!
Lumapit siya sa 'kin at halos bumaligtad ang sikmura ko nang malanaghap ang mabahong amoy mula sa hawak niya.
"What the f**k!" halos maduwal ako nang lagyan niya ang t-shirt at short ko.
Shit! Kay Cielo pa man din 'to, paano na?
Hanggang sa buong pwersa akong nagpumiglas dahilan para mabitawan nila 'ko. Hindi pa sila nakuntento dahil itinulak nila 'ko sa may gilid na lupang putikan. Napaupo ako at doon ay parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga pinaggagawa nila sa 'kin.
"Napakahangal niyo!" singhal ko habang sila ay pinagtatawanan ako at paulit-ulit binabanggit ang mga katagang puno ng panlalait.
"Batugan!"
"Maganda lang ang kutis mo pero bagay ka sa basura!"
"Hahaha mga kaibigan, hindi na siya maganda, mabaho na siya!"
Seriously! Napaka-hangal nila! Bakit nila ginagawa sa 'kin 'to? Kahapon si Cielo ay pinarusahan ako, ngayon naman ay tatlong babaeng inaabuso ako.
Ilang sandali pa ay nadagdagan ang bilang ng mga taong naririto at dumarami pa sila. Hanggang sa maramdam ko ang muling pagkirot ng tuhod ko, kasalanan nila 'to!
"Ano bang kasalanan ko sa inyo?!" pasigaw kong tanong dahilan para matigilan 'yong tatlo sa pagtawa. Ngayon ay pinanonood ako ng mga tao rito at pinagbubulong-bulongan.
"Umalis ka rito sa Los Ultimo! Hindi ka bagay dito kaya dapat lang sa 'yo 'yan!" anas no'ng isang maliit.
Kanina pa namumuro sa 'kin 'yong babaeng maliit na 'yon.
Gretha, bakit ka naduduwag ngayon? Matapang ka, 'di ba? Hindi ka nagpapatalo at mas lalong hindi ka kayang tapakan ng ibang tao! Tumayo ka riyan at gantihan mo sila!
Sambit ng utak ko ngunit bakit ganito? Bakit hindi ko magawang lumaban? This is not me!
Paano ako babangon? Paano ako tatayo? Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung napaliligiran ako ng mga taong hindi ko kilala at mahirap kalabanin? Dito pa sa lugar na wala akong alam at hindi ko kinasanayan.
Sana panaginip na lang ang lahat. Sana paggising ko ay na sa Manila na 'ko.
"Kasama ba sa trabaho ninyo na itrato ng ganiyan ang panauhin?" isang baritonong boses ang umalingawngaw sa paligid, hindi pasigaw pero nakakikilabot pakinggan.
Ilang segundo lang ay agad na nagsialisan ang mga tao sa harap ko at nagbigay espasyo sa gitna. Doon ay bumungad ang isang matipunong lalaki.
Si Cielo.
Naglakad siya sa gitna palapit sa kinaroronan ako habang ang mga tao ay nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa kanya lalo 'yong tatlong babae kanina. Hanggang sa tumayo ako pero wala na, dahil kadiri na ang itsura ako at mabaho. Nakakainis!
"Ang sinomang gumawa nito sa panauhin ay dumiretso sa tapat ng campo ngayon din. Alam niyo kung sino kayo. 'Wag niyong hintayin na kaladkarin ko pa kayo isa-isa. Sa oras na bumalik ako roon at wala ang mga taong inaasahan ko ay alam niyo na ang kahihinatnan."
Napalunok ako sa narinig. Ibig sabihin ba nito'y parurusahan niya 'yong tatlong babae kanina?
"Bilang isang Koronel ay inuutusan ko kayong lahat na bumalik sa kani-kaniyang trabaho niyo ngayon din!" utos ni Cielo kasabay ng nakakikilabot niyang presensya at tingin. Lahat ay nakayuko at nagsialisan ng tahimik. Walang nagtangka na kumibo o mag-ingay.
Biglang humarap sa 'kin si Cielo dahilan para makaramdam ako ng hiya.
What should I do now? Should I ask for help or find my way to overcome this f*****g kahihiyan?
"Gretha, iangat mo sandali 'yang kamay mo," utos ni Cielo na ngayon ay na sa harap ko.
Umiling ako dahil nahihiya ako sa kaniya.
"Iangat mo sabi na 'yang kamay mo." walang emosyon ang mukha niya.
"A-ayoko..."
"Isa!" galit na naman siya.
"Heto na nga 'di ba." agad kong tinaas ang kamay ko.
Para din naman 'to sa 'kin kaya hindi na 'ko dapat pang mag-inarte.
Pagtaas ko sa 'king mga kamay sya agad niyang ipinalupot ang malaking tuwalya mula sa 'king baywang hanggang tuhod. Na inabot sa kaniya ng sundalong ngayon ay na sa likod niya.
Hanggang sa inalalayan niya 'ko sa paglalakad pabalik sa dormitoryo.
Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao pero nakatutuwa dahil agad silang lumilingon sa ibang direksyon. Nababawasan ang pagkailang ko kahit papaano. Walang nagtangka na magbulungan sa tabi-tabi, bagkus nagpatuloy lamang sila sa kani-kanilang gawain.
Kasalukuyan akong nakatayo rito sa likod ng dormitoryo, kung saan maraming puno at mga makakapal na sanga ang nakapalibot. Maganda ang tanawin ngunit gabi na kung kaya't tahimik ang paligid. Tanging kuliglig lang ang maririnig. Isama pa ang hangin na dumadampi sa balat ko na nagdudulot ng panlalamig. Mula kaninang hinatid ako ni Cielo sa dormitoryo ay hindi na muna niya 'ko pinagtrabaho, tural wala rin akong damit ay tinulungan akong maglaba ni Manang Soledad kanina.
Bigla na lang sumagi sa isip ko si Mommy at Liezel. Nag-flashback 'yong mga memories ko na kasama sila. I never thought this feeling to be this heavy. Hindi ako iyaking tao at mas lalong hindi ako 'yong tipong bini-bigdeal 'yong sinasabi ng iba, pero sa pagkakataong ito ay nakaramdam na naman ako ng bigat sa kalooban. Simula nang mapadpad ako rito ay madalas na 'kong makaramdam ng ganito. Siguro ay dahil wala akong laban sa kahit na sino rito. Ang tangi kong magagawa ay sumunod at piliting makiayon kahit labag sa kalooban na makisalamuha sa kanila.
"Hindi ko alam kung anong makapagpapagaan ng loob mo pero kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako."
Lumingon ako at nagulantang sa nakita.
Cielo?
Seryoso ang itsura niya. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang akong nakaramdam ng malakas na pagpintig ng puso ko.
Marahan siyang naglakad palapit sa 'kin at huminto sa tabi ko habang ang tingin ko sa kaniya ay 'di pa rin maalis-alis.
"Ang bituwin sa langit ang lagi kong kinakausap sa tuwing mabigat ang loob ko dahil sa pagpaparusang
ginagawa ko tuwing hindi ko makontrol ang galit," wika niya sa 'king tabi habang nakatingala siya sa kalangitan.
"Bakit mo sinasabi 'yan sa 'kin?" tanong ko.
Agad niyang ibinaling ang paningin niya sa 'kin at ngayon ay magkatitigan kami.
"Dahil gusto kong humingi ng kapatawaran sa 'yo, sa parusang ginawa ko. At gusto ko na maging saksi ang bituwin sa paghingi ko ng tawad." kumabog ang dibdib ko sa narinig.
Mukhang napapadalas na ang ganitong heartbeat? Bakit bigla na lang bumibilis?
"Gretha, mapagbibigyan mo ba 'ko?" tanong niya dahilan para lalo akong maalarma. Ganyunpaman ay pinili kong ipakita na kalmado ako.
"O-oo sige pero sa totoo lang, nap-pressure ako sa 'yo at sa mga nakikita ko sa paligid. Ibig kong sabihin ay nakararamdam ako ng takot. Isang galaw ko lang nasusuway ko na ang mga batas tapos sa huli, parurusahan mo ulit ako. Isama mo pa 'yong mga tao kanina, porket ba hindi ako taga rito ay dapat na nila 'kong pagtripan?" sunod-sunod kong paliwanag. Iyon naman kasi ang totoo.
"Isa lang ang paraan para hindi na maulit ang ginawa nila sa 'yo kanina."
"Ano 'yon?"
"H'wag kang aalis sa tabi ko."
Muli, sumibol na naman ang mabilis na pintig ng puso ko
Tadhana, bakit ganito ang lalaking 'to Nagugulumihanan ako sa mga ikinikilos niya at pabago-bagong pagtrato sa 'kin. Anong kahulugan nito't bakit kahit pinarusahan niya 'ko ay kakaiba pa rin ang pintig ng puso ko tuwing lalapit siya sa 'kin?