Habang nakamasid sa dalawang lalaki kanina ay hindi ko mawaisang maawa. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong awa. Bakit napakalupit ng parusa? Bakit hindi makatarungan ang ginagawa nila?
Habang naglalakad kami ni Manang Soledad ay naging palaisipan sa 'kin ang mga nakita ko kanina. Hindi ko kakayanin ang gano'ng parusa. Naiisip ko pa lang ay para na 'kong pinapatay.
Sandali akong natigilan nang huminto sa harap nami ang isang matipunong lalaki.
Pagtingala ko ay si Cielo pala ito. Mygoodness!
"Manang Soledad, dumiretso na lang po kayo sa bahay panahian, ako na po muna ang bahala kay Gretha," bungad ni Cielo.
"Masusunod, Koronel Cielo," mabilis na sagot ni Manang Soledad.
"T-teka, Manang Soledad hintay—" naputol ang sasabihin ko nang harangan ako ni Cielo.
"Bumalik ka sa dormitoryo at magpalit ng damit pang-ibaba."
Seriously? Pati ba naman suot ko napuna niya? Napatingin tuloy ako sa suot ko.
Sandali niya 'kong hinila dahilan para pagtinginan kami ng mga tao. Ayan na naman siya
"Bakit mo ba 'ko pinagpapalit?!"
"K-koronel Cielo bitawan mo nga 'ko! May virus na siguro 'yang brain mo kaya pati suot ko trip mong ipapalit!"
"Sandali lang 'yong tuhod ko lalong kumikirot," sunod-sunod kong sinabi hanggang sa binitawan na niya 'ko.
"Bakit ba pati suot ko pinakikialaman mo?" taas kilay kong tanong pero hindi siya kumikibo.
"Kinakausap kita kaya sagutin mo 'ko. Kasama ba sa batas niyo pati uri ng pananamit? Nai-stress na 'ko sa 'yo ah!
"Hindi kasama sa batas namin 'yon."
"Oh 'yon naman pala. So, bakit mo 'ko binabawalan?" lubos kong pagtataka.
Nakakaimbyerna siya, lahat na lang bawal.
"Dahil gusto ko. Ako ang koronel dito at ako ang masusunod." direktang sagot niya dahilan para lalo akong mabuang sa kahibangan ng kaniyang pag-iisip.
Akmang hihilain niya ako pero mabilis akong bumitaw.
"Ang kulit mo rin 'no? Bakit ba kasi pati suot ko ikaw ang nagdidikta?"
"Dahil mapang-akit ka." nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Excuse me? Are you out of your senses? Sinong inakit ko? Nagsuot lang ako ng maiksi, mapang-akit agad?" sa sobrang inis ay tumalikod ako at akmang maglalakad papunta sa palayan pero natigilan ako.
"Kaya ka pinagtitinginan ng maraming lalaki ay dahil diyan sa maiksi mong suot. Imbis na sa trabaho nakatuon ang atensiyon nila ay napupunta sa 'yo!" mariin niyang wika dahilan para mapaharap ako. Napaka-oa niya talaga.
Naiimbyerna na 'ko ng bongga. Hindi ko na yata kayang manirahan dito at para bang mas gugustuhin ko na lang matulog kaysa marinig ang mga walang kwenta niyang batas o utos.
Sa bandang huli ay wala rin akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa dormitoryo. Maraming tao sa labas ang abala sa kani-kanilang gawain ngunit nang dumaan kami ni Cielo ay napunta ang atensyon nila sa 'kin.
Hanggang sa makarating sa dormitoryo ay pinagtitinginan ako ng mga tao lalo ang mga lalaki. Tama siya
Pagdating sa kwarto ko ay agad niyang isinara ang pinto.
"Bakit ba kasi ganiyan ang suot mo?!" galit niyang tanong.
"Anong magagawa ko? Wala na 'kong damit pang-ibaba." sa inis ay napairap ako.
"Magpalit ka. Ngayon na!" utos niya na nakakunot ang noo.
"Wala na nga akong damit at short este pang ibaba, anong ipapalit ko? Dahon?" pamimilosopo ko.
"Bilang isang koronel, inuutusan kitang magpalit ngayon din kung ayaw mong maparasuhan ulit," aba, nananakot pa siya!
Sa inis ay napabuntonghininga na lang ako. "Koronel Cielo, wala na nga akong damit. Hindi pa 'ko naglalaba simula nang dumating ako rito. Hindi ko naman alam na magtatagal ako rito kaya puro kolorete sa mukha ang dala ko."
Magsasalita na sana siya pero inunahan ko ito.
"Oh ano? Parurusahan mo na naman ako? Dahil sinuway ko ang utos mo na palitan ang suot ko? Sige parusahan mo na 'ko! Kahit anong gawin mo ay wala akong damit na maipapalit." nang sabihin ko 'yon ay 'di agad siya nakapagsalita.
Nagulantang ako nang hilain niya bigla ang kamay ko. Lumabas kami sa kwarto at dinala niya 'ko sa may pinakaunang kwarto rito sa second floor.
Pagpasok sa loob ay binitawan niya ako at sandali niyang binuksan ang cabinet sa gilid. Doon ay kumuha siya ng damit.
Humarap siya sa 'kin. "Hindi kita parurusahan, basta isuot mo 'yan."
Inabot niya sa 'kin ang isang short na panlalaki at big size shirt color brown. Nang ilapat ko 'to sa 'king sarili ay lagpas tuhod ang haba nito.
Napailing na lang ako bago tumalikod. "My goodness! Korone Cielo, you know what? You're driving me crazy. Masisiraan ako ng bait sa 'yo."
"Andami mong sinasabi Gretha, magpalit ka na lang."
Hindi na 'ko sumagot pa at baka mamura ko na naman siya kagaya kahapon. Nahagip ng paningin ko ang isang pinto, iyon siguro ang cr. Mabilis akong nagpalit at paglabas ng cr ay wala na ito
So, mag-isa akong pupunta sa palayan? Nakakainis ka tamaga Cielo!
"Kinakailangan ang dahon ng bulé, niyog o pandan. Masinsing paglalala ang dapat na gawin. Maalam sa pagbilang o matematika dahil bawat piraso ng
dahon na gagamitin ay bilang at ang kulay sa bawat salitan ng hilera ay mayroon dapat tugma."
"Una ay ang paglala ng pandan sa paggawa ng banig. Iyon ang gagamitin sa sahig upang upuan o higaan."
"Pangalawa ay ang paglalala ng pandan at bulé
bilang sisidlan. Ito ay kadalasan ginagawa para makabuo ng bayong na may hawakan upang
magsilbing lagayan ng prutas, gulay at iba pa sa pamamalengke."
"Ang pangatlo ay ang paglala ng pandan o bulé sa kahit anong uri ng dekorasyon o hugis. Isinasagawa
rin ito sa pagbuo ng "Sombrerong Baliuag" at ang karaniwang balanggót ng mga magsasaka."
Seryoso ba ito? Kailangan ko ba talagang alalahanin lahat ng itinuro ni Manang Ibay? Ang dami kaya Gagawa raw kami ng banig, bayong at sobrerong baliuag sa pamamagitan ng "paglalala".
Kasalukuyan akong nakatayo ngayon rito sa tapat ng kubo. Katatapos lang namin kumuha at pumitas ng mga pandan pananim. Aminin ko man o hindi per nakakapagod na talaga. Isama pa ang pag-a-adventure ko kanina. Munti na kasi ako maligaw kahahanap ng daan patungo rito sa palayan. Ilang beses pa 'kong tinawanan ng mga tao dahil nandito raw ako sa Los Ultimo pero ang daan papuntang palayan ay hindi man lang alam.
Tsk! Wala silang alam sa sitwasyon ko.