Kabanata 13. Totalitarismo

1503 Words
Totalitarismo ay isang konsepto ng pamamalakad sa isang lipunan na ang tanging may hawak at kumokontrol sa lahat ng mamamayan ay ang mga nakatataas sa posisyon. Karaniwang pinamumunuan ito ng diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Pribadong uri ng pamumuhay ang mayroon dito, at sa madaling salita ay  kontrolado ng pamahalaan ang bawat pagkilos, pag-iisip maging ang buhay ng isang mamamayan. Sa ganitong uri ng ideolohiya ay hindi umuusbong ang salitang "kalayaan" at ang karapatang pantao ay 'di naisakatutuparan. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Manang Soledad patungong palayan. Siya ang maghahatid sa 'kin dahil umaga pa lang ay wala na si Cielo. Nando'n daw siya sa Campo Militar, nag-eensayo at dadalo sa pagpupulong. Hindi ko maintindihan ang utak ng lalaki na 'yon, matapos akong ipahiya at parusahan kahapon ay bigla naman siyang naging mabait kagabi. Ginamot niya ang tuhod ko habang nakatalungko ako sa lamesang na sa gild ng kama ko. Bigla na lang din akong nakatulog kagabi kaya wala na 'kong maalala. Nakasisiguro naman akong walang ginawa sa 'kin si Cielo dahil mararamdaman ko 'yon kung magtangka man siya. Nakakainis lang dahil hanggang ngayon ay mahapdi pa rin ang tuhod ko. "Napakaiksi naman ng suot mo, Gretha. Hindi ka ba mangangati niyan dahil walang takip 'yang binti mo?" puna ni Manang Soledad. Wala na kasi akong masuot na pang-ibaba kaya short na maiksi ang suot ko ngayon. Bakit kasi pati pananamit ay dapat pansinin? Sabagay, mula pa kasi kanina ay pinagtitinginan ako ng mga taong madadaanan namin lalo ang mga lalaking mabibilis ang mata. Dedma lang ako. "Ayos lang po," sagot ko. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay napahinto kami nang makarinig ng sigaw sa bandang gilid mula sa boses ng lalaki na higit pa sa isa. Nagawi ang tingin namin roon at may mga taong nagkukumpulan ngunit lahat ay tahimik at para bang may pinanonood. "Sandali lang, Gretha." lumapit siya sa mga taong nagkukumpulan. Hindi ko siya pinakinggan kaya naisip kong sumunod sa kaniya. Nang makalapit sa kaniya at sa mga taong nagkukumpulan, laking gulat ko nang makita ang dalawang lalaking nakaluhod sa lupa at patuloy na hinahampas ang kanilang sarili sa likod. Iyong parang latay na matulis at nakasusugat ng balat ang ginagamit nila. Shit! Ang mga dugo ay walang humpay sa pagtagaktak kasabay ng kanilang pagdaing mula sa sakit na dulot ng ginagawa nila. Base sa nakikita ko ngayon, ang tawag sa ginagawa nila ay "salibatbat" at sa pagkakaalam ko'y ginagawa lamang ito sa Pampanga o ng mga Kapampangan na nagpe-penitensya. Gano'n ang ginagawa ng dalawang lalaking nakaluhod ngayon sa lupa. Pero bakit "T-tama na po..." "P-patawarin niyo na po kami... h-hindi na po mauulit heneral." "H-heneral... humihingi po kami ng kapatwaran." "Pakiusap..." Pagsusumuno ng dalawang lalaki, habang sinasaktan ang kanilang sarili. "Stupido! Matapos niyo 'kong takasan, laitin at siraan patalikod ay sasabihin niyo ngayon na tama na?! Huwag kayong titigil hangga't wala akong sinasabi!" sigaw ni Heneral Albino. Halos hindi ako makakurap sa nakikita ko ngayon. Para bang tinutusok ang puso ko. "Manang Soledad, ano po bang nagawa nila? Bakit sinasaktan nila ang sarili nila?" pagtataka ko kasabay ng mga katanungang nakawiwindang sa 'king isipan. Bigla na lang akong nakaramdam ng takot at awa. "Ang dalawang lalaki na 'yan ay nahuli ni Heneral Albino na tumatakas sa pag-eensayo sa campo militar. Pagkatapos ay narinig niya sa akto ang dalawang 'yan na masama ang pinag-uusapan tungkol sa kaniya. Kesyo malupit siya, masama ang ugali at kung ano pa," bulong sa 'kin ni Manang Soledad. "Ibig po bang sabihin ay pinarurusahan sila?" tanong ko na siyang nagpalakas ng pintig ng aking puso. "Oo Gretha dahil sa pagsuway nila. Ang parusa ay saktan nila ang kanilang sarili sa ganiyang paraan na nakikita mo ngayon. Ang mga kalalakihan rito ay kinakailangan tumuntong sa pagmimilitar sa oras na sumapit ang kanilang ika-dalawampu't isang gulang. Iyon ang ika-labing limang patakaran dito sa Los Ultimo." sa gulat ay natameme ako ng ilang minuto bago muling kumibo. "Sino po ba ang nagparusa?" Si Cielo na naman ba? "Si Koronel Cielo lang naman ang may karapatan na gawin 'yan. Paniguradong ipinarating ng Heneral ang nasaksihan niyang pagtakas at paninira ng dalawang iyan at pinahintulutan siya ni Koronel Cielo na parusahan ito." halos malaglag na naman ang panga ko. Bakit ba kasi napaka-lupit nitong Cielo na 'to? "Paano kung hindi po nagbigay ng pahintulot si Koronel Cielo, may magagawa po ba si Heneral Albino?" kuryosidad kong tanong. "Wala. Kahit pa sinong mataas ang posisyon ay walang magagawa sa oras na magdesisyon si Koronel Cielo. Siya lang ang masusunod." Lalo tuloy akong kinilabutan, tsk! Ang sama niya masyado para manakit ng gano'n! "Bakit po ba gano'n? Bakit si Koronel Cielo lang po ay may karapatan na magbigay parusa sa mga tao rito? Bakit kahit ang mga na sa mataas na posisyon ay walang magawa?" mga tanong na kusang lumabas sa 'king bibig. Napahinga nang malalim si Manang Soledad. "Dahil si Koronel Cielo ay anak ng isang makisig at pinunong sundalo na kasama sa pakikipaglaban noong naganap ang krisis sa Marawi. Masalimuot ang nanganap dahil maraming buhay ang nasawi, kasama na roon ay ang papa ni Koronel Cielo." "May alam pa po ba kayo sa papa ni Koronel Cielo at iba pang detalye dito sa lugar niyo?" Napabuntonghininga na naman siya bago muling magsalita. "Halina muna't pumunta tayo sa palayan." Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Manang Soledad, hindi pa rin maalis ang tingin ko sa dalawang lalaki na patuloy ang pagdaing mula sa mga sugat sa kanilang likuran at balikat. Patuloy sa pagtangis at pagtagaktak ang kanilang dugo. Sa kasamaang palad ay walang nagnais na tumulong. "Ang Los Ultimo ay ang lugar na kakaiba sa lahat. Hindi kapani-paniwala ang lugar namin para sa mga taong gaya mo pero ngayong naririto ka ay saksi ang dalawang mata mo kung paano pahirapan ang mga taong lumalabag sa batas o sumusuway sa nakatataas. Simpleng bagay lang na hindi sundin ay may kapalit na parusa. Noon pa man ay ganito na ang lugar namin. Taong isang libo't walong daan siyamnapu't anim ay nagsimula ang ganitong uri ng pamumuhay dito sa Los Ultimo. Lolo ni Cielo ang nagpasimula ng ganiong uri ng pamumuhay, hanggang sa sumunod na maging pinuno ay ang papa ni Cielo at ngayon ay tuluyan na itong napasa-kamay ni Cielo." "Ang totoo niyan ay heneral dapat ang tagapagparusa dahil nakatataas ito kaysa Koronel pero, kakaibang tapang ang mayroon si Koronel Cielo. Tanging siya lang ang nakapagdidisiplina sa mga tao rito. Bukod sa lahi nila ang makisig na sundalo ay talagang matigas ang puso nitong si Koronel Cielo kaya walang nagawa pa ang iba kung hindi sumunod." "Kung hindi mo pa alam, ang Los Ultimo noon ay magulo. Palibhasa'y na sa dulo kami ng Mindanao, maraming abu sayyaf ang gustong angkinin ang lugar namin bilang taguan nila at imbakan ng mga pagkain pero hindi pumayag ang lahat ng nandito. Nakaraang taon lang ay nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga kinatawan ng pilipinas at abu sayyaf. Isa sa kinatawan ng Pilipinas si Cielo at ang papa niya kaya doon sa mismong labanan ay namatay ang ama niya. At dahil si Koronel Cielo ang naiwan mula sa mga lumaban sa abu sayyaf, siya ang gumawa ng sariling paraan upang mapasunod ang lahat lahat kahit pa sa malupit na paraan. At lahat ng lalaking naririto ay magiging parte ng militar, gumawa siya ng batas at pinatupad ito sa buong Los Ultimo. Lahat ng susuway ay napapatawan ng parusa," sunod-sunod na kwento ni Manang Soledad. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa mga bagay na nalaman ko. Isama pa ang dalawang lalaking nakita ko kanina. Malaki ang punto nila sa part na ginagawa lang naman iyon para sa kapayapaan ng lahat pero mali pa rin na pahirapan ang tao sa gano'ng paraan. This place is indescribable! Hindi ko akalaing makakikita ako ng gano'n. Pagkatapos malalaman ko na dahil lang sa pagtakas kaya sila naparusahan? Bakit sa dinami-dami ng parusa ay ayon pa. As far as I know, that scenario is characterized by "senakulo" or "pabasa." They're going to s***h their backs before whipping themselves while blood continues coursing out; it is a sign to ask forgiveness of sins committed, but I began to wonder now why they keep doing such things unimaginable? Why do they need to hurt? Sa pagkakaalam ko ay ginagawa lang 'yon sa ng mga taong may paniniwala sa Diyos at lubos na humihingi ng kapatawaran. I'm not a religious person, I'm not a good person, but I'm not in favor of hurting anyone in that way. If they disagree with one person's choices, why don't they make their own lives without ruining someone's feelings or destroying someone's life? Seriously how could I ever live in this kind of place? I can't stay here much longer. Mommy, I am sorry, this time, I was so upset. I never expected my life to be this unimaginable. Because in this place, I have no right to be free. Whether I want or not, they're going to dictate how I act and even how to live my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD