"Bakit ka ba kasi napakatigas ng ulo mo? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na matuto kang makiayon!" sinisigawan niya 'ko habang naglalakad kami.
Napadaan kami sa isang lugar at nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking nakaluhod sa bilao ng munggo. Seriously?!
"Grabe ka naman sa mga tao rito. Dinaig mo pa presidente kung magmalupit ka," kunot noo kong sinabi.
"Makitid ang utak mo kaya hindi mo maunawaan ang pamumuhay namin dito!" sigaw niya.
"Kung makitid utak ko. Ikaw gago!" mariin kong sinabi.
"Anong sinabi mo?!" galit niyang itinanong.
"Gago ka, bakit hindi ba?" taas kilay kong sinabi.
Bigla niya 'kong sinampal nang makalakas.
What the f**k! Ang sakit!
"Hindi ka na nga marunong sumunod sa batas, pinangungunahan mo pa 'ko? Mula nang dumating ka rito ay wala ka ng ibang ginawa kunh hindi sumuway!" napalunok na lang ako sa kaba. Kasabay ng sakit sa pisngi dahil sa palad niya.
Magsasalita na sana ako pero naudlot ito.
"Tawagin niyo si Tenyente Lagman!" utos ni Cielo sa mga taong nanonood sa 'min ngayon.
Nakakahiya sa mga taong nakakakita pero wala akong magawa.
Masama ang tinginan namin sa isa't isa hanggang sa biglang dumating 'yong Tenyente Lagman kasama amg dalawa pang militar.
"Bilang isang Koronel, inuutusan kitang
parusahan siya, Tenyente Lagman! Paluhurin siya sa asin ngayon din!" halos maguho ang mundo ko nang marinig ang sinabi niya.
Shit! No!
Hinila ako ni Tenyente Lagman kasama ng dalawa pang militar. Hindi ako nagpumiglas bagkus tinitigan ko si Cielo. Hinihintay kong bawiin niya ang utos pero hindi niya ginawa.
Hanggang sa maglagay sila ng bilao sa lapag na may napakaraming asin.
"Luhod!" sigaw ni Tenyente Lagman.
Lalong dumami ang mga tao hanggang sa makaramdam ako ng hiya at poot sa pinaggagawa nila.
"Sinabing luhod!"
"Gago lang ang luluhod diyan!" matalim ang tingin ko kay Tenyente Lagman. Anong pakialam ko kung sino siya!
"Bastos ka ah!" ipinuwersa nila 'ko hanggang sa mapaluhod ako.
SHIT! ANG KIROT SA TUHOD!
Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakaluhod sa asin at sila ay patuloy na sinisigawan at pinagagalitan ako sa harap ng mga taong naririto.
"Kayong lahat! Huwag niyong tutularan ang
panauhin natin! Walang respeto at masyadong pasaway!" malakas na sabi ni Tenyente Lagman.
"Nahihibang na kayo! Walang kwenta 'tong lugar na 'to, kagaya niyo!" usal ko.
Muli, nakatikim ako nang malakas na sampal ngunit hindi kay Koronel Cielo kung hindi kay Tenyente Lagman.
This place is unimaginable. Gusto ko silang saktan lahat pero anong laban ko? Hindi ako taga-rito at mag-isa lang ako. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko'y 'di ko sila kakayanin lalo pa ngayong may dalawang sundalo ang nakahawak sa magkabilaan kong balikat.
Nagawi ang tingin ko kay Cielo hanggang sa mapansin kong parang naawa siya sa 'kin, pero mali dahil umiwas siya ng tingin.
Buong akala ko ay tapos na pero nagulantang ako nang lumapit ang isa pang sundalo dala ang dalawang piraso ng bato. Mahihinuha na mabigat ito, sa hugis pa lang ay halata na.
"Ilapad mo ang kamay mo ngayon na!" sigaw ni Tenyente Lagman.
Sa halip na sundin ay sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Isa!"
"Dalawa!"
"Ayoko!" anas ko na mas lalong naglagay ng galit sa mukha nilang lahat. "Ano Cielo masaya kang naparusahan ako?!"
Hindi pa sila nakuntento dahil sinampal ako sa bibig ni Tenyente Lagman. Napahinga na lamang ako nang malalim sa sobrang sakit. Paghawak ko sa 'kin labi ay may bahid na ito ng dugo.
Sapilitan nilang itinaas ang magkabilaan kong kamay at doon ay inilagay ang dalawang bato. Para hindi na madagdagan pa ang kasalanan ko ay pinili ko na lamang manahimik at tumingin ng diretso. Pilit kong binabalanse ang sarili ko dahil bukod sa mabigat ang bato ay mahapdi na ang tuhod ko.
Mahigit isang oras akong nagtiis. Maya-maya ay dumating si Manang Soledad at mabilis na lumapit sa 'kin.
"Tenyente Lagman, ako na ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ni Gretha. Hindi niya alam ang ginagawa niya," tatatarata niyang pakiusap.
Hindi ko na ata kakayanin! Unti-unti nang nagsusugat ang mga tuhod ko, ramdam kong anumang oras ay maaari itong dumugo. Masyadong maraming asin at mahapdi ito sa balat.
Wala akong nagawa kung hindi ngumisi kahit pa ang luha ay nalalapit nang pumatak.
Hanggang sa makatayo na 'ko at ay si Manang Soledad ang tumulong sa 'kin. Paika-ika ang lakad ko dahil ang pagpapaluhod nila sa 'kin sa bilao na may asin ay nagbunga na pala ito ng maliliit na hiwa sa balat na may kaunting pagdurugo. Isama pa ang pasa sa pisngi ko dahil sa sampal nilang mga bwisit sila!
Taimtimakong nakaupo habang kumakain sa tabi ni Cielo. As usual, dinner time pero kakaiba ang gabing ito. Ilang oras na rin ang lumipas simula nang matapos ang pagkakagulo kanina. Buti na lang ay nakumbinsi ni Manang Soledad si Tenyente Lagman at Koronel Cielo na patayuin ako.
Sanay ako na makipagtalo sa kahit na sino mapa-babae o lalaki. Sanay akong mapagalitan in private, at kahit pa makipagdebate sa kung sinomang nilalang ay kaya ko na hindi lumuluha dahil hindi ako talunan. But this time, all I could ever feel was constant anger. I just hate to admit, pero sobrang napahiya ako kanina sa ginawa ni Cielo. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa niya. Akala ko pa naman ay suplado with a heart lang siya. I was wrong. Ang isang tulad ko na bisita lang dito ay nagawa niyang parusahan. Hindi ko akalaing itatrato niya 'ko ng gano'n. Hanggang ngayon ay mahapdi pa rin ang tuhod ko at sa tuwing ilalakad ko ang paa ko ay kumikirot ito.
"Gretha, masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Manang Soledad na nagpagising sa diwa ko. Napansin siguro niya ang pagkatahimik ko.
Umiling lang ako at hindi tumitingin sa kahit na sino sa kanila. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
Katahimikan ang namamayani sa 'min. Hanggang sa matapos kumain ay hindi ako kumikibo.
"Gretha, hindi ka ba gutom? Bakit kakaunti lang ang kinain mo? Maghapon kang nagtrabaho kaya kumain ka ng marami basta ubusin mo ay hindi ka pagagalitan ni Koronel Cielo." umiling lang ako sa kaniya at saka ako uminom ng tubig.
Hanggang sa matapos silang kumain ay nagsitayuan na ang mga ito.
"Ako po ang maghuhugas ng plato ngayon, magpahinga na po kayong lahat," boluntaryo ng babaeng nakaupo sa dulo.
"Megan, ikaw ang naglinis kaninang umaga 'di ba? Ako na muna ang maglilinis ngayong gabi," saad naman ni Manang Soledad.
"Ako na lang po ang maglilinis. Magpahinga na po kayo, Manang Soledad." gulat silang napatingin sa akin.
Hindi ko man nililingon si Cielo ay nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa 'kin.
"Sigurado ka ba, Gretha?"
"Opo."
Hindi ko na sila pinansin pa. Walang gana akong tumayo't nagsimulang alisin ang mga pinagkainan at inilagay ito sa lababo. As usual, hindi ako sanay na maghuhas ng plato at isalin sa supot ang mga tirang pagkain pero dahil badtrip ako at ayokong marinig ang sermon ni Cielo ay napipilitan akong gawin ang bagay na hindi ko gusto.
Patuloy ako sa paghuhugas ng plato. Poot at bigat ng kalooban ang namamayani sa 'king damdamin pero sa pagkakataong ito ay para bang nanghihina ako. Paluhurin ka ba naman sa asin habang may dawang mabigat na bato sa magkabilaan mong kamay, sino bang hindi manghihina?
Dati, kapag nagagalit ako o nakararamdam ng ganito ay halos magwala ako at hindi titigil sa pagsasabi ng saloobin ko. Bakit ngayon ay nag-iba? Bakit walang lumalabas sa bibig ko ni isa mang salita?
Nang natapos ako sa paglilinis ay lumabas ako ng silid kainan at mabilis na pumunta sa kwarto ko. Pagbukas ng pinto ay laking gulat ko nang makita si Cielo na nakaupo sa tabi ng kama ko. Medyo mababa ang upuan kaya parang ang yabang ng pagkakaupo niya. Suot pa rin niya ang pang-militar na outfit. Hindi ba siya nagpapalit? Nevermind!
Ang kapal pa rin ng mukha niya. Parang kanina lang ay pinahirapan ako tapos ngayon pupunta siya rito? Ano naman kayang pakay niya?
Imbis na pansinin ay nilagpasan ko siya. Wow! 'Di man lang niya 'ko pinansin. Okay!
Dumiretso ako sa cr at doon ay naghilamos ako para naman makatulog na 'ko. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako. Paglabas ay nagulantsng ako dahil nando'n pa rin siya. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Ang gwapo sa niya. Pero hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa 'kin.
Mabilis akong humiga at tumagilid sa kabilang parte para hindi ko maaninagan ang pagmumukha niya. Hanggang sa naisip kong magtalukbong ng kumot.
"Talaga bang matutulog ka, kahit pa nandito ako sa kwarto mo?" tanong niya.
"Hindi ka man lang ba babangon diyan? May gagawin ako kaya humarap ka sa 'kin," dagdag pa niya na para bang walang ginawang pagpapahirap sa 'kin kanina.
"Gawin mo lahat ng gusto mo," matipid kong sagot.
"Sa 'yo na nanggaling 'yan."
"Okay."
Maya-maya lang ay bigla siyang umupo sa tabi ko.
Dali-dali akong napabangon at tinaasan siya ng kilay. "Anong ginagawa mo rito?"
"Hindi ba't sinabi mong gawin ko lahat ng gusto ko?" mahinahon niyang sabi. Ngayon ko lang siya narinig magsalita na hindi pasigaw.
"Oo kasi akala ko sesermonan mo na naman ako." hindi ko siya tinitingnan dahil naaalala ko lang 'yong kanina. Gusto ko siyang sapakin sa inis pero hindi ko magawa.
"Pumunta ako rito para gamutin ka. Kaya kung pwede 'wag ka na mag-inarte."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo kaya pwede bang lumabas ka na lang? Pagkatapos mo 'kong ipahiya at parusahan, lalapit ka sa 'kin na parang walang nangyari?" hindi ko napigilan pa at agad akong tumayo at pagbaba ng kama ay bigla na lang akong na-out of balance dahil sa kumikirot kong tuhod.
Shit!
Natumba ako at si Cielo pa ang nakasalo. Nang mapahawak ako sa balikat niya ay awtomatikong nagtama ang mga mata namin.
Muli, sumibol na naman ang mabilis na pintig ng puso ko. Bakit ba kasi ganito ang nangyayari kapag magkalapit ang mukhs namin?
"Kahit ngayong gabi lang, 'wag mo 'ko ituring na isang Koronel. Hayaan mo lang ako na gamutin 'yang sugat mo. Pwede ba, Gretha?" hiling niya na siyang nagpagulo sa 'king isipan. Ang mga tingin niya ay kakaiba, iyong tingin na para bang walang galit at maamo lang ang itsura.
Koronel Cielo, why so weird?