"Gretha, halina't pumasok sa loob," pag-aaya ni Ina na siyang nagpagising ng diwa ko.
"S-sandali lang, sino ang dalawang 'yon at bakit sila nakaluhod sa putik?" pagtataka ko.
"Ang babaeng 'yon ay si Margie at ang lalaki naman ay si Rico. Pinarusahan sila dahil inuna nila ang magkita at pamamasyal kaysa obligasyon rito sa Los Ultimo." nang sabihin 'yon Ina ay napalunok ako.
Hindi ko akalaing sa gano'n kababang rason ay parurusahan sila ng gano'n kalupit? Hindi na makatao ang bagay na 'yon! Sino na naman kaya ang nagparusa? Paniguradong si Cielo.
"Sinong nagparusa sa kanila?" tanong ko.
"Tanging si Koronel Cielo lang ang may karapatan na magbigay parusa. Kaya masanay ka na sa mga naririnig mong sigaw o iyak. Normal ang ganitong pamumuhay sa lugar namin kaya mabuting makiayon ka na lang kaysa sumuway," ani niya pa na siyang nagpakaba sa 'kin. Seryoso ba talaga itong nakikita at nalalaman ko?
"Pero sino 'yong lalaki na 'yon?" dagdag ko pa at saka itinuro 'yong lalaking nakasuot na pang-militar sa harap ng dalawang nilalang na nagmamakaawa.
"Iyon ay si Heneral Albino, paniguradong iniutos sa kaniya ni Koronel Cielo na parusahan 'yong dalawa. Halina sa loob at baka may makarinig sa 'tin." hinila niya 'ko papasok sa bahay panahian at muli kaming bumalik sa pagtatahi.
"Makinig ka Gretha. Si Margie ay isa rito sa amin na kilala sa pagbuburda pero madalas siyang mahuli na tumatakas para makipagkita sa kasintahan niyang si Rico. Si Rico naman ay katutuntong lang sa buhay militar pero palaging lumiliban para kitain si Margie. Kaya ayan ang parusa sa kanilang dalawa. Ang lumuhod sa putik sa loob ng tatlong oras."
Ang lala naman ng parusa. Hindi ko kakayanin, sa damo pa lang ay iritado na 'ko, paano pa kaya sa napakaruming putikan?
"U-uhmm... can I as—"
Oh s**t! Nakagat ko na naman ang ibaba ng labi ko.
"Ang ibig kong sabihin... ganito ba talaga rito sa Los Ultimo? Hindi kasi ako sanay sa paraan ng pamumuhay ninyo. Sa lugar namin, malayang sumigaw ang kahit na sino. Kahit magkamali ang sinoman sa 'min ay walang parusa," seryoso kong sinabi
"Nakikita mo ba 'to?" ipinakita niya sa 'kin ang likod ng tuhod niya na may malaking tahi.
Mygoodness! Where did she get that?
"Iyan ang pinakamasakit na parusang natanggap ko. Nang maisipan kong dalawin si Ina sa Baryo Bistar ay isinumbong ako dahil wala ako rito para manahi." napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing ganito ang dadatnan ko.
"Kaya ikaw, sumunod ka lagi kay Koronel Cielo dahil kung hindi ay mababahiran talaga ng parusa 'yang maganda mong kutis," habilin niya.
Nagpatuloy kami sa pananahi. Buti na lang ay natutunan ko na ang tatlong klaseng ng pagbuburda. Nakailang tela na rin kami kaya nakaramdam na 'ko ng pagod.
"Ina, pwede na ba 'kong umuwi? Sa ibang araw ay babalik ako rito. Masama kasi ang pakiramdam ko dahil nagtabas ako ng damo kanina at mahaba-haba ang nilakad ko." sinubukan kong mag-paawa effect para maawa siya.
Subukan mong tumanggi, Ina, ikaw ang tatahiin ko!
"Payagan mo na siya, Ina. Hayaan mong magpahinga muna ang magandang dalaga na kasama mo." lumingon ako para tingnan kung sino 'yong nagsalita.
Isang lalaking medyo may katangkaran at moreno ang lumapit sa 'min. Tingin ko ay na sa veinte cuatro na ang edad. "Ako nga pala si Eros, kapatid ko si Ina."
Ngiti lang ang tangi kong nagawa.
"Sige na Gretha, sa ibang araw ka na lamang bumalik dito. Basta 'wag mo sabihin sa iba na pinahintulutan kita na umuwi dahil maraming magagalit," wika ni Ina saka niya 'ko inihatid sa labas.
Bigla kong naalala na hindi ko alam ang daan pabalik sa dormitoryo kaya paano na ito? Hanggang sa naisip kong maglakad-lakad muna. Isang bakod ang nakapukaw ng aking atensyon. Pinili kong pumasok sa may gilid at laking gulat nang bumungad sa 'kin ang mga lalaking nakapang-militar o sa madaling salita ay sundalong nag-eensayo.
Sabag-sabay na nagmamartsa ang mga ito. s**t!
Tutal wala naman barilan na nagaganap o putukan ng baril ay naisip kong panoorin sila habang nakatayo ako sa isang tabi.
"Harap sa kanan, ha-RAP!"
"Harap sa kaliwa, ha-RAP!
'Yon lang ang naintindihan ko mula sa leader nila na nagsasalita.
Mahigit kalahating minuto ang lumipas.
"Gretha?"
"OH MY GOODNESS!"
Shit!
Na sa likod ko na pala si Cielo.
"Anong ginagawa mo rito?!" kunot noo niyang tanong.
"Hindi ba obvious?" napakunot noo siya.
"I mean... este ang ibig kong sabihin hindi ba halata? Pinapanood ko 'yong ginagawa niyo."
"Hindi pwede! Bumalik ka na roon!" mariin niyang utos.
"Ayoko. Dito lang ako." nag-crossed arms ako at piniling panoorin ang ibang sundalo na nagmamartsa.
"Sinabing hindi pwede! Gusto mo bang tamaan ng ligaw na bala?" inis niyang tanong.
"Hindi ako takot. Ikaw siguro 'yon," walang gana kong sagot.
Kitang-kita ko ang pagkainis sa mukha niya. Alam kong nagtitiis lang siya pero gusto na niya 'kong sapakin.
"Bilang isang koronel ay inuutusan kitang bumalik roon at gawin ang trabaho mo!" muli niyang utos kasabay ng pagkayamot sa kaniyang mukha.
"Nagpaalam na 'ko na uuwi ako dahil pagod na 'ko ngayong araw, kaya pinayagan ako. So please, stop acting as if you know my pain dahil kanina pa 'ko pagod," tugon ko kasabay ng pag-irap.
"Umayos ka, Gretha. Hindi na 'ko natutuwa sa asal mo! Isa pa, kanino ka naman nagpaalam?"
"Sa 'kin." Isang boses mula sa lalaki. Sabay kaming napalingon ni Cielo at bumungad sa 'min si Eros. "Pinahintulutan ko siya na umuwi muna dahil pagod na raw siya at kailangan magpahinga."
Lumapit ng bahagya si Cielo kay Eros at tinitigan ito ng napakaseryoso. "Anong karapatan mo para gawin 'yon?"
"Kapatid ko ang may ari ng panahian kaya't may karapatan akong utusan ang sinomang babae na gustuhin ko," buwelta ni Eros.
"Ako pa rin ang Koronel. Kung anong sasabihin ko, susundin mo. Kahit pa ang 'yong kapatid ay walang karapatang sumuway!" mariin sinabi ni Cielo. Mga bwisit 'to, lahat na lang pinagtatalunan.
Akmang magsasalita na 'ko pero inunahan ako ni Cielo.
"Gretha, bumalik ka roon at tapusin ang trabaho mo." napaismid ako sa inis. Bwisit na Cielo na 'to, gusto niya talaga akong mapagod.
"Huwag ka mag-alala, Gretha. Malaya kang tapusin ang trabaho mo hanggang gabi. Kahit pa sa bahay panahian ka muna manuluyan ngayong gabi ay papayagan kita," usal ni Eros na ikinagulat ko.
Shit! Ang init ng tinginan nilang dalawa.
"Kung gano'n lang din ang mangyayari, mabuti pang umuwi ka na lang Gretha," hindi pagsang-ayon ni Cielo dahilan para lalo akong maibyerna.
Napakagulo ng utak nitong lalaki na 'to kahit kailan.
"Akala ko ba gusto mong ipatapos ang trabaho niya? Bakit biglang nagbago ang isip mo, Koronel Cielo?" nakangising tanong ni Eros habang si Cielo ay seryoso lang ang itsura.
"Tigilan mo 'ko sa kalokohan mo Eros. Wala 'kong panahon makipag-talo sa 'yo. 'Wag mong painitin ang ulo ko."
Akmang magsasalita si Eros pero biglang may dumating na lalaki sa harap namin, nakasuot ito ng pang-militar. "Koronel Cielo, pinatatawag na po kayo ni Heneral Albino. Kayo na lang po ang hinihintay."
"Bumalik ka roon at sabihin sa lahat na ituloy ang pag-eensayo kahit wala ako. Bilang isang Koronel ay inuutusan kitang ipaalam kay Heneral Albino na may importanteng bagay akong dapat asikasuhin. Alis!" mariing sinabi ni Cielo. Muli na namang umiral ang nakakikilabot niyang tingin.
"Masusunod, Koronel Cielo." nagbigay pugay iyong lalaki bago tuluyang umalis.
Nanatiling tikom ang bibig ko at pinagmamasdan ko lamang sina Cielo at Eros. Anumang oras ay magkakaroon ng digmaan sa mga mainit nilang tinginan.
"Gretha, sumunod ka sa 'kin!" utos ni Cielo na siyang nagpaalarma sa 'kin.
Matalim ang titig ni Cielo kay Eros bago siya tuluyang lumakad, at ako naman ay sumunod at ngumiti na lang kay Eros.
Hanggang sa bigla na lang hinila ni Eros ang kamay ko dahilan para mapahinto ako.
"Sa susunod na lang kita kikilalanin, Gretha. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna." matamis na ngiti ang pinakawalan niya.
"GRETHA!" muli akong naalarma.
Nakakaimbyerna siya! Bakit nga ba 'ko natataranta sa pananalita at kilos ng sundalong ito?
Wala akong nagawa kung hindi bumitaw kay Eros at sumunod kay Cielo.