Kabanata 10. Parusa

1333 Words
Gretha Nang matauhan ako ay inirapan ko siya. "Alam mo kasi ikaw kung saan-saan mo 'ko dinadala." "Bakit ba kasi dinala mo ko rito? Hindi naman ako maalam sa pagbuburda," sunod-sunod kong sinabi. "Hindi basta kung saan-saan ang pinupuntahan natin, dahil marami kang matututunan. Hindi ba itinuro 'yon sa inyo? Bakit parang mas pinagtutunan ng pansin sa lugar ninyo ang paghahasa ng kaisipan kaysa kamalayan sa mga tamang asal at gawi. Tama ba 'ko?" sambit niya. I am speechless. Tama ang sinabi niya, dahil basehan palagi ang talino para pahalagahan ang isang tao. Ngunit hindi ako kabilang dahil aminado akong hindi ako modelo para sa iba. At mas lalong hindi ako matalino. Bigla ko na lang tuloy naisip ang buhay Maynila. Ang buhay vlogger at famous sa youtube. Kailan nga ba 'ko makauuwi sa 'min? Nakakabaliw ang mamuhay rito. "Kung sinabi mo kasi agad na bawal gumamit ng phone edi sana nag-pa-party party na 'ko ngayon, at naggala sa ibang place habang nag-v-vlog, tsk!" nakasimangot kong sinabi. Umirap ako sandali at lumingon sa ibang direksyon. Nang tingnan ko siya ay wala na ito sa harap ko. Naglalakad na siya palayo sa 'kin. Bwisit na buhay 'to! Wala akong ibang nagawa kung hindi bumalik roon, sakto naman akong sinalubong no'ng babae kanina. "Halina sa loob nang maumpisahan na natin." napakamot na lang ako sa ulo ko habang sumusunod sa kaniya. Pagpasok sa loob ay may mga iilang kababaihan ang nagtatahi. Kani-kaniyang gawain at hindi man lang nag-uusap ang mga ito. Hanggang sa inayos na nitong babaeng kasama ko ang lamesa at inilapag lahat ng kagamitan. "Dito sa Los Ultimo, tatlong uri lang ng pagbuburda ang ginagamit. Ang una ay ang tuwid na burda kung saan palaging diretsong linya ang susundan mo, pataas man o pababa ay laging tuwid. Kadalasan ito ang ginagamit sa pagtatahi ng mga bagong damit maging ang mga nasira," paliwanag niya at saka ipinakita sa 'kin ang pagtatahi na kaniyang tinutukoy. Ang boring! Partida, una pa lang ng pagpapaliwanag niya ay naiirita na 'ko. Bakit ba kasi kailangan aralin pati ang pananahi? Hindi ko naman pinangarap iyon. "Ang pangalawa ay ang burda pa-alpabetong X kung saan ginagamit ito sa pagdidisenyo ng damit at paggawa ng sariling hugis. Anumang istilo o disenyo ang gawin mo ay dapat nakaburda ito sa pamamagitan ng alpabetong x." itinuro niya sa 'kin ang pangalawang uri ng pananahi. Cross-stitch? I guess I am right. Mas mahirap 'to kaysa do'n sa kanina. "Ang pangatlo o panghuli ay ang burdang papasok at palabas. Ang karayom ay dapat na pinadadaan sa labas at loob ng tela. Salitan ang proseso nito at maiging maingat para hindi kumurba at manatiling diretso ang pagkaburda." ipinakita niya sa 'kin kung paano ito tahiin, medyo mahirap infairness. But wait, is this what they called backstitch? Maybe yes. Nang matapos siyang manahi ay bigla niyang inabot sa 'kin ang karayom at sinulid. Oh s**t! I can't do this. "Ngayon, gusto kong gawin mo ang tuwid na burda," utos niya na siyang nagpakaba sa 'kin. Limang segundo ang lumipas nang titigan ko siya bago ako muling magsalita. "H-hindi ko kaya," nauutal kong sinabi. My goodness! Dapat ba 'ko mahiya? "Kaya mo 'yan, gagabayan kita. Sige na, subukan mo," nakangiti niyang sinabi. Marahan kong kinuha ang karayom at sinulid sa kaniyang kamay. Hanggang sa naisip kong gawin ang unang pagbuburda na ginawa niya. Makalipas ang ilang minuto ay napagtagumpayan ko ito. Maliit na bagay pero para hindi kapani-paniwala sa isang tulad ko. "Sabi ko naman sa 'yo kaya mo, 'di ba?" sa itsura niya ay para bang mas masaya pa siya? Infairness natuwa akong nagawa ko 'yon ng isang tinginan lang kanina kahit nakakaburyo. "Ngayon naman ay sunod mong gawin ang burdang pa-alpabetikong X." sa kabilang parte ng tela ay sinimulan kong gawin ang burda na pinagagawa niya. "Ouch!" napasigaw ako sa sakit. Natusok ako sa karayom, sino ba naman kasing 'di masasaktan doon? "Anong o-ouch?" kunot noo niyang tanong. Nakagat ko ang ibaba ng aking labi nang maalala na bawal nga pala ang ingles dito at baka isumbong niya 'ko. "A-ang ibig kong sabihin... aray ang sakit." "Gano'n ba? 'Wag ka mag-alala, ang sabi nila ay unti-unti mo raw matututunan ang isang bagay kapag nasaktan ka na." Napatingin na lang tuloy ako sa kaniya at maya-maya ay bigla naman siyang tumawa. "Hahaha siguro iba ang pagkakahulugan mo sa sinabi ko. Bago natin ipagpatuloy, pwede ko bang malaman kung naranasan mo na bang umibig?" napalunok ako sa tanong niya. Napaka-chismosa naman nito. Pati ba naman 'yon kailangan itanong? Akala ko pa naman walang marites dito este chismosa sa Mindanao. Masalimuot ang nakaraan ko kaya hindi na dapat pang ipaalam sa iba. Magsasalita na sana ako pero hindi natuloy. "Oras ito ng pananahi hindi pagtatanungan ng kung anu-ano," wika mula sa pamilyar na boses. Pagtingin ko ay si Cielo. Nakakapagtaka 'tong lalaki na 'to. Parang kabute na lulubog at lilitaw. Kanina lang ay agad siyang umalis at iniwan ako. Bakit ba kasi bigla na lang siyang sumusulpot? Sabagay, buti na lang dumating siya kaya hindi na makapagtatanong pang muli itong babae na 'to. "P-pasensya na po Koronel Cielo. Hindi na po mauulit," nakayukong paumanhin nitong babae at halatang sincere sa paghingi ng tawad. "Ipagpatuloy niyo na 'yan dahil mamayang ala siete ng gabi ay susunduin ko siya para umuwi." bakit sobrang tagal naman? Nang mapatingin sa 'kin si Cielo ay hindi ko siya nginitian bagkus tinarayan ko siya sa paraang hindi nakita nitong babae. Hanggang sa umalis na siya at lumabas. "Anong pangalan mo?" tanong nitong babae dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Ako si Gretha." "Kay gandang pangalan. Ako nga pala si Ina," aniya niya. "Heto ang telang tatahiin natin. Sa loob ng isang linggo ay dapat matapos natin 'to. At dahil bahagi ka na sa pagbuburda, sa loob ng isang linggo, dapat na pumunta ka rito para manahi." so it means may pahinga ako ng ilang araw? "Ahh kahit isang araw lang basta makapagtahi ako?" tanong ko. "Oo. Dahil paniguradong ang ilang araw na magdaraan ay ilalaan mo sa pagtatanim at paggawa ng banig o paglalala." kumunot ang noo ko sa narinig. "Seriously?" Napatakip ako sa bibig ko. "Ser-yo-so ba? 'Yon ang ibig kong sabihin," palusot ko. "Oo naman. Gano'n dito sa 'min dahil lahat ay may kani-kaniyang gampanin. Kaya halina't simulan mo na ito." inabot niya sa 'kin ang mga tela. "Lahat ng damit na tatahiin mo pang-ibaba man o pang-itaas, sa loob mo dapat tahiin. Dahil kapag sa labas mo tinahi, makikita 'yon kapag sinuot," turo niya. Ano ba 'yan, inaantok na 'ko wala pa man sa kalahati. Nagpatuloy siya sa pananahi. Gumamit siya ng ruler at lapis sa pagsukat. "Gayahin mo lahat ng gagawin ko, para kapag nasanay ka na ay pwede na kitang iwan mag-isa. Magagawa mo rin 'to lahat kapag bihasa ka na." nakatingin lamang ako sa kaniya habang patuloy sya sa pagbuburda. Bawat galaw niya ay sinusundan ko. Hanggang sa pananahi, kahit pa tinatamad ay napilitan akong ipagpatuloy. Makalipas ang halos isang oras ay natigilan kami nang marinig ang sigaw ng babae mula sa labas at umiiyak ito. Mabilis na tumayo si Ina at binitawan sa lamesa ang karayom at tela. "Dito ka lang Gretha." mabilis na naglakad ito palabas nitong bahay panahian. Pero dahil curious ako sa narinig kong sigaw ay agad kong sinundan si Ina. Paglabas ng bahay ay agad kong nakita si Ina. Paglapit sa kaniya ay bumungad sa sa 'kin doon sa bandang gilid ang isang babae at lalaki na nakaluhod ngayon sa putik. Umiiyak sila at patuloy sa pagmamakaawa sa harap ng isang lalaking nakasuot na pang-militar. Sino naman iyon? Alam kong hindi iyon si Cielo pero natitiyak kong siya ang nagbigay ng parusa. Parang kanina lang ay wala naman putik sa parteng iyon. "H-hindi na po mauulit..." "P-patawarin niyo na po kami..." Katagang paulit-ulit na sinasambit no'ng babae at lalaki habang nakaluhod sa putikan. Hindi ko maiwasang mapahawak sa bibig ko. Nakakatakot pala talaga ang mga tao rito. Lalo akong nasabik na bumalik ng Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD