Nagising ako sa paulit-ulit na pagbanggit ng pangalan ko mula sa boses ng babae.
"Gretha!"
"Gretha gumising ka na!"
"Gretha, si Koronel Cielo hinihintay ka!"
Shit!
Awtomatikong nagmulat ang mata ko sa huling linya na aking narinig.
Kinusot ko ang mata ko, pagtingin ko sa orasan ay ala cinco pasado pa lang ng umaga. Na sa harap ko na pala si Manang Soledad.
Sandali lang, bakit ako ako nakakumot? Hindi naman ako nagkumot kagabi ah? Siguro ay si Manang Soledad ang naglagay.
"Ano po ba 'yon? Bakit niyo 'ko ginising ang aga-aga pa," reklamo ko habang kinukusot ang mata.
"Inaantay ka ni Koronel Cielo sa silid kainan. Humayo ka na't mag-ayos," ani niya.
"Bakit po? Mamaya pa po ang oras ng pagkain 'di ba?" pagtataka ko.
"Tama ka, pero utos ni Koronel Cielo na gisingin ka at puntahan mo siya roon."
Bakit naman kaya ako pinatatawag ni Cielo? Ang aga-aga pa, nasira tuloy ang tulog ko.
"Sige po, susunod na lang ako."
Antok na antok akong bumangon mula sa higaan. Bigla kong naalala, kalalaba ko lang pala kahapon kaya paniguradong katutuyo lang ng mga damit.
Lalabas na sana 'ko para i-check sa baba ang mga damit kong nakasampay sa labas. Ngunit agad na nahagip ng paningin ko ang mga damit na nakatupi at nakapatong ang lahat doon sa upuan.
Lumapit ako rito at laking gulat nang bumungad sa 'kin ang isang papel na may sulat.
Gretha, mag-ayos ka na at pagkatapos ay dumiretso ka rito sa silid kainan. Heto na ang mga damit mo nang makapili ka ng 'yongsusuotin.
-Koronel Cielo
What the f**k!
Awtomatikong nawala ang antok ko nang mabasa 'yon. Seriously? Siya ang nagtupi ng mga damit ko? So it means, pati underwear ko ay nahawakan niya.
Damn, Koronel Cielo!
Bakit ba kasi tinupi niya ang mga damit ko? Nakakahiya tuloy!
Sa sobrang inis at 'di mapakaling damdamin ay napilitan akong maligo. Paglabas ay nag-ayos agad ako hanggang sa matapos. Lumabas ako ng kwarto at nagmadaling dumiretso sa silid-kainan.
Pagpasok pa lang sa loob ay bumungad na si Cielo. Hindi pa man ako nakalalapit sa kaniya ay nakaramdan na naman ako kakaibang pintig sa puso. Siguro'y 'wag ko na lang muna ipaalala sa kaniya ang tungkol sa pagtupi niya sa mga damit ko para iwas pahiya.
Malalim ang paghinga ko bago umupo sa may gilid niya. Pagkaupo ay hindi ko siya tiningnan.
"Hindi mo man lang ba 'ko babatiin?" sambit niya na siyang bumasag sa katahimikan.
"Goodmorning! A-ang ibig ko sabihin ay magandang umaga, Koronel Cielo," sarkastik ang pagkakabati ko habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Lahat ng taong nasasalubong ako ay agad akong binabati kahit pa madaanan ko lang sila. Samantalang ikaw ay na sa tabi ko na, kailangan pa kitang sabihan." napatingin sa kaniya. Ang arte naman niya.
Required ba na batiin kita, Cielo?
"S-sorry, este paumanhin. Bakit mo nga pala 'ko pinatawag ng ganito kaaga?" iniba ko ang topic. Kunwari ay hindi ko alam.
"Hindi ka ba pinuntahan ni Manang Soledad? Ang papel sa ibabaw ng damit mo, hindi mo ba nabasa 'yon?" Napalunok ako nang banggiti niya ang papel. Mygoodness!
"Ahh hindi. Hindi ko nabasa pero sinabihan ako ni Manang Soledad na mag-ayos at puntahan ka rito," tugon ko. Totoo naman iyon.
"Gano'n ba. Oo nga pala, ang mga damit mo ay natupi ko na kanina habang tulog ka."
Holy s**t! Pinaalala pa niya samantalang umiiwas ako.
"Hilig mo pala ang kulay itim. Halos lahat kasi nang tinupi kong damit mo ay gano'n ang kulay." uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nababasa niya ang utak ko't bakit kailangan pa sumalungat sa isip ko ang lalaking 'to.
Ang totoo ay hilig ko talaga 'yon at kahit pa ang underwear ko halos lahat ay kulay itim. Pero utang na loob, hindi na kailangan pang pag-usapan 'yon!
"A-ahh oo. Koronel Cielo, sa susunod ay 'wag mo na lang tutupiin ang damit ko. Kaya ko na mag-isa." tumingin ako sa kaniya sandali at pilit na ngumiti.
"Sige na, kumain na tayo," pag-aaya niya kaya naman nagsimula na kaming kumain.
Nagawi ang tingin ko sa plato. Isang pagkain na parang suman ang na sa harap ko. Sa kabilang plato ay mayroong hiwa-hiwang mangga at nakahiwalay naman sa platito ang bagoong na sawsawan.
Nang buksan ko 'yong parang suman na pagkain ay laking gulat nang bumungad sa 'min ang green rice. Nagawi ang tingin ko kay Cielo, kumakain na pala siya.
Hanggang sa maisipan kong tikman ito.
Oh wow!
Rices steamed mula sa coconut milk and toasted coconut. Iyon ang lasa nitong kanin, ibinalot lang pala itong kanin sa dahon ng saging kagaya ng ginagawa sa mga totoong suman.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Aminado akong masarap ito, isama pa ang mangga at sawsawan.
"Anong tawag dito?" tanong ko habang ngumunguya.
"Junay ang tawag sa kanin na 'yan," sagot niya.
Now I know. Wala nga talagang ganito sa Manila.
Patuloy ako sa pagkain gano'n din siya.
"Sa susunod na matutulog ka ng maiksi ang suot pang-ibaba, gumamit ka ng kumot." halos 'di ako kumurap sa sinabi niya.
Don't tell me, siya ang naglagay ng kumot sa 'kin? Oh no!
"Bakit mo sinasabi 'yan?" pinilit kong kumalmanhabang kumakain kahit pa deep inside ay mabilis ang heartbeat ko.
"Ako ang nagtupi ng mga damit mo kanina at ako rin ang nagkumot sa 'yo," sambit niya na para bang wala lang sa kaniya.
Kinasusuklaman ko ang tadhana dahil sa kahihiyang natamo ko ngayon.
"Buti naman kinumutan mo 'ko?" pagpapanggap ko na akala mo'y 'di nahihiya.
"Para hindi ka pasukan," seryoso niyang sabi.
Napatingin ako sa kaniya ng nakakunot-noo. "Pasukan ng alin?"
Napahinto siya sa pagkain at seryosong tumingin sa 'kin. "Ng hangin. Bakit ganiyan ang itsura mo?"
Kinabahan ako do'n ah! Akala ko kung ano na.
"A-ahh wala lang." nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos.
In fairness, ang sarap ng pagkain ngayon. Sabagay, masarap din naman 'yong tiyula itum na pinakain niya sa 'kin noong isang araw.
Akmang huhugasan ko na ang mga pinagkainan pero mabilis akong pinigilan ni Cielo
"May inutusan akong gagawa niyan dahil aalis tayo. Bumalik ka sa kwarto mo, hintayin mo 'ko ro'n," huling salitang sinabi niya.
Nauna siyang lumabas sa 'kin sa silid-kainan hanggang sa ginawa ko ang utos niya. Bumalik ako sa 'king kwarto. Maigi akong naghilamos at nagsipilyo dahil malansa ang isda at masyadong makapit ang amoy ng bagoong.
Hanggang sa matapos akong mag-ayos.
Sa kalagitnaan ng paghihintay ko kay Cielo ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Manang Soledad.
"Gretha mayroon lamang akong isang habilin," pahabol niya.
"Ano po 'yon?" kuryosidad kong tanong.
Lumapit siya sa 'kin at inilapit nito ang kaniyang bibig sa 'king tainga. "Pakibantayan mo na lamang si Koronel Cielo. Paniguradong sa pupuntahan niyo ay may inuman. H'wag mong hayaan na makarami sa pag-inom ng lambanog si Koronel, hindi niya hilig ang pag-inom kaya madali siyang mahilo at malasing."
Oh! Weakness pala niya ang alak. Now I know, malakas ako rito.
Nginitian ko siya. "Ako pong bahala sa kanya."
Ngayong alam ko na mahina ka sa alak, Cielo, sana ay alam mong pagdating sa inuman ay mahirap akong talunin.