Nagsimula na ang pagbibiyahe namin ni Cielo. Nakasakay kami sa parang truck na maliit, habang na sa biyahe ay napakarami kong tanong sa 'king isip. Sa tuwing tatanungin ko naman si Cielo ay kaunti lang ang sagot niya. Hanggang sa marindi siya sa 'kin ay pinatahimik niya 'ko. Sinasabi ko na nga ba't may kaunting saltik ang sundalo na 'to. Bipolar pa sa 'kin, kainis!
A few minutes ago. Finally!
We're here!
Pagkababa sa kotse ay bumungad sa 'min ni Cielo ang isang malaking arko at may karatula sa itaas na ang nakasulat ay "Piesta Baryo Bistar."
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggag sa tumigil kami sa harap ng malaking bakod. May daanan ito sa gilid. Pagpasok pa lang rito ay bumungad na sa 'min ang napakalawak na lupain. Ang lupang daraanan ay puro damong maliliit, may mga banderang iba't ibang kulay ang nakasabit sa itaas, at mayro'ng mga palamuti at disensyo ang bawat gilid. Samu't saring pwesto ang mayroon dito, may mga nagtitinda ng pagkain, kagamitan at mayroon ding sayawan. Gaya ng sabi ni Cielo kanina sa aming biyahe, ang kasuotan ng halos lahat dito ay ang sinaunang damit ng mga taga-Los Ultimo. May kung anong scarf ang nakapalibot sa ulo nila mapa-babae o lalaki. Parehong longsleeve na pinaghalong kulay pula at puti ito, stripe sa madaling salita. Ang pang-ibaba ng lalaki ay short na hanggang tuhod samantalang palda naman sa babae na lagpas tuhod. Punong-puno rin ng porselas ang kamay at leeg ng mga babae na gawa sa pinagsama-samang puting perlas.
May mga iilang naka-sibilyan gaya ko, may mga sundalo rin na nakabantay at nang makita nila si Cielo ay agad silang nagbigay pugay.
"Magandang umaga, Koronel Cielo."
Paulit-ulit na bati nila kay Cielo. Kapag napatitingin ang mga tao sa 'kin ay agad silang nagbubulungan pero sandali ring umiiwas sa tuwing napansin nilang kasama ko si Cielo.
Hanggang sa makarating kami sa harap nitong isang bahay na gawa sa kawayan. May kalakihan ito. Bigla kaming sinalubong ng isang matandang lalaki na nakasuot din pang-militar.
"Magandang umaga, Kapitan Gullez," bati ni Cielo.
"Magandang umaga rin sa inyo ng kasama mo,
Koronel Cielo. Iyan pala ang maganda panauhin na tinutukoy ni Diosdado. Halina kayo sa loob nang
makakain na tayo't magkwentuhan," sambit niya, habang ako ay umiwas ng tingin.
Sabay kaming pumasok ni Cielo sa bahay.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa mapahinto ako dahil may humila sa 'kin, paglingon ko ay si Cielo. Sinenyasan niya 'ko na sa kaniya sumunod.
Sorry na, Koronel Cielo, gusto ko lang magmasid.
Iba pala ang way na sinusundan ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang patuloy nakikipag-usap si Cielo doon kay Kapital Gullez.
Hanggang sa bitawan niya 'ko ay patuloy siya sa pakikipag-usap habang ako ay nagmamasid pa rin. Akmang lalakad ako sa ibang direksyon pero biglang hinawakan ni Cielo ang wrist ko na napakahigpit at saka ito binitawan.
"Ouch!
Napahawak ako sa bibig ko at mabilis ding nagpanggap na parang wala lang.
"Sino 'yon?" tanong ni Kapitan Gullez.
Sa kaba ay nakagat ko ang ibaba ng labi ko at pasimpleng nagtago sa likod ni Cielo.
"Kapitan Gullez, ano bang pwedeng mainom d'yan? Kanina pa kasi ako nauuhaw," palusot ni Cielo.
Just wow! Iniba niya siguro ang topic para 'di ako mahuli.
"Oo nga pala, halina muna kayo doon para kumain at uminom." naunang maglakad 'yong Kapitan Gullez at saka kami sumunod ni Cielo.
Para bang ayoko na magsalita, nagkakasala lang ako sa tuwing magsasalita ako.
Hanggang sa makarating sa harap ng mahabang lamesa.
Andaming taong kumakain at nagkukwentuhan.
"Heneral Albino, narito na si Koronel Cielo," pahayag ni Kapitan Gullez doon sa isang lalaking nakasuot na pang-militar.
Panay ang bati ng lahat kay Cielo, binabati niya rin ang mga ito pabalik. Ako naman ay tahimik lang at panay ngiti.
Isa na lang ang upuan sa harap ng lamesa kaya hindi na 'ko umupo at sumunod lang ako kay Cielo. Hanggang sa naglakad si Cielo papunta roon sa likod no'ng nag-iisang upuan, sinundan ko siya kaya naman pareho lang kaming nakatayo.
"Umupo ka na," bulong niya.
"Ayoko. Tatayo na lang din ako kagaya mo."
"Mangangalay ka. Umupo ka na," pagpupumilit niya
"Ayoko nga. Gusto kong tabi tayo."
My goodness? What did I say?
"Na sa likod mo lang naman ako, kaya umupo ka na."
Hindi ko siya pinakinggan bagkus lalo akong sumiksik sa tabi niya.
"Sinama-sama mo 'ko, talagang bubuntot ako sa 'yo. Mamaya bigla mo 'kong iwan aba! Hindi ako papayag," mahina kong sabi sa 'king sarili, alam kong narinig niya ang sinabi ko.
"Isa Gretha! Umupo ka na sabi." napatingin ako sa kaniya at sa pagkakataong ito ay muli kong naaninagan ang seryoso niyang mukha na nagbabadyang magalit sa oras na magpumilit pa 'ko.
"Heto na uupo na." labag sa loob akong sumang-ayon kasabay ng bahagyang ngiti.
Akmang uupo na 'ko pero muli ko siyang nilingon. "H'wag kang aalis sa likod ko ah. D'yan ka lang."
Umupo na 'ko at doon ay kumain ng kaunti. Piesta naman dito kaya malaya akong magtira ng pagkain.
Hanggang sa magsimula na silang mag-usap, habang ako ay kumakain ng empanada at nakikinig.
"Kagagaling ko lang sa munisipyo kanina, ibinalita ang pagsabog na naganap sa Jolo, Sulu. Delikado ang Los Ultimo kung magpapapasok pa tayo ng mga lalaking bisita," wika ni Heneral Albino.
"Hindi tayo sigurado kung ang habol ba nila sa lugar natin ay magnakaw ng ari-arian o sakupin ang lugar natin para gawing teritoryo sa paghahanda nila," dagdag pa ni Heneral Albino.
Nahihilo ako sa topic nila, mygoodness! Partida kauumpisa lang nila mag-usap.
"Nakaraang linggo lang din ay ibinalita ang paglusob ng mga abu sayyaf sa marawi, marami ang nasawi ngunit ang iilan ay nakalikas at nagtungo sa Zamboanga," paliwanag ni Cielo.
"H'wag tayo masyado magpanik, hindi 'yon makatutulong sa 'tin. Kailangan lamang na maiging mapagmamasid dahil baka may makapasok na kung sino sa lugar natin lalo na ang mga mapanlinlang na muslim," ani pa ng isang sundalo na hindi ko kilala.
"Hindi tayo pwedeng maging kampante dahil sa oras na maubos ang sundalo sa Marawi ay kinakailangan natin magpadala ng hindi bababa sa veinte na tauhan. Heneral Albino, sa tingin ko'y kailangan natin ng masinsinang pag-eensayo at karagdagang armas," muling habilin ni Cielo.
Napakaseryoso ng usapan nila. Naubos ko na ang empanadana pero hindi pa rin sila natatapos.
"Kung gayon ay patapusin lang natin ang susunod pang piesta bago tayo maghalal ng mga lalaking ipadadala sa Marawi," pagsang-ayon niya.
"Kung 'yan ang gusto mo Heneral, sang-ayon ako." nkada magsasalita si Cielo ay hindi ko maiwasang makinig. Napakabaritono ng boses niya. Kakaiba sa lahat ng lalaki.
"H'wag muna natin masyado isipin ang kaguluhan, ang importante ay nakahanda tayo palagi at sapat ang kakayahan natin para lumaban kung sakali man na magtangka ang mga rebelde na gawing teritoryo ang Los Ultimo," saad no'ng sundalong hindi ko kikala.
*****
"Napakakinis ng balat mo, Gretha."
"Ang bango naman ng buhok mo, may inilalagay ka ba riyan?"
"Bakit ka nga pala naparito sa Los Ultimo?"
Mga katanungan sa 'king nitong tatlong babae sa harap ko. Kanina pa 'ko naiirita sa kanila pero sa tuwing mapatitingin ako kay Cielo ay kumakalma ako sa mga senyales na 'wag ko masyado ipasok sa kokote ko ang mga sinasabi nitong mga babae sa 'kin. Napakarami nilang kwento at tanong na kung minsan ay hindi ko masagot ng maayos.
Kaya lang naman ako nandito ay pinaalis ako sandali ni Heneral Albino dahil usapang lalaki daw ang ginagawa nila. Wala akong choice kung hindi pumunta rito sa pwesto ng mga babae. Sinenyasan naman ako ni Cielo na sumunod na lang kaya ayos na sa 'kin.
Habang nakikipag-usap sa mga babae ay pasulyap-sulyap ako kay Cielo. May mga pagkakataon na nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa 'kin pero agad siyang umiiwas.
Hanggang sa magawi ang tingin ko sa kaniya. Naalarma ako nang makitang may hawak siyang baso. s**t! Tinagayan na siguro sya. Maigi ko siyang pinagmasdan at napansin kong hindi niya magawang inumin 'yong alak mula sa basong hawak niya.
Gretha! Tumayo ka riyan! Kunin mo na 'yong baso at inumin 'yong alak. Kapag si Cielo ay nahilo at nalasing paano ka makakauwi ng safe kung hindi kaya manlaban ng kasama mo?
Para bang may hangin na nagtulak sa 'kin na gawin ang sinasambit ng utak ko. Awtomatikong tumayo ang mga paa ko at naglakad palayo sa tatlong babae. Nang makita ako ni Cielo ay bakas ang pagkagulat sa kaniya kaya naman agad din siyang tumayo at sinundan ako. Nagtungo ako sa gilid at doon tumigil.
Hanggang sa mapagtantong na sa likod ko na siya.
"Saan ka pupunta?" tanong niya at hawak pa rin nito 'yong baso na may alak.
Hindi ko siya sinagot bagkus kinuha ko sa kamay niya 'yong baso at mabilis ko itong nilagok. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Gretha, bakit mo ginawa 'yon?" pagtataka niya.
"Alam kong madali kang mahilo at malasing kaya ako na lang ang uminom. Don't worry about me este... 'wag ka mag-alala sa 'kin." nginitian ko ito at siya'y walang nagawa kung hindi umiling.
Maya-maya lang ay bumalik na kami kung saan siya naka-pwesto.
"Koronel Cielo, hinahanap ka ni Kapitan Olfo at Kapitan Gullez," bungad no'ng sundalong hindi ko kilala.
Naku po! Andaming alak, kailangan ko mailayo si Cielo dahil weakness niya iyon.
"Ipagpaumanhin niyo pero kailangan ko muna hanapin si Kapitan Olfo. Kung may oras ay babalik na lang kami rito," paalam ni Cielo at saka nagbigay pugay. Naginhawahan ako kahit papaano. Mabuti naman ay naisipan niyang ilayo ang sarili niya sa tukso ng alak.