Kabanata 19. Clip

1613 Words
Kasalukuyan kaming naglalakad sa gitna ng mga taong nagsasaya. 'Yon bang naturang piesta na pwedeng mag-ingay. Ang bawat isa ay may kani-kaniyang ginagawa. Ang mga bata na patuloy sa paglalaro, ang mga matanda na nagpapahinga na may halong ngiti, pagtitinda ng kung anong pagkain o kagamitan at ang katutubong sayaw na tila kay sarap pagmasdan. Ang mga pinaghalo-halong tansan na siguro'y nakuha pa nila sa ibang karatig lugar dito sa Mindanao ay pinagsasama-sama nila at ginawang kagamitan na nagdudulot ng kasiglaan dito sa piesta. Ang mga bamboo stick na pinalibutan ng dahon ng pandan, ang mga basket, sobrero baliuag, banig ay kani-kaniyang ibinibenta ng iilang dito. Mayroon ding mga fabric na tela na 'di ko inaasahang dito rin pala nagmula ang mga 'yon hindi sa Manila. Bigla na lang akong napangiti dahil bakas sa mata ng bawat isa ang galak at pagkasabik sa araw na 'to. Bigla ko tuloy naaalala ang ingay sa Manila. Ang pinagkaiba lang ay sa lugar na 'to, genuine happiness ang matatamo ng lahat dahil ngayong araw ay malaya silang gawin ang gusto nila. Nakalulungkot man isipin pero sa pagsapit ng bukas ay muling maibabalik ang buhay nila na may kaakibat na batas sa bawat gawain. "Bakit ka pumayag na puntahan 'yong Kapitan Olfo?" tanong ko kay Cielo. "Dahil 'pag 'di ako umalis do'n ay paniguradong ipauubos nila sa 'kin ang lambanog. Alam mong hindi ko hilig ang pag-inom, hindi ko rin naman gustong ikaw ang sumalo sa kahinaan ko," katuwiran niya. Humarap siya sa 'kin. "Gretha, maraming muslim ang dumarayo rito sa Baryo Bistar sa tuwing piesta. Kaya hindi ka pwedeng humiwalay sa 'kin, naiintindihan mo ba?" seryoso niyang sinabi. "Kapag iniwan kita rito mag-isa, baka pagtripan ka ng mga kalalakihan. Halata pa man din na bago ka rito sa buong Los Ultimo. Kaya mas mabuting sumama ka na lang sa 'kin." "Sasama talaga 'ko sa 'yo. Ayoko maiwan mag-isa rito. "Bilang isang koronel, inuutusan kitang manatili sa tabi ko at 'wag kang aalis naiintindihan mo ba, Gretha?" Umoo ako tanda ng pagsang-ayob hanggang sa nagpatuloy kami sa paglalakad. Cielo Kasalukuyan kaming naglalakad para hanapin si Kapitan Olfo at Kapitan Gullez. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang ilang muslim na nagkakasiyahan malapit sa isang kubo. Doon ko lang din napagtanto na naroon si Kapitan Gullez. Hindi ko maaaring dalhin si Gretha doon dahil paniguradong pagkakaguluhan o 'di kaya'y tatanungin siya ng kung anu-ano. "Gretha, halika rito.l," pagtawag ko sa kaniya at saka siya dinala sa gilid ng matandang nagtitinda ng mga tali sa buhok at iba pang gamit. "Dito ka lang ah? Sandali lang ako." gulat siyang napatingin sa sinabi ko. "Ayoko! Sasama ako sa 'yo," usap niya at nakakrus pa ang mga braso nito. "Hindi pwede. Babalikan kita rito kaya 'wag kang aalis sa tabi ni Manang. Bilang isang Koronel ay inuutusan kita na hintayin mo 'ko rito, nauunawaan mo ba?" Labag man sa loob ay napilitan akong tumalikod na hindi man lang inalam ang sagot niya sa 'king sinabi. Mabilis akong naglakad palayo at nagtungo sa kubo kung na saan ko nakita si Kapitan Gullez. "Koronel Cielo, kanina pa kita hinahanap. Saan ka nanggaling?" bungad sa 'kin ni Kapital Gullez. "May dinaanan lang ako Kapital Gullez, na saan nga pala si Kapitan Olfo? May mga itatanong lang sana ako at ipauutos." umaasa akong nandito pa siya "Kaaalis lang niya. Kanina pa sya nagmamadali kung kaya nagpaalam din. Magtutungo raw siya sa bayan, sayang hindi mo naabutan." napasinghap na lang ako sa hangin. "Na saan nga pala ang kasama mong dalaga?" tanong niya pa dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Iniwan ko siya sandali roon." "Koronel Cielo, delikadong mapag-isa ang babaeng 'yon. Narito ang angkan ni Juvan Mohad at Amhar Ruj kung kaya mainam na balikan mo na siya. Heto ang pagkaing ibinalot ko, iuwi niyo na lamang 'yan." awtomatikong bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. "Salamat, Kapitan Gullez. Sa susunod na lang tayo mag-usap." nagbigay pugay siya bago ako tuluyang umalis. Ang mga pangalang binanggit niya ay ang mga kilala at isa sa may kayang muslim na na naninirahan sa Jolo, Sulu. Iyong lugar rito sa Mindanao lung saan nakadestino ang mga abu sayyaf na noon ay nagtangka na angkinin ang Los Ultimo para gawin nilang teritoryo at imbakan ng kanilang pagkain. Mabilis akong naglakad at ang kaba sa 'king dibdib ay higit pa sa lalim ng karagatan. Lahat ng masasalubong ko ay nagsasaya habang ako ay hindi mapakali. Hanggang sa makarating ako sa tabi ng nagtitinda kung saan ko iniwan si Gretha. Hindi maaari! Na saan siya? "Manang, na saan ang babaeng iniwan ko kanina rito?" tanong ko sa matanda. "Paumanhin, Koronel Cielo, pero hindi ko po alam kung saan siya nagpunta. Kanina lang ay patingin-tingin siya sa mga itinitinda ko ngunit nang malingat ako ay bigla siyang nawala." gusto kong maalarma sa narinig pero sandali akong napatingin sa sipit ng buhok na inilalagay sa gilid ng buhok ng babae. "Bigyan mo 'ko nito." kinuha ko ang pinakamaganda at makintab na ipit sa buhok at agad itong binayaran. Tumalikod ako at maiging pinagmasdan ang bawat sulok ng paligid. Hindi ko siya makita kaya patuloy kong inilibot ang aking paningin. Palakad-lakad ako ako at nagbabakasakaling masilayan siya. Gretha, na saan ka na? Gretha Kasalukuyan akong nakatayo rito sa gitna ng mga taong nagsasaya. Nakita ko kasi kanina si Ina kaya isinama niya ko sandali rito pero agad din siyang umalis. Hindi naman ako makabalik sa pwesto ko kanina dahil may limang lalaki doon na nagtatanong ng pangalan ko kaya naisip kong dumito na lang sa gitna. Muli kong naanigan 'yong limang lalaki na palapit sa 'kin dahilan para maalarma ako. Mygoodness Cielo, where are you? Kapag may nangyaring masama sa 'kin ay talagang mumurahin ulit kita kahit parusahan mo pa 'ko! Mabilis akong naglakad pabalik sa pwesto ko kanina. Sa 'di kalayuan, isang lalaki ang naaninagan ko na may hinahanap at nang magtama ang mga mata namin ay wala siyang pag-aalinlangan na lapitan ako. Si Cielo nga iyon. Nang makalapit siya sa 'kin ay bakas ang pagkahingal at pangamba sa kaniyang itsura. "K-koronel saan ka ba nanggaling? Bakit ang tagal mo? Alam mo ba kanina akala ko mapagtitri—" Natigilan ako nang hilain niya ang aking kamay at ako'y kaniyang niyakap. "Pinag-alala mo 'ko." Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Anong klaseng yakap 'to at bakit parang may sumibol na paru-paro sa 'king dibdib? "S-sorry... este paumanhin. Nag-usap lang kami sandali ni Ina." hindi ko nagawang sabihin pa ang tungkol sa mga lalaki at baka ma-beastmode na naman siya. Nakakikilabot pa man din siya kung magalit, parang mangangain ng tao. Humarap siya sa 'kin. "H'wag mo na uulitin 'yon ah? Kung saan kita iniwan doon din kita babalikan." punong-puno ng pag-alala ang itsura niya. Ito ang unang beses na niyakap niya 'ko ng ganito kasabay ng maamong mukha. Is this true, Koronel Cielo? Why are you doing this to me? Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa 'di ko maiwasang mapaisp kung bakit ganoon na lamang siya mag-alala sa 'kin? Huminto ako sa paglalakad, dahilan para matigilan din siya. "Bakit ka huminto?" pagtataka niya habang nakaharap sa 'kin. Gusto ko kasi siyang pasalamatan dahil sa pagdating niya ay naiwasan ko 'yong mga lalaki kanina. Magpapasalamat na sana 'ko pero bigla akong napalunok nang mapunta ang paningin ko sa adams apple niya na gumalaw pataas at pababa dahil sa malalim niyang paghinga. Muli ko na naman naalala ang pagyakap niya sa 'kin kanina. What's up Gretha? Bakit ka natulala? Attractive ba ang yakap niya kanina o ang adams apple? Sagot! Just shut up f*****g mind! Lagi na lang akong ginugulo ng sarili kong isip. "Gretha?" sa muli niyang pagtawag ay saka lang ako natauhan. Kitang-kita ko ang malalim niyang paghinga sa pagkahingal. Napagtanto kong pinagpapawisan siya sa noo. Tumakbo ba siya kahahanap sa 'kin? Tinitigian ko siya hanggang awtomatikong umangat ang kanang kamay ko at pinunasan ang noo niya. Ang lapit ng mukha ko sa kaniya. Bakas tuloy sa mukha niya ang pagkagulat. Pagkatapos punasan ay bigla akong natauhan sa kahibangan ko. Mabilis akong lumayo at dumistansya sa kaniya. Lumingon ako sa ibang direksiyon at huminga nang malalim. "Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko! Nakakahiya, kainis! Bakit ko nga ba ginawa 'yon? "A-ahh... w-wala lang. Pawis ka kasi k-kaya... k-kaya naisip kong punasan," nauutal kong sagot. Oh no! This is not me! Hindi dapat ako nauutal sa Cielo na 'to. Halos lumundag ang puso ko nang humarap ako sa kaniya dahil nakangiti ito. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. 'Yong ngiti na napakatotoo at napakatamis. Bakit hindi ako makakibo? Bakit parang ang init ng mukha ko? Samantalang mahangin naman dito sa paligid. "Uhmm... K-koronel Cielo tara na para makauwi na tayo," pag-aaya ko na hindi tumitingin sa kaniya. Akmang tatalikod ako para maglakad pero bigla niya 'kong hinila. "Gretha, sandali." agad niya 'kong binitawan at may kinuha siyang kung anong bagay sa bulsa niya. Iyon ang clip sa buhok na nakita ko kanina. Gandang-ganda pa nga 'ko do'n ang kaso lang ay wala 'kong dalang pera kaya hindi ko nabili, at isa pa ay hindi ko hilig 'yon. Hinawi niya ang buhok ko sa gilid ng aking tainga bago niya inilagay 'yong clip sa bandang itaas at gilid ng buhok ko. Hindi ko hilig ang clip pero bakit nang isuot niya sa 'kin ay para bang nagusutuhan ko kahit 'di ko pa nakikita ang itsura ko. "Gretha, bagay sa 'yo," puri niya sa 'kin na nakangiti dahilan para muling sumibol ang paru-paro sa 'king dibdib. Pakiramdam ko'y namumula ako. Cielo, why are you doing this to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD