Kabanata 20. Pagbuburda

1069 Words
Nang matauhan ako ay agad din naibalik ang aking katinuan. "Ikaw Koronel Cielo marunong ka na rin sa pag-damoves ah? Parang dati lang halos kainin mo 'ko dahil sa suplado looks mo," tugon ko na siyang nagpabago ng kaniyang reaksyon. "Paumanhin Gretha, hindi ko alam ang ibig mong sabihin. Mabuti pa ay umuwi na tayo." napanguso na lang ako at kami'y nagpatuloy sa paglalakad palabas ng Baryo Bistar. Hanggang sa makauwi kami ay napakatahimik ko. Hindi ko malimutan ang mga nangyari sa araw na 'to, lalo ang yakap niya kanina nang makita niya 'ko. Sa tuwing iniisip ko ay walang humpay ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Masasabi kong may saltik na nga talaga si Cielo dahil bigla na naman nag-iba ang pagtrato niya sa 'kin. Hindi ko na mawari ang takbo ng utak ng lalaki na 'to. Hanggang sa pagtulog, ang yakap niya kanina ay patuloy na ginagambala ang isip ko kasabay ng kakaibang pakiramdam. No way! I should not feel this way! Kinabukasan "Gretha, halika rito ay may mga telang kailangan tastasin at baguhin ang tahi." "Gretha, tupiin mo ang mga 'to." "Gretha, ulitin mo ang pagtatahi sa parteng ito, masyadong marupok ang sinulid na ginamit mo." "Gretha, pagsama-samahin mo ang mga puting damit at ang de-kolor." Paulit-ulit na sambit sa 'kin ni Ina. Mula pa kaninang umaga ay nandito na 'ko sa bahay-panahian. Si Manang Soledad ang naghatid sa 'kin at pagkatapos ay dumiretso na siya sa palayan para sa pagsasaayos ng mga pandan na gagamitin sa paggawa ng banig. Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga telang natira mula sa pananahi namin kanina ni Ina. "Gretha, napakaswerte mo," tinig mula sa isang babae. Paglingon ko ay naroon ang isang babaeng naglalakad palapit sa kinaroroonan ko habang patuloy sa pagbuburda ng telang hawak niya. "Paano mo nasabi? At saka, bakit mo alam ang pangalan ko?" kunot noo kong itinanong. "Anak ako ng matandang nagtitinda sa isang gilid kahapon sa Piesta ng Baryo Bistar, kung saan ka iniwan sandali ni Koronel Cielo." may nakakita pala sa 'min. Lumapit siya sa 'kin at sandali siyang bumulong, "Nakita ko ang pagyakap sa 'yo ni Koronel Cielo. Hindi ko rin malilimutan ang itsura niya habang hinahanap ka niya noong mga oras na 'yon. " Nang sabihin niya 'yon ay bigla na lamang kumabog ang dibdib ko dahilan para wala 'kong masabi. "Huwag ka mag-alala, wala naman masyadong nakapansin kay Koronel at kung mayroon may ay hindi na nila masyado pag-iisipan pa 'yon ng masama dahil abala ang lahat sa piesta." halos 'di ako makagalaw sa mga pinagsasabi niya. Seriously? Pero bakit parang bigdeal sa kaniya 'yong nakita niya? "Bakit? May masama ba sa ginawa ni Koronel Cielo?" tanong ko na para bang wala lang sa 'kin ang yakap ng 'yon. Wala nga ba Gretha? "Hindi masama sa paningin ng iba, ngunit mali ang iisipin nila kung mauulit pa 'yon," sagot niya. Weird. Hindi ba pwedeng hug as friend? "Nariyan pala kayong dalawa. Nagkakakilala na ba kayo?" napalingon ako sa nagsalita at napagtanto na ito ay si Ina. "Gretha, ipakikilala ko nga pala ang isa nating kasama rito sa panahian, si Miran. Matagal na kami magkaibigan. Kung may mga sinabi man siya sa 'yo ay hayaan mo na lang. Pilyo kasi 'yan," natatawang sabi ni Ina pagkatapos ay naghampasan sila senyales ng pagkakatuwaan. I remeber Liezel all of a sudden. Kumusta na kaya siya? Kumusta na rin si Mommy? Mag-iisang linggo na 'ko rito pero hanggang ngayon ay wala akong makalap na balita dahil bawal gumamit ng telepono. Wala rin signal. Hindi bale, mamayang gabi ay kakausapin ko si Cielo, siguro naman ay matutulungan niya 'ko kahit papaano. "Ako nga pala si Miran, masaya akong makita ka rito. Ikinuwento ka na sa 'kin ni Ina noong nakaraang araw kaya 'wag ka mahiya sa 'kin ah?" inilapad ni Miran ang kaniyang kamay senyales ng pakikipagkilala. Inilapad ko ang kamay ko at ginalamayan siya. "Salamat," tangi kong nasabi kasabay ng isang ngiti. "Osya mag-umpisa na tayo. Kailangan natin matapos ang mga 'yan dahil sa susunod ng linggo ay ipadadala ang lahat ng 'yan sa Tawi-tawi," paalala ni Ina. Muli kaming nagsimula sa pagtatahi, pagtitiklop at pagsasama-sama ng mga damit na nabuo at ang tela na natira. Aminado akong sa una ay nahirapan akongunit habang tumatagal na pinagmamasdan ko ang ginagawa nila ay unti-unti akong natututo. Kapag nagkakamali ako ay hindi sila napapagod na itama ako. Nakatutuwang isipin na hindi masama ang trato nila sa 'kin. "Gretha, napakaswerte mo," anas ni Miran. "Huh? Bakit mo nasabi 'yan?" nagugulumihanan kong itinanong. "Dahil naranasan mo na dumalo sa piesta na walang ginawa sa buong araw kung hindi ang magmasid sa mga tao at makisaya," direkta noyang sagot. "Bakit? Gano'n ka rin naman kahapon 'di ba?" tanong ko habang patuloy sa pagtitiklop. "Nagkakamali ka. Walang araw na hindi ako kumilos o nagtrabaho. Lahat ng naririto ay walang rason para magsaya dahil kaakibat nito ay ang obligasyon namin dito sa Los Ultimo." wala akong nasabi sa naring ko. Marahil tama siya. Kahapon ay wala akong ginawa kung hindi sumunod kay Cielo at hanggang sa pag-uwi ay pinahintulutan niya 'ko na magpahinga. Nagpatuloy kami sa pananahi hanggang sa matapos ang pagkain naming ng tanghalian. Naisip kong hanapin si Ina sa labas dahil doon siya nagtungo kanina. Paglabas ng bahay-panahian ay nakita ko agad si Heneral Albino, kausap ang tatlong lalaki. Naalala ko na. Ang tatlong lalaking 'yon ay ang nakita ko kahapon sa Piesta at pilit tinatanong ang pangalan ko. Lima sila kahapon, ngayon ay tatlo na lang. Napaatras ako hanggang sa maisipan na bumalik sa loob. "Oh, Gretha, bakit ka nagmamadali?" salubong sa 'kin ni Ina. Magsasalita na sana 'ko pero hindi natuloy. "Magandang umaga sa inyo," bati mula sa boses ng lalaki. Humarap ako sa kung saan nanggaling iyon at bumungd sa 'kin si Heneral Albino, nang makita niya 'ko ay awtomatiko siyang napangiti. Bumati si Ina at Miran na ngayo'y nandito na rin, gano'n din ang ibang babae na kasama namin habang ako ay tameme lang. "Gretha, maaari ba kitang makausap?" tanong niya dahilan para maestatwa ako lalo. Holy s**t! Anong pag-uusapan namin? We're not even close. Napatingin ako kay Ina at sandali naman itong bumulong sa 'kin. Habang si Miran ay tahimik lang na nagtatahi at pasulyap-sulyap sa 'min. "Sumama ka na. Kami na ang magtutuloy sa mga tela," pahintulot ni Ina at saka ngumiti sa harap ko. Tumango na lang ako rito at sandaling nagpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD