Kasalukuyan kaming naglalakad. Sumusunod lang ako kay Heneral Albino kahit pa wala 'kong ideya kung saan kami pupunta. Habang sinusundan ko siya sa paglalakad ay 'di ko maiwasang makaramdam ng kakaibang atmosphere. Ibang-iba sa nararamdaman ko kapag si Cielo ang kasama ko.
Gustuhin ko man na magsalita para magtanong ay pinili ko na lang na tumahimik at baka ikapahamak ko pa.
Hanggang sa makarating kami rito sa Campo Militar. Pinasunod niya 'ko sa isang parang bahay. Iyon marahil ang opisina nila. Pagpasok sa loob ay agad niya 'kong pinaupo at gano'n din siya.
"A-ahh ano po bang pag-uusapan?" kabado kong tanong.
Sandali niya 'kong nginitian bago siya magsalita. "May gustong kumausap at mag-anyaya sa 'yo."
Nang sabihin niya 'yon ay nakaramdam ako ng kaba. Seriously? Sino naman kaya ang tinutukoy niya?
"Magandang tanghali, Heneral Doni," sabay na pagbati mula sa boses ng mga lalaki.
Nang mapatingin ako sa pinto, laking gulat ko nang maalalang ang mga lalaki na ngayon ay nakikita ko ay ang mga lalaki na nagtatanong ng pangalan ko kahapon sa piesta. Sila rin ang kausap ni Heneral Albino kanina sa labas ng bahay-panahian.
Shit! Bakit sila nandito?
"Ikaw nga! Hindi ako nagkamali, nakatutuwa dahil nahanap din kita," halos masuka ako sa sinabi ng isang lalaki. Ano daw? Ang korni ah.
"Ano bang kailangan niyo sa 'kin?" kuryosidad kong tanong. Agad na lumapit sa 'kin ang tatlong lalaki.
"Ako si Calem, siya naman si Khalur at ito naman ay si Mhahad," pagpapakilala nitong isa.
"Gusto lang sana naming makilala ka at anyayahan ka sa 'ming bayan." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinipilit kong kumalma at baka mabastusan sila sa asal ko.
"Pumayag ka na, paniguradong magugustuhan mo ang mga tanawin lugar sa 'min," ani pa ni Khalur.
"Nabalitaan namin na gusto mong libutin ang Los Ultimo at gawing paksa sa 'yong ginagawa. Kaya gusto namin na anyayahan ka dahil sa lugar namin ay walang magdidikta sa 'yo," pagkukumbinsi ni Mhahad.
"Saan ba ang lugar na tinutukoy niyo?" pagtataka ko.
"Jolo, Sulu. Mga muslim kami at alam namin na hindi maganda ang pagkakakilala mo sa lugar namin lalo sa amin ngunit hindi ka magsisisi sa oras na masilayan mo ang ganda ng paligid sa Jolo, Sulu. Pumapayag ka na ba?" nakangiting usal ni Calem.
Halos humiwalay na ang kaluluwa ko nang marinig ang salitang Jolo, Sulu. Hindi ko pa napupuntahan ang lugar na 'yon ngunit sa pagkakaalam ko ay napakadelikado roon. Puro giyera ang naririnig kong kaganapan at pagsabog sa lugar na 'yon. Walang kapayapaan at palaging hindi sigurado ang mga buhay ng tao kung ligtas ba sila hanggang dulo. Bata pa lang ako ay naririnig ko na ang pangalang Alur Mhusni na pangulo at rebolusyunaryo ng Moro Tribe. Sapat na rason na ang mga narinig kong balita para hindi magtungo sa lugar na 'yon.
"Gretha, pumayag ka na. Hindi ka naman namin ipahahamak dahil ituturing ka naming espesyal na panauhin."
Gusto ko na tumakbo palabas. Ano akala nila mapapapayag nila 'ko? Nagkakamali sila.
"A-ahh salamat sa pag-anyaya niyo sa 'kin. Pero kasi marami akong trabaho rito sa Los Ultimo," pagdadahilan ko. Sana ay maniwala sila, 'yon din naman ang totoo.
"Kung 'yon ang rason, dapat kang matuwa dahil ipinaalam ka na namin kay Heneral Albinon." hindi maaari! Ayokong sumama.
"Gretha, pumayag ka na. Iyon din naman ang pakay mo rito 'di ba? Ang masilayan ang lugar namin?" sambit ni Heneral Albino habang nakaupo siya may gilid, kasabay ng kaniyang isang ngiting mapagpanggap.
Napakahangal ng Heneral na 'to! Sa pagkakaalam ko ay umiiwas ang Los Ultimo sa Jolo, Sulu at nag-iingat sa mga tao roon lalo na sa mga muslim, pagkatapos ay pipilitin niya 'ko na sumama sa mga hinayupak na 'to.
"Gretha, sumama ka na. H'wag kang mag-alala, hindi ka naman parurusahan ni Koronel. Ako na ang bahala na magsabi ka niya," pabidang sinabi ni Heneral.
"Pasensya na po pero wala akong gana pumunta sa ibang lugar sa ngayon. U-uhmm sige po mauna na 'ko may trabaho pa kasi ako." akmang tatayo ako para lumabas pero mabilis nila 'kong pinigilan.
"Saan ka pupunta? Pagbigyan mo na lang kami at sumama ka na sa 'min kahit isang araw lang," saad ni Calem habang nakahawak sa balikat ko. Doon ay nakita ko ang kakaibang tingin niya sa 'kin.
Shit!
Nagpumiglas ako sandali. Kung alam ko lang na ganito ang dadatnan ko rito ay hindi na sana ako sumama pa sa bwisit na Heneral na 'to.
"Ayoko sumama sa inyo, madali lang naman intindihin ang sinabi ko 'di ba?" nakakunot noo na 'ko sa sobrang inis.
"Gretha, huwag ka na tumanggi pa at sumama ka na sa kanila," walang kwentang suhestiyon ni Heneral Albino.
"Kay ganda ng kutis mo Gretha, sayang naman kung nandito ka lang at hindi masisilayan ng iba."
Holy s**t! Napakabastos nila!
"Paalisin niyo na 'ko. Hindi ako sasama sa inyo!" mariin kong sinabi.
Akmang lalakad ako palayo sa kanila pero hinila ni Mhahad ang kamay ko. "Kailangan mo ba ng pera? Bibigyan ka namin."
Napaka-hangal nila! Ginawa pa nila 'kong bayarang babae!
Muli akong nagpumiglas hanggang sa mabitawan nila 'ko. Mabilis nila 'kong hinarangan kaya 'di ako makadaan.
My goodness! What should I do now? Cielo, where are you? Please help me.
Sa pagkakataong ito ay wala akong ibang maisip kung hindi si Cielo kahit pa hindi ako sigurado kung anong gagawin niya kung sakali man na nandito siya.
Pinagmamasdan lang nila 'ko kasabay ng pagtawa. Hanggang sa mahagip ng paningin ko ang kabilang side ng mesa dahilan para maisip kong tumakbo roon.
Ginawa ko ito, tumakbo ako roon at nagbabakasakaling hindi nila 'ko mahabol ngunit mabilis na nakalapit sa 'kin si Calem.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang kami kami pagbigyan?" seryosong wika ni Calem kasabay ng malagkit niyang tingin sa 'kin mula ulo hanggang paa.
Nagulat ako nang isinuksok niya sa bulsa ko ang bagay na 'di ko alam. Nang kunin ko ito ay halos sumabog ako sa galit na naramdaman ko.
Five hundred pesos ang inilagay niya sa bulsa ko. Agad ko itong inihagis sa kaniya.
"Bigyan pa kita ng sampung limang daan!" taas kilay kong sinabi.
Magsasalita na sana si Calem pero naudlot ito.
"Hindi tama na pwersahin ang isang tao lalo ang panauhin."
Sambit mula sa baritonong tinig. Lumingon ako para tingnan kung sino ito.
Cielo?