Halos malaglag ang panga ko habang pinagmamasdan siyang nakatayo sa harap ng pinto. Nagsimula na siyang maglakad palapit sa kinaroroonan namin.
Paano niya nalaman na nandito ako?
"Kung ayaw, 'wag pilitin," dagdag pa ni Cielo.
Hindi ko alam kung bakit pero gustong ngumiti ng labi ko. Pinipilit ko lamang itago dahil magmumukha lang akong timang.
"Koronel Cielo, isa silang dayo mula sa Jolo, Sulu ngunit kakilala ko sila. Sila ay mga armadong muslim ngunit mapagkakatiwalaan ko ang mga ito," sad ni Heneral Albino.
Pabidang heneral kahit kailan! Gusto pa 'ko ipasama sa mga muslim.
"Wala akong pakialam kahit pa sila ay isa ring sundalo dahil sundalo rin ako. Ang batas ay batas, at bilang isang Koronel, hindi ko sila binibigyan ng pahintulot na isama ang panauhin natin sa lugar na 'yon. Sa akin nakasalalay ang kapakanan ni Gretha, kung ano mang mangyari sa kaniya ay pananagutan ko. Hindi naman siguro makitid ang utak ninyo para 'di ako maunawaan," seryosong wika ni Cielo.
Hindi makapagsalita 'yong tatlong muslim pero bakas sa mukha nila ang pagkadismaya at patagong inis. Maging ako ay hindi na mawari ang dapat na ikilos o sabihin. Masyadong nakakikilabot si Cielo sa lahat ng lalaking nakaharap ko.
"Pasensya na Koronel Cielo, nagandahan lamang kami sa kaniya nang makita siya kahapon sa piesta kaya nagpasya kaming hikayatin siya sa lugar namin para ilibot at makilala pa siya," pagrarason ni Calem.
"Isa pa, nabalitaan kasi namin na gusto niyang libutin ang Los Ultimo kaya nagbabakasakali kaming libutin din niya ang bayan namin," ani pa ni Khalur.
Sandaling tumingin sa 'kin si Cielo, napalunok na lang tuloy ako. Ano bang dapat kong i-react?
"Hindi sapat na maganda siya para kilalanin. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na, hindi ninyo magugustuhan ang asal ng babaeng inyong inaanyayahan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Cielo. Seriously? Pumunta ba siya rito para maliitin ako sa harap ng iba? Kainis! Akala ko pa naman ay pinoprotektahan niya lang ako.
"Anong ibig mong sabihin Koronel Cielo?" tanong ni Calem.
"H'wag niyo na lamang alamin. Ipagpaumanhin niyo pero kailangan ko na siyang isama. Napakaraming trabaho ang kailangan niyang tapusin. Paalam, Heneral Albino." nakatingin lamang siya sa akin habang ako ay hindi makakibo.
"Sandali, Koronel Cielo, kung hindi mo sila mapagbibigyan sa gusto nila, kailangan ko na silang ihatid palabas ng Los Ultimo kaya ikaw na lamang ang magtungo sa La Paz Militar para mag-obserba."
Talaga ba Heneral Albini? Parang kanina lang ay halos pilitin mo na 'kong sumama sa tatlong muslim na 'to pagkatapos ngayon ay wala ka na masabi?
"Ihahatid ko lamang sa palayan si Gretha pagkatapos ay tutungo ako roon. Paalam na Heneral." huminto ang titig niya sa 'kin. "Gretha, halika na rito."
Mabilis akong naglakad palapit kay Cielo. Nginitian ko siya pero tinalikuran niya lang ako.
Kakaiba 'tong lalaki na 'to kahit kailan. 'Yong iba ay kinikilig sa tuwing ngingitian ko sila, pero siya ay dinededma lang ako.
Sumunod na 'ko kay Cielo hanggang sa makalabas ng Campo Militar. Tahimik kaming naglalakad. Gusto kong magpasalamat pero pinangungunahan ako ng inis. Naalala kong hindi pala maganda ang sinabi niya kanina tungkol sa 'kin dahilan para muli akong sumimangot.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya na siyang bumasag sa katahimikan.
Sandali ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay. "Pagkatapos mong sabihin sa mga 'yon na hindi maganda ang asal ko, tatanungin mo 'ko kung ayos lang ako? Tsk!"
"Ikinagagalit mo ang pagsabi ko sa kanila ng totoo? Hindi ba dapat kang matuwa dahil hindi ka nila pipiliting sumama sa lugar na 'yon. Tingin mo ba'y ligtas ka sa Jolo, Sulu?"
"So utang na loob ko pa sa 'yo ang pagdating mo kanina?" bulong ko sa 'king sarili.
"Kung bubulong ka sa sarili mo, siguraduhin mong hindi ko maririnig." nakakainis na talaga. Wala akong takas pagdating sa kanya.
"Hindi naman porket maraming giyera sa Jolo, Sulu ay hindi na magandang puntahan. Kung tutuusin ay mas maganda ro'n kaysa rito sa Los Ultimo dahil doon walang parusa na nagaganap at kung may mga batas man, hindi oa este... hindi malupit katulad dito!" nakasimangot kong reklamo na hindi siya tinitingnan. Kahit naman hindi ako sumama sa tatlong muslim na 'yon ay hindi ko maitaanggi na maganda ang iilang pasyalan doon base sa 'king naririnig.
"Tama ka. Ang tanong, tatagal ka kaya ng isang buwan doon na hindi nasasangkot sa gulo? Paniguradong isang linggo pa lang ay susuko ka na." tinatakot niya ba 'ko?
"Alam mo ikaw Koronel, paiba-iba 'yang trip mo. Kahapon ang bait mo sa 'kin tapos ngayon napakasuplado mo!" mariin kong wika.
"Andami mong sinasabi, halika na sa palayan. 'Yon na lang ang tapusin mo ngayong araw."
Wala akong nagawa kung hindi sundan siya. Mas napabuti pa rin naman ang pagdating niya kanina kahit pa nakakainis ang sinabi niya tungkol sa 'kin.
Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay ramdam ko ang payapang paligid. Para bang kahit hindi ko kilala ang mga tao rito ay wala akong maramdamang takot dahil kasama ko si Cielo. Dumarating lamang ang kaba kapag wala siya sa paligid ko.
Cielo
Hindi ko maalis ang tingin ko Kay Gretha kahit pa na sa tabi ko lang siya. Hindi ko naman gustong mapahamak siya sa Jolo, Sulu kaya ginawa ko 'yon kanina. Kahit pa hindi ko gusto ang asal niya ay hindi ko siya magawang hayaan o mapahamak. Tungkulin ko pa rin na protektahan ang panauhin.
"Koronel Cielo, paano mo nalaman na nando'n ako sa opisina ng Campo Militar?" pagtataka ni Gretha na siyang bumasag sa katahimikan.
"Hindi mo na kailangan pang malamana." napasimangot siya sa sagot ko
Ang totoo niyan ay ako mismo ang nakakita kung paano siya isinama sa Campo Militar ni Heneral Albino. Isa akong Koronel kaya araw-araw ay naglilibot ako para obserbahan ang mga kaganapan sa panahian, pagamutan, palayan at sa buong Los Ultimo. Ngunit ang responsibilidad ko ay nadagdagan simula nang dumating si Gretha sa lugar namin dahil palagi ko na rin siyang binabantayan.
Gretha
Nang maihatid ako rito sa palayan ni Cielo ay agad akong sinalubong ni Manang Ibay. Si Cielo naman ay nagpaalam na didiretso sa Campo Militar. As usual, nagsimula na kami sa pagtatanim. Ginawa ko na rin ang bilin niya na magpalit ng damit. Hindi ko alam kung bakit pero sa paglipas ng araw ay unti-unti akong nasasanay sa mga ginagawa nila rito. Ang mga bagay na hindi ko inakalang magagawa ko, ngayon ay nagiging buhay ko na.
Lumipas ang mahigit isa't kalahating oras.
"Gretha, bantayan mo sandali iyong mga pandan na hinimay ko, may kukunin lamang ako," bilin Manang Ibay sa 'kin at saka na siya naglakad papunta roon sa may kubo.
Sa kalagitnaan ng aking paghihintay, nagulantang ako at halos mapaatras nang makita ang tatlong lalaki kanina. Sina Calem, Khalur at Mhahad na ngayon ay nagalakad. Mukhang dito sila pupunta.
Shit!
Sana ay hindi ako ang rason sa pag-punta nila rito.
Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo.
I am sorry, Manang Ibay pero kailangan kong iwan ang mga pandan.
So, where should I go now?
Mabilis na inilibot ko ang aking paningin hanggang sa biglang may magtakip sa bibig ko dahilan para magpumiglas ako at piliting sumigaw.
"Ako 'to, Gretha." mahina man ang boses ay kilala ko kung saan iyon nanggaling.
Iniharap niya 'ko at laking gulat nang bumungad sa 'kin si Cielo.
"K-koronel..."
"Ako nga. Halika na, Gretha, sumama ka sa 'kin."
Mabilis niya 'kong hinila at lahat ng taguan na pwede naming pagtaguan ay napuntahan na namin.
Hanggang sa mapahinto ako sa gilid habang siya ay na sa kabila nagtatago.
"Halika rito!" mariin niyang pagtawag.
Akmang lalapit na 'ko sa kanya pero natigilan ako.
"GRETHA?" Sumilip ako sa gilid at laking gulat nang makita ang pagmumukha ni Calem na hinahanap ako.
Hanggang sa masalubong niya si Manang Ibay. Oh no!
"May nakapagsabing nandito si Gretha, saang parte nitong palayan namin siya makikita?" tanong ni Khalur.
"P-pasensya na, hindi ko alam kung na saan ang hinahanap niyo. Iniwan ko lang siya kanina mag-isa rito at ngayon'y biglang nawala. Mabuti pa siguro ay umuwi na lamang kayo."
Akmang papatulan ni Calem si Manang Ibay pero mabilis na inawat ito ng dalawa niyang kasama.
"Gretha! Magpakita ka na!
"Huwag ka na tumanggi pa!"
Napapikit ako sa kaba at panginginig. Napahawak tuloy ako sa bibig ko at napayuko dahil baka makapagsabi ako ng isang salita na siyang sisira ng buhay ko. Bakit ko pa kasi nararanasan 'to? Bakit ba kasi ako nagpunta sa lugar na 'to? Sa bawat araw na magdaraan ay hindi nagiging mabuti ang pamamalagi ko rito.
Hanggang sa biglang umalingawngaw ang ingay mula sa mga gamit na parang binagsak at sinadyang ihagis.
Saksi ang dalawa kong mata. Nagwawala sila at patuloy akong hinahanap. Ang mga pandan na hinimay namin ni Manang Ibay ay nagkalat sa buhangin pati ang iba pang kagamitan at inani naming pananim.
Napapikit na lang ako sa kaba.
"H'wag mo sila pakinggan, at sa 'kin ka lang tumingin." napalunok ako sa aking narinig at pagmulat ng aking mata ay bumungad ang isang lalaki. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nasilayan ang mukha ni Cielo. Doon ay muling nagtama ang mga mata namin. Kasabay ng pagpintig ng puso ko sa 'di maipaliwanag na rason.
"H-huwag m-mo ko i-ipakikita sa kanila... p-pakiusap," kusang lumabas sa 'king bibig kasabay ng labis na pangamba. Hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Cielo.
"Hindi ko gagawin 'yon, Gretha." titig na titig lamang kami sa isa't isa.
"BWISIT!"
Sigaw mula sa boses ni Calem.
Muli akong napayuko sa kaba.
Segundo ang lumipas ay nanatili akong pipe. Marahang inangat ni Cielo ang ulo ko paharap sa kanya.
"H'wag kang mag-isip na kung anu-ano, Gretha. Nandito lang ako sa tabi mo," sa maamong boses niya ito binigkas. Ito ang unang pagkakataon marinig ko siya sa gano'ng paraan ng pananalita. Walang halong sigaw o galit. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang paru-paro sa 'king dibdib at ang kaba na kanina'y bumabalot sa 'kin, ngayon ay napalitan ng pagiging kalmado.
Sabay kaming naglakad palayo habang hawak niya ang aking kamay. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? I cannot let any man touch my hand. Pero bakit nang hawakan ni Cielo ang kamay ko ay para akong kinukuryente? Para akong magnet na sa kaniya ay ayaw na bumitaw. Bakit ganito?
Nang makalayo sa palayan ay agad niya rin akong binitawan. Kahit papaano'y nawala ang kaba sa 'king dibdib.
Salamat, Cielo.