Kabanata 23. La Paz militar

1526 Words
Patungo kami ni Cielo sa lugar na hindi ko alam kung saan nga ba. Sa katunayan ay kanina pa kami naglalakad at napansin kong medyo pataas ang dinaraanan namin. "Sa susunod ay umiwas ka sa mga gano'ng tao. Kahit anong pilit nila ay 'wag mo silang pakikinggan o kakausapin. Bilang isang Koronel ay inuutusan kitang lumayo sa mga lalaking hindi mo kilala, nauunawaan mo ba 'ko?" utos niya. "Oo na, Koronel. Pero kasi iniwasan ko naman sila pero mapilit at ayaw nila 'kong pakinggan. Bakit ba kasi gano'n ang mga 'yon? Bakit hindi mo sila parusahan? Tutal ikaw lang ang may karapatan na parusahan sila," naka-pout kong sabi. "Hindi pwede. Panauhin sila mula sa Jolo, Sulu. Mga muslim sila kaya mainam na iwasan na lang ang mga taong tulad nila kaysa humanap ng gulo." "So natatakot ka sa kanila? Sa mga muslim?" tanong ko. "Hindi. Ayoko lang na ibuhos ang galit sa kanila at pagkatapos ay buong Los Ultimo ang idadamay nila. Nakita mo naman kung paano sila gumawa ng eskandalo kanina sa palayan." sabagay tama ang sinabi niya. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa mataas na bahagi nitong lugar. Patag ang daanan, may mga damong maliliit at puno ang bawat gilid. Sa gitnang bahagi, bumungad sa 'min ang napakaraming tangke. Nakapwesto lang ito sa mataas na bahagi ng lupang mabato. Namangha rin ako sa mga nakikita kong pamuksa sa giyera. "Nandito tayo sa La Paz militar, kung saan nakapwesto ang mga tangke at iba pang kagamitan pang-giyera." hindi ko alam kung dapat ba 'kong mainis dahil sa mga nakikita kong tangke na mapanganib, o dapat na matuwa dahil ito ang unang beses na nakakita ako nito "Ginagamit niyo ba 'yan para sa pakikipaglaban?" kuryosidad kong tanong. "Mali ang 'yong iniisip. Ang mga tangke na nakikita mo ngayon ay galing pa sa Jolo, Sulu na binili ni Papa bago pa siya pumanaw sa giyera. 'Yon ay sa kagustuhan niya na mabawasan ang gamit pamuksa ng mga rebelde." For a good purposes naman pala. "So... binili 'yon ng Papa mo sa mga rebelde? Paano niya nabili 'yon kung kilala siya ng mga rebelde bilang kaaway nila?" pagtataka ko. "May kaibigan si Papa roon at siya ang nag-asikaso. Malaking halaga ang inilaan ni Papa para lamang mabili ang apat na tangke. Kung 'di mo maitatanong, kayang sirain ng isang tangke ang buong baryo. Kayang sirain ng dalawang tangke ang buong Los Ultimo," paliwanag niya dahilan para maunawaan ko kung bakit gano'n na lamang sya maghigpit sa mga tao rito. "Ibig sabihin ay hindi niyo gagamitin ang tangke na 'yan ever? Este kahit kailan?" "Oo, dahil kahit ang mga sundalong magiting ay hindi gustong makasakit lalo ang kapwa Pilipino. Proteksyon lamang ang dahilan kung bakit namin ginagawa ang pagpupulong at ensayo bilang paghahanda," ani niya na nagpatunay sa 'kin, kahit papaano'y nakitaan ko siya ng mabuti. "Umaasa akong sa araw na magkakaroon ng giyera o anumang gulo, sana'y wala ka na rito sa Los Ultimo," dagdag pa nito. May kung anong kirot tuloy sa dibdib akong naramdaman. Bigla na lang tuloy akong napaisip tungkol kina Mommy at Liezel. Isama pa si Mrs. Laurente. Tama ang sinabi niya. Napakadelikado nga sa lugar na 'to, higit pa sa inaakala ko. Kahahakbang namin sa paligid ay nakarating kami sa tapat ng tangke. Hindi ko lubos akalain na makikita ko ng harapan ang mga tangke na ito na kayang pumatay ng maraming tao. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Doon ay naging maayos naman ang usapan namin pero aminado akong may mga oras na hindi ko ma-imagine ang mga sinasabi niya tungkol sa kasaysayan nitong Los Ultimo. Hanggang sa makapagpasya na siyang umalis at ihatid na 'ko sa dormitoryo. Lumipas ang mahabang oras ay natapos din ang hapunan kaya naman hinatid niya 'ko sa 'king silid. "Gretha, matulog ka na. Huwag ka nang lalabas ng silid, nauunawaan mo ba 'ko?" nakatingin lamang siya ng seryoso sa 'kin habang ako ay nakasalampak na rito sa kama. "Oh yes, don't worry." "Kinakausap kita ng maayos." napakasuplado talaga nito. "Oo na hindi naman ako lalabas kaya kalma ka lang ah, Koronel Cielo?" paglilinaw ko at saka siya nginitian ng nakakaloko. Umiling naman siya at saka tuluyang lumabas ng kwarto. Minuto ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog. Muli kong naisip sina Mommy at Liezel. Ang buhay ko sa Manila na kakaiba sa hinaharap ko ngayon. Bukas ay talagang gagawa ako ng paraa para makausap sila. Sandali akong bumangon at sumilip sa bintana. p Pinagmamasdan ko ang mga bituwin. Maya-maya lang ay may kung anong tinig akong narinig. "Psst. Gretha..." mahina man ang boses ay dinig ko ito. Ibinaba ko ang aking tingin at doon ay nakita ko si Miran. "Gabi na ah, anong ginagawa mo rito?" pagtataka ko. "Halika rito, lumabas ka riyan." Ayoko na sanang lumabas dahil sinabihan ako ni Cielo na magpahinga na pero mapilit itong si Miran. Dahan-dahan akong bumaba at sa wakas ay nagtagumpay ako. "Gretha, halika samahan mo 'ko," salubong sa 'kin ni Miran. "Saan naman tayo pupunta?" "Basta sumama ka na lang. Sandali lang naman tayo roon." Sasama ba 'ko o hindi? "P-pero hindi na 'ko pwed—" Natigilan ako nang hilahin ako ni Miran. Wala akong nagawa kung hindi lumakad at sumunod sa kaniya. "Saan ba kasi tayo pupunta?" "Ano bang gagawin natin?" "Teka, saan ba tayo pupunta? Sagutin mo ang tanong ko." Paulit-ulit kong tanong pero parang wala siyang naririnig. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang bahay. "Diyan ka lang ah. Hintayin mo 'ko." magtatanong pa sana 'ko pero mabilis siyang tumakbo. Bitch! Matapos akong dalhin dito ay iiwan lang ako? "Nagagalak akong makita at makilala ka, Gretha. Nasabi kasi sa 'kin ni Miran na mabilis kang matuto sa mga gawain kaya naisip kong sa 'yo na lamang humingi ng pabor," boses mula sa 'king likuran at pagtingin ko ay isang babae na sa palagay ko ay na cuarenta años ang edad "Ano po bang maitutulong ko sa inyo?" pagtataka ko. "Halika muna, pumasok ka rito," nakangiti niyang pag-aaya sa 'kin. "Ay pasensya na po pero inaatay ko si Miran," nakangisi kong sagot. "Umuwi na siya. Ang sabi niya ay ako na ang bahala sa 'yo kaya halika na rito at baka mapano ka pa riyan sa labas." Seriously? Umalis si Miran na hind man lang nagsabi sa 'kin? Annoying b***h! Akala ko pa naman ay mabait. Iwan ere pala! Wala na 'kong nagawa kung hindi sumunod do'n sa matanda. Pagpasok sa loob ay nahagip agad ng paningin ko ang tatlong lalaki na nag-iinuman sa sala. Nang makita nila 'ko ay natigilan sila at ngumiti sa 'kin. Sa hiya ay agad akong umiwas. "Ako nga pala si Aling Sora. Pamangkin ko ang may ari ng panahian na si Ina," wika niya habang naglalakad. Hanggang sa makarating kami sa pangalawang palapag nitong bahay. Medyo may kalakihan ito. Bakit ba kasi ako nandito? Pagdating sa tapat ng isang kwarto ay agad niya itong binuksan. Tumambad sa 'kin ang magulong kwarto. Nakakalat ang mga gamit sa lapag at ang may mga piraso ng tela ang hindi nakaayos na nakapatong sa maliit na kama. "Gretha, pwede bang linisin mo lahat 'yan at ayusin? Tutal ay wala ka naman masyado ginawa ngayong araw at hindi mo naituloy ang pagbuburda kanina. Bilang tiya ni Ina sana ay sundin mo 'ko." isang ngiti ang pinakawalan nito. Iyong ngiti na mapanlinlang. Pero paano niya nalaman na hindi ko natapos ang pagbuburda kanina? "P-pero kailangan ko na po bumalik sa dormitoryo." "Shhh. Simulan mo na 'yan at may kailangan pa 'kong ayusin sa kabilang silid." napakunot noo na lang ako. Akmang susundan ko siya pero agad niyang isinara ang pinto. Ouch! May kung anong matulis na bagay na nakaukit sa pinto ang tumusok sa noo ko. May pako pala roon, hindi ko napansin. Nang hawakan ko ang gilid ng aking noo ko ay may bahid agad ng dugo. Ang hapdi. Wala akong nagawa kung hindi ayusin ang mga gamit dito sa loob kahit pa labag sa loob ko. Ang totoo ay pagod na 'ko at mahapdi ang gilid ng noo ko. Bigla na lang akong napaisip habang nakatitig sa bintanang nakasara. Kung tumakas kaya ako at tumalon sa roon? Argg! How could I ever do that? Baka ikapilay ko pa. All of sudden, na-imagine ko ang lungsod ng Manila. Kung nando'n lang ako ay paniguradong nag-pa-party lang ako. Hind katulad ng nararanasan kong pang-aalila sa 'kin ngayon dito. "Bakit ba kasi ako lumabas? Ayan tuloy!" "It's all your fault, Miran! You have to deal with me, b***h!" "Huhu, yari ako kay Cielo. Sana 'pag  balik ko ro'n ay wala pa siya." Paulit-ulit kong sinasambit sa hangin ang mga katagang iyon. Buti na lang ay hindi malayo itong bahay sa dormitoryo. Sandali kong pinulot ang telang na sa kama. Nagulantang ako nang bumukas ang bintana at iniluwal nito ang isang lalaking nakasuot ng white shirt. Pag-angat ng ulo niya ay natigilan ako. "K-koronel Cielo?" nauutal kong sabi. My goodness! Huli pero 'di kulong. Seryoso siyang tumingin sa 'kin. Bakit siya nandito? Akala ko ba'y kailangan siya sa Campo Militar? Patay na 'ko nito! Mukhang magkakaroon na naman kami ng bakbakan ng sundalong 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD