Kabanata 24. Kwintas

1376 Words
"Bakit mo 'ko tinakasan? Bakit ka nandito? Hindi ba sinabi kong magpahinga ka na?" sunud-sunod niyang sinabi na nakakunot-noo. 'Yan na naman ang nakakikilabot niyang tingin. "Sandali lang kitang iniwan sa silid, pagbalik ko ay wala ka na." Napalunok ako at halos hindi makagalaw sa mga sinabi niya. Sana pala ay sinunod ko siya. Sana pala ay pinakinggan ko ang payo niya. Hindi sana 'ko napadpad sa bahay na 'to, gagawin lang pala 'kong utusan. "Gretha, kinakausap kita. Bakit ba lagi ka na lang natutulala?" hindi ko namalayang nakatayo na pala ito sa harap ko. Bakit nga ba 'ko parating natutulala sa 'yo, Koronel Cielo? Sa sobrang hiya at walang masabi ay napayuko na lang ako. Hanggang sa magulat ako nang marahan niyang inangat ang ulo ko paharap sa kaniya. "Saan mo nakuha 'yan?" tanong niya na may halong pag-aalala habang nakatingin sa gilid ng noo ko. May sugat nga pala 'ko, ngayon ko lang naalala. "S-sorry este... paumanhin. Inaya kasi ako ni Miran dito at pagkatapos ay inutusan ako ni Aling Sor—" "Tinatanong ko kung saan mo nakuha 'yang sugat mo sa gilid ng noo. 'Yong totoong sagot ang gusto kong marinig." hindi man lang niya 'ko pinatapos magsalita. "Ahh kanina natamaan ako sa pinto na may pako," sagot ko. Agad akong hinila ni Cielo palabas ng kwarto at sabay na bumaba. "Koronel Cielo, buti naparito ka," bati ng isang manginginom. "Manahimik! Itigil niyo 'yang pag-inom ngayon din bago ko tuluyang basagin lahat ng bote sa harap ninyo!" sigaw ni Ciel kasabay ng nakakikilabot niyang tingin. "P-pero Koronel Cielo, nagkakatuwaan lang kami. Hindi naman kami nagdudulot ng ingay at kaguluhan sa mga kapit-bahay," katuwiran pa ng isa. "Sinusuway mo ba 'ko?" nakakatakot na naman ang aura niya. "H'wag niyong hintayin na pati ang pag-inom ng lambanog sa ganitong oras ay ipagbawal ko rin. Bilang isang koronel, inuutusan ko kayong lahat na umuwi sa kani-kaniyang bahay ninyo. Alis!" "Anong ingay ang nagagana—" natigilan si Aling Sora nang makita niya si Cielo sa tabi ko. "Ikaw, Aling Sora, hindi mo dapat inaasa sa ibang tao ang responsibilidad mo. Sa susunod na maulit pa 'to ay 'di ako magdadalawang isip na ipadala ka sa Baryo Bistar," wika ni Cielo kasabay ng tingin niyang nagbabadyang manakit. "P-patawarin niyo po ako sa ginawa ko, K-koronel Cielo... h-hindi na po mauulit." Tumingin sa 'kin si Aling Sora at saka siya yumuko. Hanggang sa hinila na 'ko ni Cielo palabas ng bahay na 'yon. Binitawan niya agad ako at doon ay nagsimula na kaming maglakad. "Umakyat ka pa talaga ng bintana p-para lang puntahan ako?" tanong ko. "Oo," matipid niyang sagot. Sandali akong natigilan sa paglalakad. "Koronel Cielo?" pagtawag ko sa kanya dahilan para mapalingon siya sa 'kin. "Salamat, kasi kung 'di ka dumating ay baka hanggang ngayon ay ginagawa akong utusan sa bahay na 'yon." Lumakad siya ng kaunti at lumapit sa 'kin. "Ngayon alam mo na kung bakit ayokong lumabas ka ng ganitong oras. Huwag mo sana isipin na ipinagkakait ko ang kaligayahan mo, Gretha. Gusto ko lang na maging maayos ang lagay mo hanggang sa makaalis ka na rito. Mas nanaisin ko pa na makarinig ng masasakit na salita mula sa 'yo kahit pa walang katotohanan, kaysa matuwa ka sa 'kin dahil pinayagan kita na umalis kahit alam kong delikado." "Paano mo nalaman na pinagsasalitaan kita ng masasakit na salita?" pagtataka ko. "Alam kong kinamumuhian mo 'ko sa tuwing sinesermonan o dinidiktahan kita kaya alam ko rin na may sinasabi ka sa isip mo. Lahat ng masakit na salita na gusto mong sabihin, malaya kang banggitin. Tatanggapin ko 'yon, 'wag ka lang umalis. Nauunawaan mo ba 'ko?" halos balutin ako ng makapal na hangin nang sabihin niya 'yon, isama pa ang patago kong ngiti dahil naramdaman ko na kahit papaano'y may pakialam siya sa 'kin. "Hindi mo na kailangan pang makatanggap ng masakit na salita mula sa 'kin. Wala na 'kong ibang susundin. Ikaw lang, Koronel Cielo." ngumiti ako sa kanya, pero bakit gano'n? Hindi man lang niya 'ko nginitian pabalik Muli siyang tumalikod sa 'kin. "Tara na," pag-aaya niya. Cielo Kasalukuyan kaming naglalakad ni Gretha pabalik sa dormitoryo. Natigilan ako nang makita ang dalawa kong kapwa militar. Pinigilan ko si Gretha sa paglalakad dahilan para magtaka siya. Sinenyasan ko naman ito na 'wag maingay. Sandali ko siyang hinila sa likod nitong malaking puno na na sa gilid namin at doon ay nagtago kami. "Saan ba pumunta si Koronel Cielo?" "Hindi ko rin alam. May nakapagsabing galing siya sa bahay ni Aling Sora pagkatapos ay mainit ang ulo kaya't pinatigil niya sa pag-inom sina Gajo, Berto at Jomar." "Palagi naman mainit ang ulo ng Koronel, sabihin na lamang natin sa lahat na hindi natin siya mahanap." "Mabuti pa nga ay bumalik na tayo sa Campo Militar, naghihintay na si Heneral Albino." Tuluyang nang umalis ang dalawa 'kong kapwa sundalo. Hanggang sa makalayo sila ay doon lamang ako nakahinga ng malalim. "Ikaw ah! Bakit ba kasi hindi ka pa bumalik do'n? Lagot ka sa heneral niyo may usapan ata kayo tapos ikaw pagala-gala ngayon," saan ni Gretha. "Magdahan-dahan ka nga sa sinasabi mo. Baka nakalimutan mong kung hindi pa kita pinuntahan ay baka hindi ka makalalabas ngayon. Isa pa, 'wag mong babanggitin sa 'kin ang Heneral na 'yon dahil wala akong kinatatakutan," tugon ko at saka siya tinalikuran. Wala akong ibang paraan na magawa kung hindi samahan ang babae na 'to sa Ilog La Paz dahil doon lang kami maaring magtungo na walang makakakita sa 'min. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato ko sa kaniya, samantalang siya lang kaisa-isang babae rito na pasaway at ilang beses nilalabag ang sarili kong batas o anumang patakaran dito sa Los Ultimo. Aminin ko man o hindi pero ang bawat ngiti niya sa 'kin, ang mga tingin niya ay para bang may mahika na nagdudulot ng kakaibang kaba at pagpintig ng puso ko. Gretha Magkatabi kaming nakatayo ngayon ni Cielo sa tabing ilog. Tanging lampara lang na hawak ni Cielo ang nagbibigay sa 'min ng liwanag. Kagaya noong unang punta ko rito, hindi kumukupas ang ganda ng waling-waling. Isama pa ang preskong hangin at payapang paligid. "Wala ka bang band aid diyan? Este pantapal sa may gilid ng noo ko," tanong ko. Naramdam ko kasing mahapdi pa rin ito. "Gretha, hindi mo dapat lagyan o tapalan ng kung ano ang sugat kapag dumudugo pa." Wow double meaning 'yon ah. "Koronel Cielo mali ka. Paano kung mainfection 'tong noo ko? Wala namang hospital dito o doktor na kasing galing ng mga taga Manila." Hindi niya 'ko sinagot bagkus umiling siya. "So anong gagawn natin dito? Hindi ka na ba babalik sa Campo Militar?" "Ikaw ang umubos ng oras ko, kaya 'wag kang magreklamo." Bipolar talaga 'tong sundalo na 'to kahit kailan. Sandaling namayani ang katahimikan ngunit ilang sandali pa ay nagsalita ito na ikinagulat ko. "Gretha, bago tayo bumalik sa dormitoryo ay may ibibigay ako sa 'yo." Napatingin ako sa kaniya habang kinukuha ang kung ano mang bagay sa bulsa niya. Hanggang sa makita ko ang isang kwintas sa kaniyang palad. Ginto kaya 'yon? "Isuot mo" walang emosyon niyang sinabi. Hindi ko hilig ang fake jewelry, ayoko rin sa class A. Kahit pa silver ito ay hindi ako tumatanggap dahil maarte ako sa alahas. Purong ginto ang lagi kong binibili. Pero bakit ganito? Nang makita ko ang kwintas na inilabas niya ay nagbago ang ihip ng mundo. Kahit hindi ako sigurado kung ginto ba 'yon o hindi ay para bang natuwa ako na ewan. Kinuha ko ang kwintas sa kamay niya. "Pwedeng ilapit mo 'yang lampara, gusto kong makita ng malapitan," pakiwari ko. Inilapit niya ang lampara at doon ay nasilayan ko ang pendant ng kwintas ay waling-waling na bulaklak ang disenyo. Just wow! Inikot ko ang pendant pars tingnan ang likod. Laking gulat nang mabasa kung anong nakaukit dito Gretha. Ang pangalan ko ay inukit niya sa kwintas na 'to? Seriously? Sa kabila ng pagtrato niya sa 'kin ay 'di ko lubos akalain na makatatanggap ako ng isang bagay mula sa kaniya. "Bilang isang Koronel, inuutusan kita na ingatan ang kwintas na 'yan. Hindi ako magdadalawang isip na parusahan ka sa oras na malaman kong sinira o ipinamigay mo 'yan." Why are you doing this to me, Cielo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD