Article 1 - Section 24

1206 Words
“Good morning doc! Nasa loob na po si Prosecutor.” Bati ni Russel pagkarating ko sa opisina ni Achi. “Thanks. Here, have some coffee.” Ani ko habang pinapatong ang kapeng binili ko sa malapit na coffee shop. “Thank you doc!” Rinig kong pahabol niya habang binubuksan ko ang pintuan gamit ang kaliwang kamay dahil hawak ko ang supot ng breakfast na binili ko para kay Achi sa kabila. Pagkapasok ko ay agad siyang nag-angat ng tingin mula sa mga papeles na hawak niya. Mula sa mukha ko ay lumipat ang tingin niya sa supot na dala ko. Parang gusto ko tuloy itago na lang 'yon. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ko siya binilhan nito. Basta lang nung madaanan ko ang coffeeshop ay naalala ko yung sinabi niyang wala na siyang oras para makakain ng almusal, and then I just found myself ordering his favorite breakfast. “What’s that?” tanong niya sabay tayo at lakad palapit sakin. “Uhmm, breakfast?” alangan kong sagot sa kanya. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. “Hindi ka pa kumakain? Anong oras na ha?” sagot niya sabay ng sandaling pagsulyap sa kanyang orasan. “It’s not mine.” Tahimik kong sagot na bahagyang nag-palaki ng mga mata niya. “Then…” he said letting me finish his words. “Yes, it’s yours.” Sagot ko nalang at inabot sa kanya ang supot. He eyed the supot for a while before taking it with a smile. “Thanks.” He said. “Sige. Kain ka muna. Ako na bahalang mag-arrange ng papers na dadalhin natin.” Sagot ko sa kanya sabay patong ng dark blue purse ko sa coffee table ng opisina niya at inumpisahan ng ayusin ang mga kakailanganin naming files. Babalikan kasi namin si Pauline for another set of interrogation. We needed to review this crime reports first para naman mapansin namin kung consistent ba o hindi yung statements ng suspect. Dumiretso naman siya sa table niya para kumain. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin, but that was enough to see him stare at the food pack with longing. I just shook my head and continued doing my thing. Mukhang nag-umpisa na rin siyang kumain dahil naririnig ko ang mahihinang kaluskos dulot ng plastic na kutsara at tinidor. Tahimik ang buong opisina niya, tanging tunog ng kanyang kubyertos at mga papel lang ang maririnig. Kaya naman ng tumunog ang cellphone ko ay umalingaw-ngaw iyon sa buong silid. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin bago sinagot ang tawag ni Tiffany. “Feb!” agad akong kinabahan ng marinig ang mangiyak-ngiyak na boses ni Tiffany sa kabilang linya. “Hello, Tif?” “Feb! God! We're going to the hospital, Eliza passed out!” napatayo ako nang marinig ko ang nangyari sa anak. “What? Bakit? Anong nangyari?” aligaga kong tanong. Pabalik balik na ang lakad ko sa sobrang kaba. “I don’t know! s**t! I’m sorry! Jake drive faster!” rinig ko rin ang panic sa boses ng kaibigan ko. Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Tiffany dahil sa sobrang pag-aalala, naluluha ko na lang na sinabing isend na lang sakin ang address ng ospital para mapuntahan ko. Binaba ko na ang tawag at kinuha ang purse na nakapatong sa table. Palabas na sana ako ng bigla kong marinig ang boses ni Achi. “Where are you going? We have an appointment.” Ani niya sa matigas na boses. “I’m sorry. May emergency lang.” nagmamadali kong paalam at akmang bubuksan na ang pinto ng agad siyang lumapit at isinara iyong muli gamit ang isang kamay. “Our appointment is prior to that.” Madilim ang mukha niya ng sabihin niya yun pero wala na akong pakialam. Kailangan ako ng anak ko ngayon. “Achilles, please. I need to go.” Pagmamakaawa ko. “Where are you going? May importante tayo—” “My daughter needs me! Mas importante yun sakin!” sigaw ko sakanya. Tumutulo na rin ang luha ko sa sobrang kaba. “Please lang, Achilles! Kailangan kong puntahan ang anak ko.” Pahina ng pahina ang boses ko dala ng pag-iyak. He silently stared at me for a moment, before getting out of my way. Akala ko ay hahayaan niya na akong umalis pero hinablot niya lang ang susi ng sasakyan niya sa lamesa niya bago ako inalalayan palabas ng opisina niya. “Russ, please cancel my appointments for today. Paki sabi emergency. Salamat.” Nagmamadali niyang paalam sa secretary niya bago ako iginaya palabas ng Prosecutor’s Office. “You don’t need to come with me.” Ani ko ng marealize na sasama siya. “You can’t drive like that.” Sagot niya at bahagyang tinignan ang mga kamay ko na bahagyang nanginginig. Tumahimik na lamang ako dahil tama naman siya. Baka maaksidente pa ako kung ipipilit ko. Pagkapasok sa sasakyan niya ay agad kong pinakita sa kanya ang text ni Tiffany na nagsasabi kung saang hospital nila dinala si Eliza. Tahimik kami habang bumabyahe. “Are you--- are you-“ napatingin ako sakanya ng basagin niya ang katahimikan. “Are you--- when you went away are you—” nangunot ang noo ko habang pinapanood siyang hirap na hirap tapusin ang gustong sabihin. Sandali siyang tumigil sa pagsubok at kinagat ang pang ilalim na labi. Akala ko ay hindi na niya itutuloy pa ang sasabihin pero nagulat ako sa sunod niyang itinanong. “Were you pregnant when you left?” mabilis ang pagkakatanong niya pero naintindihan ko naman kaya agad na namilog ang mga mata ko. “What? Of course not!” agad kong tanggi dahil parang naintindihan na ang ideyang nabuo sa isip niya. Did he think Eliza was his daughter? Gustong kong matawa pero pinigil ang sarili ng makita kong nag dilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. “So, may iba na pala.” He said in a low voice nakita ko ang paglipat ng tingin niya kung saan sa cupboard bago iyon bumalik sa kalsada. Hindi na ako nag abala pang klaruhin ang iniisip niya. So what if he thinks that I’m seeing someone? Pagkarating sa ospital ay agad kong tinawagan si Tiffany para tanungin kong nasaan sila. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang nailipat na si Eliza sa private room. Pagkapasok namin sa private room ay gulat at pagtataka ang tingin na ibinigay ni Tiffany sakin ng makitang nakasunod si Achi saking likuran. “Kuya Achi, long time no see.” Bati niya kahit nakasunod sakin ang tingin. I rolled my eyes on her at dumiretso na lang sa tabi ng kama ni Eliza. She was still unconscious. Lumingon ako para sana tanungin si Tiffany kung ano ang nangyari ngunit ang mga nagtatanong na mata ni Achi ang sumalubong sakin. Naglakad siya palapit sa kama at bahagyang tinitigan ang mukha ng bata bago ito bumalik sakin. I didn’t know whether I should laugh or what ng makita ko ang pagdaan ng relief sa mukha niya. “How old is she?” tanong niya sabay bahagyang umupo sa may paanan ng kama. “She’s six.” Sagot ko at inipit ang buhok na tumatabon sa mukha ng bata sa likod ng tenga nito. “Since when did you have her?” he asked curiously. Sandali akong natahimik, hindi ko alam kung tama bang sagutin siya because it might just open old wounds. But when he turned his head to look at me, waiting for my answer, I gave out an exasperated sigh. “A few months before I left.” Sagot ko habang iniiwas ang tingin sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa, naririnig ko ang mahinang pag-uusap nina Jake at Tiffany kung saan. “Why did you left anyway?” tanong niya na dahilan ng marahas na paglingon ko sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga pero nakadirekta lang ang tingin niya sa balikat ni Eliza? “s**t!” hindi ko napigilang mura ng marealize na hindi siya sa bata nakatingin kundi sa daliri kong nakapatong sa balikat ni Eliza. Sa daliri kong suot ang engagement ring na bigay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD