Pauline's eyes widened when she realized what she had said.
“Let’s call it a day. Thank you for your cooperation.” Nakangiti kong paalam sa kanya.
I decided not to pry deeper now. Narealized na niyang mali ang naging sagot niya, wala rin akong matinong sagot na makukuha kahit ituloy ko pa ang pagtatanong since she would be on-guard already.
“You’re one hell of psychiatrist!” Manghang saad ni Achilles habang naglalakad kami palabas.
“That’s easy because that was the first time she saw me. Sa susunod, magiging mahirap na since magiging maiingat na siya sa mga gagawin at sasabihin niya.” Paliwanag ko habang papalapit na kami sa sasakyan.
Akmang bubuksan na niya ang passenger's seat para sakin ng marinig naming may tumatawag sa pangalan niya.
Sabay kaming lumingon at nakita ang isang babaeng nakangiting tumatakbo papunta samin.
“Achilles!” tuwang tuwa niyang bati. Medyo natatabunan ako ni Achi kaya naman hindi niya agad ako nakita.
“Ate Arci.” Bati ko ng nakangiti. Napatabon siya ng bibig ng tuluyan akong makilala.
“Febe?! Oh my God! I missed you!” she said and hugged me.
“Ang tagal na nating hindi nagkita!” saad niya bago nagpalipat lipat ang tingin sakin at kay Achi.
“Gosh! Congratulations!” nangunot ang noo ko sa biglaang pagbati niya.
“Congratulations? Para saan ate?” taka kong tanong.
“For getting back together! You know what Achi was so---”
“No! Ate, no! Hindi po!” putol ko sa mga sinasabi niya.
Siya naman ang nalito dahil sa naging reaksiyon ko. Lumipat ang tingin niya mula sakin papunta kay Achi na tahimik lang na nakasandal sa kotse niya.
Nang mapansin ang tingin ng kaibigan sa kanya ay umayos ng tayo at isinilid ang mga kamay sa magkabilang bulsa.
“We're not together.” Parang napipilitan nitong saad.
“Hindi pa kayo nagkakabalikan?” tanong niya agad ko namang sinagot ng iling.
“Hindi na ate.” Determinado kong saad. Naramdaman ko naman ang tingin ni Achi sakin pero isinawalang bahala ko na lang at nagkunwaring hindi iyon napapansin.
“Pano ba yan Achi, hindi na daw.” pang-aasar nito sa kaibigan habang natatawang tinapik tapik si Achi sa balikat.
Awkward lang akong nakangiti habang pinapanood siyang asarin si Achilles na nakasimangot na.
“Attorney Alarcon!” agad namang liningon ni Ate Arci ang tumawag sa kanya.
Agad na nabura ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng pagka-irita.
Muntik na kong matawa ng agad niyang sungitan ang lalaki ng tuluyan na itong makalapit samin.
“I have something to discuss with you.” Ani ng lalaki na mukha ring abogado.
Ate Arci scowled before she faced us with a half-smile.
“I need to go na. Feb, catch up tayo soon.” She said and kissed my cheeks. Bahagya niyang tinapik muli ang balikat ni Achi at may binulong rito.
I saw how the man's expression changed upon seeing that. Napangiti ako dahil doon.
Mukhang malapit ng magka-lovelife si Ate Arci.
Nagmamadaling nagpaalam si Ate Arci samin ng tumalikod na ang lalaki at nauna ng maglakad palayo.
Pinanood muna naming habulin ni Ate Arci yung lalaki bago kami tuluyang sumakay ng sasakyan.
“Balik na tayo ng PO?” tanong ko.
“No, let’s have lunch first.” Ani niya habang nag-dadrive.
“No. Diretso na tayo sa office.” Utos ko.
“It's already 2:30 Febe. I have a scheduled hearing at 3, I won't have time to eat lunch kung didiretso pa tayo sa office.” He explained.
Napa-isip naman ako sa sinabi niya at naisip na may point siya. Naalala kong nasabi nga ni Russel na may hearing siya at 3 pm.
“I haven’t eaten breakfast too. I'm starving.” Dagdag niya pa.
Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa narinig.
“Hindi ka na nagbre-breakfast?” tanong ko. When we were together I used to prepare him heavy breakfast since he likes eating rice in the morning. Ani niya ay mas productive ang araw niya kung busog siya.
“Don’t have time to cook. Yung nagluluto kasi nung breakfast ko dati, iniwan ako.” Natigilan ako sa huling sinabi niya.
Was he referring to me?
“Let's just eat fast-food. Malalate kana sa hearing mo.” Sabi ko na lang at inabala na ang sarili sa pag-tingin sa bintana.
“Mama! Can I come?” Eliza ask when she saw me all dress up in my working attire.
“No baby. Hindi sa hospital ang punta ko.” Ani ko habang naghahanap ng hikaw na babagay sa maroon suit and pants ko.
Natigilan ako ng makita ang isang pamilyar na singsing sa jewelry box.
Kinuha ko ito at tinitigan.
“Mama?” nabalik lang ako sa wisyo ng makita ang kamay ni Eliza sa harap ng mukha ko.
“Sorry, anak. What is it?” sabi ko pagkatapos ibalik ang singsing sa jewelry box at kinandong si Eliza.
“Dada called earlier. He said he’ll be here next week!” excited nitong saad sakin.
Nasabi nga rin ni Chester iyon. Natapos na raw ang mission niya doon kaya itong Torres case naman ang pagtutuonan ng pansin.
“Really?” I asked, asking like I didn’t know about it.
“Yes. And he promised me that we would go to---what was that again?” I stared at her adorable face trying to remember what she had talked about with her dada.
“Oh! Enchanted Kingdom!” she exclaimed when she finally recalled the place.
“I've been there before and I can guarantee you that it would be fun.”
“Really?” excited niyang tanong.
“Yep. But for now, change your clothes na, I'll drop you off to Jaydon's house.” Sabi ko sa kanya at nanggigigil na kinurot ang tungki ng ilong niya.
Humahagikhik naman siyang umalis sa pagkakakalong sakin para magbihis.
Nakangiti ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa walk-in closet. Umikot akong muli paharap sa vanity mirror para tapusin na ang pag-aayos ng muling mahagip ng tingin ang jewelry box.
Agad namang nabura ang ngiti sa mga labi ko ng makitang muli ang singsing.
Sandali kong binalingan ang pinto ng closet bago ko kinuha ang rose gold na engagement ring sa box and examined it.
The ring has a 2 karat diamond on top, the band was simple but filled with tiny pieces of diamonds as well.
I remembered how happy I was when I received this. How happy he looked when I said yes to his proposal.
Now, it feels so foreign seeing it again in my hands.
“Mama!” rinig kong tawag ni Eliza mula sa closet sa pagmamadali ay nadala ko ang singsing at narealize lang iyon ng itatali ko na sana ang ribbon sa damit ng bata.
Para matali ng maayos ay isinuot ko muna ang singsing sa daliri ko.
Huhubarin ko na lang mamaya bago umalis.