Article 1-Section 14

1329 Words
"Doc, makakapag-salita pa po ba siya?" I gave a sweet and reassuring smile sa nag-aalalang tanong ng nanay ng isa sa mga pasyente ko para sa araw na ito. "Yes, mommy. There are numerous cases like Jiro's naman and ninety percent ng patients ang recovery rate with the help of medications, therapies, and of course patience and love from their families." I said and stared at the drawing I asked the kid to do earlier. Jiro, at first draw three people, which seems to be him, his mom and his dad. But hindi pa nakukompleto ang drawing niya ay agad na niyang tinabunan ng itim na kulay ang pigurang sumisimbolo sa kanyang ama. His father is a drunkard who beats him and his mother every time he was under the influence of alcohol. Lately lang talaga nagkaroon ng lakas ng loob ang nanay niya to file a lawsuit against her husband who was immediately sent to jail. Unfortunately, masyado nang naging malaki ang traumang nadulot nito kay Jiro, at the age of eleven, Jiro refuses to speak. Ang sabi ng kanyang ina ay inakala nilang mute ang bata pero ng bigla itong magsalita isang beses habang sinasaktan ng ama ay agad silang kumonsulta sa doctor. "Hang in there, Jiro. You'll get through this." Pang-checheer up ko sa bata bago bahagyang ginulo ang kanyang buhok at hinatid na sila ng kanyang ina sa pintuan ng opisina ko. "Where are you?" bungad ni Kuya Forbes sakin pagkasagot ko ng tawag niya. "Hello too, Kuya." Sarcastic kong saad habang inaayos ang files ng patients ko sa drawer. "Nasan ka nga?" nangunot ang noo ko ng mapansing may kakaiba sa boses ni Kuya. "Nasa hospital. Why? What's wrong?" tanong ko na hindi niya naman binigyang pansin at imbes ay tinanong na lang kong anong oras ang out ko. Sandali kong sinulyapan ang wall-clock sa opisina at ng makitang mag-aalas dos palang ay napabuga ako ng hangin. "Maybe mga around five pa. I have patients coming pa. Why? What's wrong?" nag-aalala kong tanong sakanya ngunit tulad ng una kong mga tanong ay nagbingi-bingihan lang siya roon. "I'll fetch you later. Wait for me." Yun lang ang sinabi niya bago tuluyang binaba ang tawag. I was bothered the whole day, pinipilit kong ibaling ang atensyon sa mga pasyente ko but my mind just keeps on going back to my brother's strange tone during the phone call. "Doc! Doc! Emergency! Si Eliza po!" nabalik lang ako sa wisyo ng nagmamadaling pumasok sa opisina ko si Nurse Sally. Agad-agad akong tumayo at pinuntahan si Eliza sa ward. Malayo pa ko ay naririnig ko na ang palahaw ng iyak ng isang bata. Biglang pinuno ng awa ang puso ko ng marinig ko kung gaano nahihirapan ang bata. Agad akong tumakbo papalapit sa mga nurse na pilit na pinapakalma ang nagwawalang si Eliza. Napailing naman ako ng makitang may hawak na syringe ang mga ito. "Take that away from here!" sigaw ko sa mga ito at tuluyan ng nilapitan ang batang nakatutok ang mga mata doon na punong puno ng takot. "It's okay Eliza. It's okay. Wala na. See pinalabas ko na sila, di ka nila sasaktan okay?" Pang-aalo ko sa bata habang hinahaplos haplos ang likuran nito. Kasabay ng pagsinghap ng mga nurse sa kwarto ay ang pamimilog ng mga mata ko. "Mama! Ayaw!" umiiyak na saad nito sabay ng pagpapalibot ng mga braso nito sa leeg ko at nagpabuhat. Ilang minuto ang lumipas bago ko tuluyang nacompose ang sarili at niyakap ang batang nakakunyapit sa leeg ko. Lalapit na sana si Nurse Sally para kuhanin ang bata ng senyasan ko itong lumayo muna bago ko tuluyang kinarga ang bata. "Hmmm? Ayaw mo nun? Anong ayaw mo?" pang-aalo kong muli sa bata habang marahan ng hinahaplos ang buhok nito. "Bad!" "Ayaw mo sa bad? Wala namang bad dito, Eliza." marahan kong kausap sa bata bago siya sinubukang ilapag sa kama niya. "Ayaw!" Eliza exclaimed and tightened her hold on me, agad akong lumayo sa kama at sinubukang maglakad sa labas ng ward. Naramdaman kong nakasunod parin ang ilang nurses sa amin. Dinala kami ng mga paa ko sa garden ng ospital. Lumapit ako sa isang bench doon at sinenyasan ang mga nurse na umalis na muna, agad naman silang tumango at bumalik sa kanya kanyang trabaho. Umupo ako sa bench habang karga pa rin ang bata. "Eliza, lakad tayo?" alok ko sa bata na kanina pa tahimik. "Samahan ako mama?" she innocently asked and showed me her face. Gusto ko sanang itama ang tawag niya sakin but when I saw how puffed her eyes are from crying, I realized that it wasn't a wise move for now. The kid now is in a vulnerable state. "Oo naman." nakangiti kong sagot. Tinitigan niya muna ako bago sinubukang ngumiti at tumango sakin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at binaba siya sa bench upang isuot sa kanya ang slippers na dinala ng mga nurses kanina. "Tara na?" Aya ko sa kanya sabay dinaho ang mga palad ko, if she took it, there is a bigger chance of recovery sa kanya, this would be a great breakthrough in her case. But if she didn't, then I have to work harder. She stared a while at the hand I was offering before she raised her head to look at me. She gave me a weak smile before she took my hand. "Tara walk, mama." she cutely said as I help her get down from the bench. I nodded at her and gave her a smile. "Kuya, really, what's wrong?" tanong ko habang bumabyahe kami pauwi. Kanina pa ko tanong ng tanong ngunit hindi talaga niya ko sinasagot, tahimik lang siyang nagmamaneho. "You'll know later." maikli niyang sagot ng akalain kong hindi na naman niya ako papansinin. Tahimik ko siyang pinagmasdan ng ilang minuto before I was able to convince myself that he would not talk about it now. Inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa bintana, buong byahe. Nang makarating kami sa bahay ay inutusan niya akong magbihis na muna at magdidinner na raw kami. Habang nasa kwarto at inaayos ang sarili ay hindi ko mapigilan ang mapa-isip sa mga ikinikilos ng kapatid. What's wrong with him? Pagkababa ko ay nakasalubong ko ang kakapasok lang na si Kuya Achi. "Why are you here?" tanong ko sa kanya habang papunta kami sa dining. "Bawal?" tanong niya habang nakataas ang kilay habang may mapang-asar na ngiti sa labi. "May sinabi ako?" pagtataray ko bago naunang maglakad papasok ng dining room namin kung saan nakaupo na si Kuya. He was blankly staring at the food on the table na para bang napakainteresting noon. I took my seat and maya maya lang ay pumasok na rin si Achi at umupo sa harap ko. Nasa kabisera naman si Kuya. "Let's eat first." Anunsiyo niya bago tahimik na nag-umpisang kumain. Nagkatinginan kami ni Achi dahil doon at sabay na napakibit balikat bago rin tuluyang bigyang pansin ang pagkain. For the first time, the dinner between us three was so awkward and full of tension. Hindi ko alam kung bakit ganoon, kahit naman magkaaway sila noon ay hindi ganito kalakas ang tensyon. After eating, Kuya brought us to his study. Para kaming mga batang dinala sa principal's office ni Achi., tahimik lang naming pinapanood si Kuya na tahimik ring nakatingin samin. "Febe." I jumped on my seat when I heard my brother called my name. "Y-yes, Kuya?" "This would be the last time I'm going to ask nicely." he stared at me expressionless, but his jaw is tightening already, making him look so mad. "Do you have a boyfriend?" nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa tanong niya. "Kuya, sinabi ko naman na sayong wala diba?" kunot ang noong sagot ko sa kanya. "Wala?" Ulit niya ng nakataas ang isang kilay na tila ba nanghahamon. "Wala! How can I find a man kung bantay sarado niyo ako ni---" "Exactly! Febe. Exactly! How can you find a man if I was all over you and your Kuya Achi as well, right?" paulit ulit akong napakurap, hindi maintindihan ang nais niyang iparating. "What do you mean, Forbes?" malalim ang boses na tanong ni Achi. Agad naman siyang binalingan ni Kuya at binigyang ng sarkastikong ngiti. "I mean, this." my brother said as he tossed tons of pictures on his table. Agad akong nanlamig at namutla sa nakita. H-how?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD