Article 1 - Section 16

1007 Words
“We’ll see you soon on Manila?” Tita Tracy asked while she was playing with Eliza sa backseat ng sasakyan. Papunta na kaming airport para ihatid sila ni Tito. They stayed in Florida for about two weeks and just decided to come home ng malaman nilang kumuha rin ako ng ticket para samin ni Eliza. “Yes, tita. Aayusin ko po muna yung sa school ni Eliza and yung sa clinic before we go.”sagot ko habang nasa daan ang tingin. “Are you staying for good, hija?” Tito Arnold who was seated on the passenger seat beside me asked. Sandali ko lang siyang tiningnan at inilingan bago ko ibinalik ang tingin sa daan. “I don’t think so, Tito. Mas sanay si Eliza dito.” “But she would like it there too!” singit naman ni Tita. Hindi na lang ako sumagot at ipinagkibit balikat na lang ang sinabi nila. “Babye Lola, Lolo!” paalam ni Eliza habang kumakaway sa eroplanong kakalipad lang na para bang maririnig iyon nina Tita. “Tara na, baby?” nakangiti kong aya sa kanya na agad naman niyang tinanguan. We’ll stop by muna sa clinic para ayusin ang mga trabahong maiiwan ko pag umuwi kami ng Pilipinas. “Dada!” tuwang tuwang saad ni Eliza bago binitiwan ang kamay ko at tumakbo papunta sa lalaking nakangiting sumalubong sa kanya sa entrance ng clinic. Bahagya namang yumukod si Chester para masalo niya ang tumatakbong bata, nang tuluyan ng makalapit ang bata ay agad niya itong kinarga at hinalikan sa pisngi. “Hi, baby!” bati nito sa bata, bago ako binalingan. Nakangiti akong napailing habang pinapanuod ang dalawa. I met Chester because of a patient. He’s working with the Interpol, dinala niya sa clinic ang isa sa mga batang naligtas nila sa isang human trafficking case. And that’s where our friendship started. Close din si Eliza sakanya dahil natural talaga siyang mahilig sa bata. “Dada, you don’t have work today?” tanong ni Eliza habang karga karga siya ni Chester papasok ng opisina ko. “No, baby. Dada’s free today, until next week.” sagot nito sa bata. Agad namang nagpout ang bata sa narinig. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-aayos ng patient’s charts na ipapasa ko muna sa ibang doctor. Pero nakikinig parin ako sa pag-uusap ng dalawa na kasalukuyang naka-upo sa sofa. “But were not here next week!” reklamo ng bata. Naramdaman ko namang nakatingin sakin si Chester kaya naman nag-angat ako ng tingin upang salubungin ang kanya. “Where are you going next week?” tanong niya. “Me! Me! I know where Dada!” singit ng bata na tinawanan nalang namin. “Okay baby. San kayo pupunta ni mama?” Tanong ni Chester, sandal akong natawa sa accent ng pagtatagalog niya. “We’re going back to the Philippines!” excited nitong saad sa kausap habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Agad naman akong binalingan ni Chester. “Really? Why are you going back?” “My friend’s getting married.” sagot ko bago binalingan ang chart na hawak ko at bumalik sa pagsasa-ayos ng mga files. “Wow! I’m going there, too.” napabaling naman ako ng tingin dahil sa narinig. “Why?” nag tataka kong tanong. “I got assigned to investigate a serial case there.” saad niya habang nakikipaglaro kay Eliza. “Really? Kailan ang flight mo?” “Next next week. How ‘bout you?” tanong niya habang sandali akong sinulyapan bago ibinalik ang atensyon sa pakikipaglaro sa anak ko. “Next week na. Just give me a call, sunduin ka namin ni Eliza sa airport.” sabi ko na lang bago inipon ang mga naayos ko na charts at files para dalhin sa nurse station.       “Mama, can I bring Elsa?” tanong ni Eliza habang nag-iimpake kami ng gamit, the night before our flight. “Of course baby.” sagot ko habang abala parin sa pag-lalagay ng mga gamit namin sa maleta. Tumayo ako sandali upang kumuha ng iilang hygiene products na kakailanganin namin ni Eliza. “Mama, how long would we stay there?” “I don’t know baby. But we’ll be back soon. Why?” “Nothing. I just think I’ll be missing my friends and playmates here.” nakapout nitong sagot habang nilalaro ang manikang bigay nina Tita Tracy. Napangiti naman ako at pansamantalang iniwan ang mga gamit na inaayos para lapitan siya sa kama. “You can make friends in the Philippines too. Diba friend mo naman si Jaydon?” tukoy ko sa anak ni Tiffany at Jake. “Right.” parang napipilitan niyang sagot na nakapag patawa sakin. Ginulo ko ang buhok niya at bahagyang hinalikan ang bunbunan niya pagkatapos. “Pupunta rin tayo sa hospital na dati kong pinagtratrabahuhan.” saad ko na nag-paangat ng tingin niya. Eliza had a blurry memory of what happened to her before me, and before she completely recovered. However, I never tried to hide it from her, I told her stories about it from time to time so that she can remember it. Makakabuti rin sa kanya yun, hindi ko man hinihiling ngunit pag dumating ang panahon na masasaktan siyang muli, maaalala niya ang mga hirap na napag-daanan niya mula pagkabata. Sometimes the thing that breaks us, can make us stronger. “I’m going to meet the nurses who took care of me, before?” inosente niyang tanong. “Well, some of them.” sagot ko nang maalala na nagretire na ang iba sa mga katrabaho ko doon noon kung hindi man ay lumipat ng ospital na pinagtratrabahuhan. Sandali siyang natahimik at nakatingin lang sa manika niya. “Mama, thank you.” parang may humaplos sa puso ko ng marinig ang sinabi niya. Sa mga ganitong pagkakataon talaga ako napapa-isip na tama talaga ang lahat ng ginawa ko noon. Tama na umalis ako. Na lumayo ako. At tamang hindi ko pinagsiksikan ang sarili ko. Hearing my daughter thanked me for taking care of her, makes all my burden easier to carry. “I love you, mama.” Nakangiti ako kahit na naluluha na dahil sa mga emosyong nararamdaman. Nang makitang naiiyak ako ay kumunot ang noo ni Eliza at agad na binitawan ang manika niya, tumayo siya mula sa pagkakadapa sa kama at niyakap ako ng mahigpit. “Don’t cry mama. It’s making me sad seeing you cry.” niyakap ko rin pabalik ang bata habang marahang hinahaplos ang buhok nito. “Yeah, baby. Sorry. Hindi na iiyak si mama.” saad ko at agad na pinunasan ang mga luha. Lumayo naman siya sakin ng bahagya para tignan kong totoo ang sinasabi ko. Maya maya lang ay matamis siyang ngumiti habang nakatingin sakin. “You really look pretty mama.” she said out of the blue na naging sanhi ng pag-tawa ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD