"Are you two back together?" yun ang unang tanong ni Kuya matapos ang mahabahabang katahimikan sa pagitan namin. Tahimik lang kaming nakatingin sa madilim na langit habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin sa garden. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Hindi rin naman namin iyon napag-usapan ni Achi kanina. Ang importante lang para samin ngayon ay nalinaw na ang totoong nangyari noon. Naramdaman kong binalingan ako ng tingin ni Kuya, kaya nag-baba rin ako ng tingin para salubungin iyon. "I'm sorry." nangunot ang noo ko dahil sa narinig, pero hindi ako nagsalita. I waited for him to continue or elaborate more. I wanted to know why he was saying sorry, kahit na may hinala na ako ay gusto ko paring makumpira kung totoo iyon. "It was me." he said and returned his gaze back at

