“Febe!” nakangiti akong nag-lakad palapit sa table kung saan kumakaway si Tiffany.
“Hi Eliza!” Saad nilang tatlo at lumapit para halikan si Eliza sa pisngi.
Lumapit rin ako kay Jaydon na tahimik na nakaupo sa baby seat, tatlong taon na ito ngayon.
“Hi Jaydon!” bati ko at bahagyang kinurot ang pisngi ng bata na binigyan ako ng matamis na ngiti.
“Yiza!” Tuwang tuwa nitong tawag kay Eliza.
Natawa kaming apat dahil sa pagkabulol ng bata pero hinayaan na lang naming maglaro ang dalawa sa mini playground sa loob ng restaurant.
“Gosh! I can’t imagine we had to search for child-friendly restaurants just to dine out!” nakangiting saad ni Gail habang nakatingin kami kay Eliza na tinutulungang tumayo si Jaydon mula sa pagkakatumba.
“Naku! Soon you’ll have your baby narin noh! Sabihan mo yang si Kyler na bilis bilisan kamo at nang madagdagan na ng kalaro sina Eliza at Jaydon.” Pang-aasar ni Tiffany.
Sabay-sabay naming hinarap ang tahimik na si Pia. She was just sipping on her ice coffee and she choked when she realized that we were staring at her.
“W-what?” tanong niya habang inuubo pa rin.
“Kailan mo balak mag-asawa?” tanong ni Tiffany.
“Oh, kahit mag-anak na lang?” tanong naman ni Gail.
“What the hell? Pilitan?” Pia snorted as she was wiping the water on her chin.
“Hindi naman sa pinipilit ka namin, but you’re not getting any younger.”
“Bakit si Febe? Wala rin namang asawa yan.” Pia whined and pouted.
Tinawan lang namin siya.
“I have Eliza. I won’t grow old alone.” Natatawa kong sagot at uminom ng Macchiato.
“Oh come’n give me a break girls! Pabayaan niyo na ang lovelife ko.” reklamo ni Pia.
“Ay, meron kang lovelife?” Pang-aasar pang muli ni Gail na sinimangutan ni Pia.
“Mag-aminan na kasi kayo. Para naman kayong mga bata.” Pang-gagatong ko pa.
“Febe! I thought were allies? Akala ko pa naman may kakampi na ko pag-uwi mo!”
Patuloy lang naming inasar si Pia hanggang sa dumating na ang pagkaing inorder namin.
Kinuha na namin ni Tiffany si Eliza at Jaydon sa playground para pakainin.
“Yiza! Eat!” sigaw ni Jaydon habang inaabot kay Eliza ang fries na hawak. Agad naman itong kinuha ni Eliza at kinain.
“Aww, so sweet!” Nakangiting saad ni Pia.
“Mag-anak ka na kasi.” Sabay naming pang-aasar ni Tiffany na sinimangutan naman ni Pia.
“Oh shut up!”
“Shattap!” pang-gagaya ni Jaydon sa Tita Pia niya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Tiffany ng marinig ang sinabi ng bata.
“Jaydon! That’s bad. That word is bad.” pangaral niya sa anak bago sinamaan ng tingin si Pia.
“Mami shattap!” tumatawang saad ni Jaydon na nagpasakit ng ulo ni Tiffany.
“Jake’s gonna kill me if he hears his son talk to him like that!”
“Jaydon, that’s bad. Don’t say that word.” Mariing saad ni Eliza kay Jaydon na nakapagpatahimik sa table namin.
Jaydon stared at my daughter for a while, he then bowed down a little played with his food and without looking at anyone.
“Sowi Yiza.” nanlaki ang mga mata naming apat dahil sa reaksiyon ng bata.
“Good. Now, eat.” Nakangiti at malambing nang saad ni Eliza sa kanya at sinubuan pa ito ng french fries.
“Ten tyo!” nakangiting saad ni Jaydon bago kinain ang fries na sinusubo ng anak ko.
Napakurap kurap kaming apat sa nakikita.
“My gosh! Ni hindi nga namin mapasunod ni Jake ang batang yan! Then, one word from your daughter? God! Mukhang magiging balae tayo Febe!” hindi makapaniwalang saad ni Tiffany.
Tinawanan na lang namin iyon at nag-patuloy nang kumain.
After finishing our food we still remained seated for a catch up. Hiniram naman ni Eliza ang phone ko para maglaro dahil nakatulog na si Jaydon.
Nakikinig ako sa mga kwento nila, nang bigla akong kalabitin ni Eliza, agad ko naman siyang binalingan at ini-uma niya sakin ang phone ko.
“Dada’s calling mama!” hindi naman nakalagpas sa tatlo ang narinig.
“Ohhh! So there’s a dada now? I wonder who he was?” nang-iintrigang saad ni Gail na tinawan ko lang bago ako nag-paalam na lalabas muna para sagutin ang tawag.
Umani muna ako ng ilang pang-aasar bago ako tuluyang nakalabas.
“Hey.”
“Am I disturbing something?”
“Of course not. We’re just out with my friends. Why?” natatawa kong sagot.
“Oh, sorry for interrupting then.”
“Oh come’n!” I heard him laugh while I was groaning.
“Anyway, my flight next week was moved three weeks from now.” he said, tumaas ang kilay ko ng maramdamang hindi lang iyon ang tinawag niya.
“And I’m hearing a ‘but’.” alanganin naman siyang tumawa bago sinabi ang tunay na intensyon sa pagtawag.
“Well you see, I can’t go there sooner than I expected. But I was still holding the case I was talking about.”
“Hmm? Then?”
“The suspect is already in the authorities’ custody, however the only living witness of the said crimes is an eleven year old boy. And he wasn’t talking. I wonder if you can see and try to… you know… help?”nananatya niyang paliwanag.
“An eleven year old?” kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nag-iisip kong tatanggapin ko ba.
“The Interpol would appreciate your help so much.”
Sandali akong lumingon sa restaurant at natanaw ang mga chismosa kong kaibigan na nakatingin sakin mula sa glass wall.
Matagal tagal pa naman yung kasal ni Gail. Maybe I can work on this case for a while. Madalas naman akong mag aid sa mga cases noon sa Florida, so this was nothing new to me.
“Okay.” sagot ko kay Chester.
“Really?” Hindi makapaniwalang sagot niya sakin.
“Yeah, sure. Just send me the patient charts, files and some files related to the case as well.”
“Okay. I’ll email it tonight. Thank you so much Febe!”
“Sure thing.” and the call ended.
Pagbalik ko sa table namin ay napuno nanaman iyon ng kantyawan at asaran.
“Naku Pia! You really need to work harder na! Mukhang hindi lang anak ang meron si Febe! May Dada pa!” Pang-aasar ni Gail.
“I told you, that’s work! Close lang talaga si Eliza dun sa tao.” Pagtatanggol ko sa sarili.
“Whatever you say, Febe!” natatawang saad ni Tiffany.
The day ended just like that.
Hanging out and catching up with the girls. Although we meet sometimes before, while I was in Florida every time they took a vacation, it still felt different bonding here.
“Mama, can you read this for me?” tanong ni Eliza sabay abot ng isang pang-batang story book na nabili namin kanina.
“Sure, baby.” Sagot ko at inayos muna ang kumot niya bago inumpisahang basahin ang libro.
Nangangalahati palang ako ay tumigil na ko ng makitang mahimbing na ang tulog niya. Inayos kong muli ang kumot sa katawan niya at hinalikan siya sa noo.
“Sweet dreams, baby.” bulong ko bago ako tumayo at lumapit sa table ko kung nasaan ang laptop upang tingnan kung nasend na nga ba ni Chester and files at charts na hinihingi ko.