Napaungol ako ng magising dahil sa ingay ng cellphone. Pikit ang mata na kinapa ko ang side table para masagot ang kung sino mang istorbo sa pagtulog ko.
"Hello?" antok kong sagot sa tawag. Naramdaman ko ang mas paghigpit ng yakap ng lalaking katabi ko at siniksik ang mukha niya sa gitna ng ulo at balikat ko.
"Hindi ka daw umuwi kagabi?" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Kuya.
Sinubukan kong tumayo ngunit mas humigpit lang ang braso ni Achi na nakapulupot sa bewang ko.
"Hindi, kuya. Nagpasundo na lang ako kay Kuya Achi around midnight after my shift."
"Oh, okay. I was just worried. Nag text kasi si Kuya Manuel. Anyway, you don't have work today?"
Napatingin ako sa orasan sa side table ng kwarto ni Achi.
Seven-thirty na pala. I need to prepare for my work already.
Bahagya kong tinapik ang braso ni Achi na nakapalibot sa katawan ko, nang hindi siya bumitiw ay inabot ko ang ilong niya at pinisil ito.
"Well, I should thank you for waking me up, then. Malalate na sana ako. Sige na Kuya, I'll get ready for work na." paalam ko sa kanya.
"Alright, by the way tell Achi to drop by my office later."
"Okay po. Bye. Ingat ka palagi." at tuluyan ko ng pinatay ang tawag.
Pinatong ko ang cellphone pabalik sa side table at umikot para harapin si Achi na hindi parin pinapakawalan ang bewang ko.
"Come'n babe! May pasok pa ko." Malambing kong saad sakanya habang sinisiksik ang mukha ko sa hubad niyang dibdib.
"Stop doing that! You're just making me want to stay in bed the whole day."
I distanced my face from his chest and looked up to see his face.
"Let's go take a shower?" pilya kong aya sa kanya habang nakangiti.
"Are you challenging me?" nanliliit ang mga matang tanong niya pabalik sakin.
"Are you challenged, Attorney?" I ask with a seductive smile plastered on my face, my index finger already wandering around his bare chest.
Tinawanan ko lang siya ng marinig ko siyang umungol. Tinanggal ko na ang braso niya at tumayo na upang mag-handa.
"You're such a tease!" Reklamo niya na narinig ko kahit na nasa loob ng ako ng banyo.
Nakabihis na ko pagkalabas ko ng kwarto ko sa unit niya.
I have my own room sa condo niya, but I seldom sleep there because I usually sleep in his room and my room was just used as a wardrobe for me.
Well, in the first place naman hindi para tulugan ang rason for building that room. It was our decoy for my brother if ever he started being suspicious kung bakit ako madalas dito.
Nakatulong rin na mas malapit ang location ng condo ni Achi sa hospital where I am working. So I always have a valid reason of staying here instead of coming home.
"Breakfast muna and then hatid na kita." he said while setting the table.
Nakaligo na rin siya at suot na ang dark blue dress shirt niya, tinupi niya lang ito hanggang siko para maiwasang marumihan.
Umupo na ko sa lamesa at sumimsim sa kapeng hinanda niya.
"Kuya told me nga pala to tell you to drop by his office later." saad ko ng maalala ang bilin ng kapatid, he nodded at me, as he took the seat in front of me.
We finished a hearty breakfast with laughs and subtle flirting as always. Inako ko na ang paghuhugas ng pinggan para mahanda na niya ang mga kailangan niyang dalhin.
I knew his job is tiring too, kita ko naman sa kapatid ko yun.
Every once and a while din ay nakakatanggap ako ng death threats, sometimes from the cases handled by my brother and sometimes kay Achi din.
Nang malaman nina Tita Tracy ang tungkol doon ay agad silang naghire ng security for me. Although hindi iyon nakikita ng kahit sino since I asked Tita to it make it subtle as possible to avoid intimidating others.
In my job, intimidating my patients is the least thing I need.
"Rest once in a while, okay? Baka ikaw na mabaliw kaysa mga pasyente mo." paalala niya bago ako bumaba ng sasakyan niya.
He received a glare from me in which he responded with a playful laugh. He waved for a while and speed away when after I entered the entrance of the hospital.
"Good morning, Doc!" Nakangiting bati ng mga pasyente ko ng madaanan ko sila sa labas ng opisina ko.
I smiled and greeted them as well.
"Alright, I'll see you next week, Yuri?" malamyos ang tinig ko habang tinatanong ang bata.
"Anong sasabihin Yuri?" tanong ng mama niya sa kanya.
Sandali munang huminga ng malalim ang bata, napangiti ako ng makitang sinusubukan na talaga niyang makipag-usap sa iba.
"Y-yes p-po." mahina niyang sagot bago agad na nagtago sa likod ng mama niya.
Umayos ako ng tayo mula sa bahagyang pagkakaluhod na ginawa ko upang makausap ng maayos ang bata.
"Sige na po, mommy. Just don't forget to talk to her from time to time and make sure na she's having enough time to rest." Paalala ko habang hinahatid sila palabas ng opisina ko.
Nakangiti akong kumaway kay Yuri ng makita kong lumingon siya upang tignan ako.
"Last na si Yuri, Doc." Nurse Sally informed me when I asked if I have any other patient coming.
"Sige, alis na ko. Just call me if may problems, okay?" Paalam ko sa kanila bago tuluyang maglakad palabas ng out-patient ward.
I was about to book for a ride home ng marinig ko ang busina ng sasakyan. I immediately smiled and rode the car after realizing who it was.
"You don't have work today?" Bungad ko sa kapatid habang inaayos ko ang seatbelt.
I can actually drive pero hindi pa ko nakakabili ulit ng sasakyan since maaksidente ako three months ago. Galit na galit sina Achi at Kuya Forbes ng malamang sinadyang sirain ang preno ng sasakyan. Since then hindi na muna nila ako pinayagan na mag drive, it's either sinusundo nila ako or like what I was supposed to do earlier, book a ride.
"May pinuntahan lang ako sa malapit kaya dinaanan na rin kita."
"Let's eat first. I'm starving." saad ko sakanya ng makita ang signage ng isang sikat na foodchain.
"Drive-thru?" tanong niya na tinanguan ko lang.
Nag-oorder siya ng pagkain ng tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Tiffany as the caller.
"Hel--"
"Feb~" agad kong nailayo sa tenga ang cellphone dahil sa malakas na boses ni Tiffany. Maski si Kuya ay natigilan sa pag-oorder dahil doon.
"Tiffany! Stop screaming!" rinig kong saway ng kung sino sa kabilang linya.
"Oh my God! Febe! I'm getting married!" agad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"What? You're getting what?"
"Jake just proposed to me this morning! Oh my God! I can't believe it!" Kinikilig niyang ikinwento kung paano nagproposed ang long-term partner niyang si Jake.
"Congratulations! I'm so happy for you." nakangiti kong bati sa kanya habang inaabot ang mga pagkain mula kay Kuya.
"We'll be having an engagement party this Saturday night! Please clear your sched." natawa ako sa pagiging demanding ng boses nito.
"Okay."
"And oh! Please do invite your brother and Kuya Achi as well. Bye sis, love yah!" and she finally hang up the phone.
"Tiffany?" tanong ni Kuya bago uminom sa drinks na inabot ko sa kanya.
"Yeah, her boyfriend proposed and she's inviting us in her engagement party this Saturday night." I said and took a large bite on my burger.
Sandali akong nilingon ni Kuya bago natatawang binalik ang tingin sa highway at dumukot ng tissue sa dispenser gamit ang isang kamay, bago ito inabot sakin.
"Punasan mo nga mukha mo." natatawa niyang utos. Ginawa ko naman ang utos niya bago nag patuloy sa pagkain.
"Where did you sleep last night? Achi's condo?" out of the blue na tanong niya na tinanguan ko lang dahil sa pagiging abala sa pagkain.
"Sinundo ka niya?" tumango lang akong muli bago sumipsip sa drinks na binili niya para sakin.
"Napapadalas ka atang natutulog doon?" agad na nagrigudon ang puso ko ng mapansin kong iba ang tono ng pagkakatanong ni Kuya.
I immediately composed myself before stealing a glance at him. I was alarmed ng makitang nakatingin ito sakin ng mariin. Narealize ko lang na nakahinto pala kami dahil sa red light ng sandali akong sumulyap sa unahan.
Nahihirapan akong napalunok bago siya hinarap ng may nag-tatakang tingin.
"Mas malapit kasi, Kuya." nakita kong sandaling naglaro ang dila niya sa gilid ng pisngi bago nakangising binalik ang tingin sa unahan at nag-umpisa na muling mag-drive.
"May boyfriend ka na?" nasamid ako sa softdrinks na iniinom dahil sa sinabi niya.
"Wala!" mabilis kong sagot sa kanya.
Sandali niya lang akong sinulyapan at tinaasan ng kilay bago binalik ang tingin sa daan. Gusto ko na lang tumalon palabas ng sasakyan dahil sa naging reaksiyon ko.
"Too obvious, Febe. Who's that bastard?" kunot ang noo na tanong niya.
"Wala nga Kuya. Kita niyo naman na kayo lang ni Kuya Achi palagi kong kasama." saad ko habang pinapanood ang reaksiyon niya.
Kumabog ang dibdib ko sa kaba ng makita ko ang misteryosong ngisi niya.
"Really, Princess?" Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba ko o totoo ang bakas ng sarkasmo sa paraan ng pagsasalita niya.
Nagpanggap akong nililigpit ang pinagkainan ko ng biglang manindig ang balahibo ko dahil sa sunod na sinabi ni Kuya.
"Then, should I ask Achi instead?"