Article 1 - Section 10

1168 Words
"Doc, after po ng rounds niyo may nakaset ka po na session with Mr. Jacobs." sandali kong tinignan si Nurse Sally na may hawak na mga patient's charts bago pumasok sa isang ward. "Hi, Eliza! How do you feel today?" I asked enthusiastically. The child just stared back at me emotionless. Napa-iling ako ng mariin sa lack of response ng bata. Sandali kong chineck ang kalagayan ni Eliza bago awang-awa na tinignan ito. "She's really too young for this." I blurted out habang marahang hinihimas ang buhok ng bata. Eliza is a four-years-old patient diagnosed with PTSD. Her parents were killed in front of her when a thief entered their house. She was also stabbed half-death but somehow managed to survive. She's the youngest patient I have handled eversince I became a psychiatric doctor. "Any family members?" I asked the nurses behind me. "Negative Doc. Mga kasamahan lang sa trabaho ng mga magulang niya ang nag-ayos ng libing." sagot ni Nurse Sally na nakatingin din sa batang tulala ngunit patuloy na umaagos ang mga luha. "Sige, just check on her every now and then. Don't forget her meds and call me if something happens." dikta ko sa ibang nurse habang palabas na kami ni Nurse Sally sa ward. "Anong oras yung appointment ni Mr. Jacobs?" tanong ko kay Nurse Sally bago tuluyang pumasok sa opisina ko. "3 o'clock doc." sagot niya, nagpasalamat ako sa kanya bago tuluyang pumasok ng opisina. Hinubad ko ang doctor's robe at pinatong sa likod ng upuan ko. I checked my watch and realized that I still have fifteen minutes before my session with Mr. Jacobs. I closed my eyes to rest for a while. My job is very satisfying but at the same time very draining. I get to hear and see the pain of my patients every day. I watch them fight off the demons lurking inside them. Napangiti ako ng marinig ang pag tunog pamilyar na ringtone. I took my phone from my desk without opening my eyes. "Hey." pagod kong bati sa tumawag ngunit ramdam ko parin ang pagsupil ng ngiti saking mga labi. I think I'll never get used to this feeling. Two years na kaming ganito but the sensations I feel everytime we talk is still the same. "You sound tired." "I am tired." I said emphasizing the last word. "You should rest once in a while." pangaral niya na mas lalong nagpalapad ng ngiti ko. "I still have a patient coming after ten minutes." reklamo ko sakanya na tinawanan niya lang. "Let's have dinner later. I'll fetch you after work." "Hmmm..." "My client's here already, mag-pahinga ka muna after that okay? Sige na. I love you." "Love you too." sagot ko bago tuluyang binaba ang tawag. Halos takbuhin ko na ang pagitan namin ni Achi ng makita ko siyang nag-aantay sa parking area ng hospital. He opened his arms widely ng makita niya kong palapit sakanya.  Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap ng tuluyan na akong makalapit sa kanya.  "I'm so tired!" Litanya ko sa kanya habang mas hinihigpitan ang yakap ko sa bewang niya, siya naman ay marahang hinahaplos ang likod ng ulo ko habang tumatawa. I can feel his chest vibrating because of his laughter, and I'll always love that sound. Nakakawala ng pagod. "Charging..." Parang bata niyang saad sabay mas hinigpitan pa ang yakap sakin hanggang sa napagikhik ako sa kalokohan niya. "Come'n let's have dinner na. I know you're hungry already." I said as I slightly tapped his shoulders for him to let me go. "Hmmkay..." saad niya pero hindi parin ako binibitawan. "Achi, come'n baka may makakita pa satin." saway ko sakanya habang natatawa. Bahagya niyang nilayo sakin ang sarili para harapin ako. Nagpacute pa ang loko! He looked at me pretending to be sad and slightly pouting his lips. Nagpakawala muna ako ng matamis na ngiti bago ko tinanggal sa mga bewang niya ang mga braso ko para kurutin ang magkabilang pisngi niya. "Tara na baby dambuhala ko. Let's eat na." Kausap ko sa kanyang parang bata habang pinaglalaruan ang pisngi niya. Pilit niyang iniiwas ang mukha sakin hanggang sa siya narin ang sumuko at nagyaya nang umalis. "What do you want to eat?" tanong niya habang palabas kami ng parking area. "Are you tired?" tanong ko sa kanya, sandali siyang tumingin sakin bago binalik ang tingin sa daan. "Why? Gusto mo sa condo?" he asked back pertaining to his condominium. "Well, if you're not tired lang naman. I'm craving for your tinola." I said habang iniimagine na ang ulam. "It's okay, I'll cook." he said smiling. "Ihahatid na kita." he persisted when I told him, I wanted to sleep here in his condo. "No! Gusto ko nga dito! Don't you want me here?" parang bata kong sabi sa kanya. He's looking down at me sitting on the floor. Tumayo na kasi siya kanina at hawak na ang susi ng sasakyan niya, handa na akong ihatid pauwi but I refused. "Magagalit ang kuya mo." he said as if mababago noon ang isip ko. "Kuya told me he's not coming home tonight! May new case daw siyang kailangang tutukan." "But he'll call you later." pagdadahilan niya parin. "Then I'll just tell him I'm with you or I can say na may duty ako tonight! Mag-isa lang naman ako sa bahay kung uuwi ako doon!" pilit ko sakanya. He stared at me for a while. Nang makitang nagbuga siya ng hangin at pinatong ang susi sa coffee table ay nagbunyi na ang loob ko. I won! Nakangiti ko siyang dinumog ng yakap sa may sofa at pinagsiksikan ang sarili sakanyang tabi. Tahimik lang kaming magkayakap, inaantok ako sa marahan niyang paglalaro ng buhok ko. "Febe." Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya upang harapin siya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kausapin na kaya natin si Forbes about satin." nananatya niyang tanong habang patuloy na pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. I look away and bit my bottom lip. I don't know what to say. For two years that we were together, Achi's been trying to convince me to tell Kuya Forbes about us. But I said no everytime. I just know na once malaman ni Kuya ang tungkol samin, he would do something to separate us. And I don't want that. Never. Naiintindihan ko naman na hindi siya sanay na nagtatago ng sekreto kay Kuya. I mean, magkasama na sila mula pagkabata, the biggest fight I can remember they had was two years ago. Dahil dun sa adoption issue na never na ulit inungkat nina Tita Tracy. Kuya and Achi didn't talk for almost a month. But one day, I just found them playing video games in our living room as if walang away na namagitan sa kanila. I asked Achi how they made up and he just told me na they just talk about the issue as two matured men. "Soon baby. Soon. Hindi pa 'ko ready." sagot ko sakanya sabay balik ng pagkakasubsob ng mukha ko sa dibdib niya. I felt his shoulder sagged from disappointment, but he immediately hugged me tightly. "I'm sorry." bulong ko sa dibdib niya habang pinipigilang maiyak. I feel so freaking guilty. "Shhh. It's okay, baby. I'm sorry for opening it up again." pang-aalo niya sakin habang marahang tinatapik ang likod ko. "Just tell me when you're ready. We'll face it together, hmmm?" pagpapatahan niya sakin bago ako mas hinapit palapit sakanya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD