Article 1 - Section 21

1194 Words
Dahan dahan kong nilalatag isa-isa ang mga folder sa lamesa. I actually don’t need to do that since naarrange naman na ito ni Russel kanina. But to avoid talking to him, I needed to do something. And this files are just the right alibis. “Kailan ka pa bumalik?” tanong niya na habang nakasandal parin sa gilid ng pintuan ng opisina niya. His arms are crossed in his chest. Agad kong binalik ang tingin sa mga papeles ng lumipad ang aking tingin papunta sa bumabakat niyang mga braso sa putting dress shirt na suot. “I’ve read the testimonies and the case reports –” “Why didn’t you inform me?” putol niya pero sinagot ko lang rin ang mga detalye tungkol sa kaso. “I think we need to investigate Lolita further---” nang maubos na ang files na nilalatag ay inikot ko ang katawan para harapin siya, but I never expected that he was already standing behind me. I almost lost my balance when I felt my knees tuned jelly because of our close proximity, mabuti na lang ay agad niya akong nahawakan sa bewang. Mabuti? Agad akong lumayo sa kanya at tumikhim. “As I was saying---” “I miss you.” Natigilan ako ng marinig ang sinabi niya. Agad na nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko malaman ang sasabihin. I just stood there in front of him, staring at his eyes. His eyes that used to captivate me so much. But now, it only brings back painful memories. Nagbaba ako ng tingin. Hindi sapat ang espasyo sa pagitan namin para makahinga ako ng maayos. Para akong sinasakal. I closed my eyes tightly and mentally counted from one to three. I repeated the same routine over and over again hanggang sa maramdaman kong bahagya na akong nakalma. “Febe---“ “It’s Doctor Gonzales for you, Prosecutor Catalan.” Malamig kong pagputol sa sasabihin niya. Tuluyan na akong lumayo sa kanya at nilapitan ang couch sa gitna ng opisina niya upang kuhanin ang bag ko na pinatong doon kanina. “I went here for work. But looks like you’re not. Babalik na lang ako ulit next time. And I hope, you’ll act more professional that time.” Saad ko ng hindi siya tinatapunan ng tingin bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya. Gulat na napabaling si Russel sakin ng makita akong lumabas ng pinto. “Tapos na kayo Doc?” tanong niya habang palipat lipat ang tingin mula sakin at sa orasan sa kanyang harap. “Sorry, nagka-emergency kasi ako. We’ll continue the meeting next time. Thanks.” Sagot ko na lang at binigyan ito ng tipid na ngiti bago nagmamadaling umalis. Nang makalapit sa sasakyan ay agad kong naitukod ang mga kamay sa may pintuan ng driver’s seat. Nanghihina kong ipinikit ang mga mata para muling pakalmahin ang sarili. I can do this. Nang mahimasmasan ay pumasok na ako sa kotse at inistart ito. Kinuha ko muna ang cellphone sa bag ko para tawagan si Tiffany. I needed to see my daughter now. I need to distract myself. “Hello Feb?” “Hi Tiff. San kayo?” “You're done with your appointment na? Ang bilis naman. Anyways, nasa mall na kami we’re going to have lunch, sasabay ka ba?” “Yeah. I’m on my way na.” “Okay. We’ll wait for you. Ingat.” Huminga muna ako ng malalim bago ko nilagay ang phone ko sa phone holder ng sasakyan at sinet-up ang GPS dahil hindi ko na masyadong kabisado ang mga daanan. Maya maya lang ay tuluyan ko nang nilisan ang parking area ng prosecutor’s office. “Mama!” I instantly felt relief when I saw Eliza running towards me when she saw me enter the restaurant. “Hi, baby. Are you having fun?” nakangiti kong bati dito habang naglalakad kami pabalik sa table occupied by Tiffany and her family. Nag-beso muna ako kay Tiffany at kay Jake bago binalingan at pinang gigilan ang cute na anak ng mga ito. “Hi Jeydon!” “Tita Yanda!” the kid mumbled and giggled. So cute. “I ordered food for you na. How did the meeting go? Ang bilis mo naman yata?” she asked as we were waiting for the food to be serve. “Samahan ko lang mga bata sa playground.” Paalam ni Jake samin bago sinundan ang mga bata na tumakbo papunta sa mini playground ng restaurant. “I didn’t know he became a prosecutor Tiff.” Ani ko ng makalayo na si Jake. I didn’t want to talk about it when Jake’s around. Kaibigan ni Jake si Achi, I don’t want him to hear things about his friend from me. Tiffany’s brows furrowed in confusion. “Ha? Sino---Oh my god!” agad siyang napatakip ng bibig sa gulat ng makitang tumango ako. “You met him? Sa prosecutor’s office? Kaya ba hindi ka nakaattend ng meeting?” sunod sunod niyang tanong. Uminom muna ako ng service water na nasa lamesa. “No. Siya mismo ang kameeting ko.” Parang wala lang na saad ko pero sa loob loob ay halos mag-wala na ako. Why does it have to be him, of all people?! “Oh my god! This is destiny!” sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ng marinig ang sinabi niya. “Destiny my ass.” I snorted. “Di nga. Tingnan mo naman Febe, after years of running away from him you still ended up in his office? If that’s not destiny, I don’t know what it is.” Mangha niya paring saad. Hindi ako sumagot at pinanunood lang si Eliza na masayang nakikipaghabulan kay Jaydon na hirap na hirap tumakbo. Every time Jaydon falls from running, Eliza would come back to help him stand again. Napangiti ako sa kasweetan ng anak. “You’re daughter is really sweet.” Tiffany blurted out with a smile. “Yeah. She is.” Pagsang-ayon ko. “Jaydon really likes her.” She said while staring at his son laughing trying to catch Eliza who was obviously slowing down so that the latter can catch her. Jake came back with the kids when the food was served. Naging abala ako sa pagpapakain kay Eliza at pakikipagkwentuhan sa mag-asawa. Bahagyang namang nawala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. “Thanks Tiff. Mauna na kami.” Paalam ko habang karga ang tulog na si Eliza, napagod ata sa paglalaro at paglilibot buong araw. “Sus. Maliit na bagay. Sige na, ingat sa pagdadrive. Text me when you got home.” Ani Tiffany bago tuluyang sumakay sa sasakyan nila. Pinanunood ko muna makalayo ang sasakyan nila bago ko binuksan ang backseat ng sasakyan at nilagay roon si Eliza. Inayos ko muna ang seatbelt niya bago ako dumiretso ng driver’s seat at nag-drive na pauwi. “Ginabi kayo?” tanong ni Kuya ng makapasok ako sa sala. Tumayo naman siya at kinuha ang tulog na Eliza sakin at siya na ang nagbuhat dito paakyat sa kwarto namin. “Nag-mall lang po kasama sina Tiffany. “ ani ko habang nasa hagdan. “Hindi ka pa magpapahinga, Kuya?” Tanong ko habang nilalapag niya si Eliza sa kama. “Not yet. May inaaral pa kong case.” Sagot niya sakin. “Sige na magpahinga kana rin. You look tired. Good night.” Paalam niya at bahagyang ginulo ang buhok ko, tulad ng lagi niyang ginagawa, bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hinubad ko muna ang sapatos ni Eliza at binihisan siya ng mas komportableng pantulog bago ako pumasok ng closet para kumuha ng akin. Habang kumukuha ako ng damit ay isang pamilyar na box ang nakita ko sa pinakailalim ng isa sa mga cabinet. Yumuko ako para kunin yun at dumiretso sa harap ng vanity mirror para makaupo. Pinatong ko ang asul na box sa harapan. Ilang minuto ko rin itong tinitigan bago ako nagpasyang buksan. The moment I saw everything inside the bags, I lost my s**t once again. And after two years, I was weeping again. And after two years, siya at siya parin talaga ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD