Article 1 - Section 20

976 Words
"I'm really sorry, Febe! I can't go there yet." Chester apologized, he felt so remorseful not being able to come here as soon as possible. "Chest, ano ka ba? I told you it's okay. You've set me an appointment naman na with the prosecutor diba? It's okay. I'm already on my way to the prosecutor's office." "No, it's not. I just asked for your help and now I'm shoving all my responsibilities in your hands." Guilty nitong saad. "What are you talking about? It's not like I'm doing this for free, noh? Mahal ang fee ko." Pang-aasar ko na lang para bumuti naman kahit papano ang pakiramdam niya which I think worked, when I heard him chuckled on the other line. "Alright. Thank you so much. I really owe you with this one. Call me if anything happens okay?" He said before we bid our goodbyes and ended the call. I parked my car beside a black trailblazer. I checked myself in the mirror, one last time. I was wearing a terno gray casual suit and shorts with a white V-neck inner shirt. I paired it up with my white shoes for comfort while my hair was tied in a high pony tail. Sinabit ko ang puti kong sling bag sa balikat bago ko binuksan ang backseat ng sasakyan para kunin ang mga prinint kong files na sinend ni Chester. Bitbit ang mga iyon ay pumasok na ako sa prosecutor office. Nasa reception palang ako ay agad na akong nilapitan ng ilang staff doon upang tulungan sa mga dala. “Hello, good morning! I'm Doctor Febe Gonzales. I was sent here for the Torres Case by the Interpol.” Nakangiti kong saad at pinakita ang special ID aide ko. “Oh, yes. Oo ma'am. Naset ko na po yung appointment with the prosecutor.” Tumingin ang staff sa relo sa kanyang bisig bago ako muling binalingan. “Medyo maaga po kayong dumating Doc. Okay lang po ba if ihatid ko na lang kayo sa office niya and dun niyo na lang po siya antayin? May on-going hearing pa po kasi siya.” “Sure. No problem.” At nag-umpisa na nga kaming maglakad papunta sa opisina ng assigned prosecutor. She asked someone to carry the files I brought with me, so we were freely walking towards the office. “Russ, this is Doctor Gonzaga. Aide sent by the Interpol for the Torres Case.” Ani ng babaeng staff sa lalaking sumalubong samin. “Good morning, Doc. I'm Russel Hontiveros. Secretary ni Prosecutor.” Nakangiti nitong pakilala sabay lahad ng kanyang kamay. “Hi Russel! It’s nice to meet you.” I replied and shook hands with him. “Doc, upo ka po muna. Arrange ko lang po ‘tong papers before natin puntahan si Prosecutor. Kakarating lang po kasi niya.” He said at bahagyang itinuro ang upuan sa harap ng desk niya. “Doc, pwede po mahiram yung ID aide niyo? Scan ko lang po.” Agad ko namang kinuha ang ID sa bag ko at ibinigay sa kanya. Habang inaayos niya ang files ay tumunog ang cellphone ko. I walked a bit away from his desk to answer the call, para na rin hindi ko siya maistorbo. “Tiff? May problema ba?” nag-aalala kong tanong pagkasagot ko ng tawag. Iniwan ko muna kasi si Eliza sa kanya since kailangan ko ngang pumunta dito. “No, I called just to inform you na aalis kami. We’re going to take the kids out. Okay lang?” naka hinga naman ako ng maayos ng malamang wala namang problema. “Of course. Akala ko naman kung ano na. Sige, take care and enjoy. “paalam ko sa kanya ng makita kong malapit nang matapos si Russel sa pag-aayos ng mga papeles. Ibinaba ko na ang tawag matapos ng ilan pang paalala kay Tiffany at naglakad na pabalik sa table ni Russel. “Tara na Doc?” Aya niya habang sinasalansan na ang patong patong na folder sa braso niya. “Let me help you.” Saad ko habang kinukuha ang ilang folders dahil mukhang hirap na hirap na siya. “Thanks. Tara na po.” Ani niya at nauna ng maglakad patungo sa isa pang pintuan sa loob ng opisina niya. Malapit na kami sa pintuan ng maalala kong hindi ko pala alam ang pangalan ng prosecutor. Namention kasi ni Chester na nareassign daw yung case sa bagong prosecutor. I only saw the name of the former prosecutor holding the case but hindi ko alam ang pangalan nung bago. “Russel, ano nga palang pangalan ni --" Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at inilabas noon ang gulat ding mukha ng taong hindi ko inaasahang makita. Pasimple kong tinignan ang namecard na nakapaskil sa gilid ng pintuan ng opisina. Prosecutor Achilles Troy Catalan I silently scolded myself for not noticing it earlier. I immediately composed myself and showed him a professional smile. “Good morning Prosecutor Catalan. I am Doctor Febe Gonzales, a special care aide send by the Interpol.” Nagririgodon ang puso ko habang inaantay ko ang reaksiyon niyang hindi dumating. Nanatili lang siyang nakatitig sakin. “Prosecutor?” nagtatakang tawag ni Russel sa kanya, bago ito bumaling ng tingin sakin. Nang balingan ko ang sekretarya ay naawa naman ako ng makitang nahihirapan na ito sa dami ng dala. “Excuse me, can we go inside na?” doon lang ata siya natauhan at agad na umalis sa pagkakaharang niya sa pintuan. Agad naman kaming pumasok ni Russel at binaba ang mga files na dala sa lamesa. Sandali munang nag brief si Russel ng tungkol sa mga papeles pero mukhang hindi naman nakikinig sa kanya ang kausap. “Labas na po ‘ko.” paalam ni Russel samin na tinanguan ko naman. Nag kunwari akong abala sa pagbabasa ng mga dokumento ng marinig ko ang pag sarado ng pinto. Sa loob ng ilang taong hindi kami nag kita o nag usap ay hindi ko inakalang sa ganitong pagkakataon pa talaga muling magtatagpo ang mga landas namin. I ask Tita Tracy and Tito Arnold not to talk about their son in front of me. Naiintindihan naman nila yun kaya hindi talaga ‘ko nakarinig ng balita tungkol sa kanya.  I don’t even have a freaking idea that he became a prosecutor. Great! Just great! Now, I need to work with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD