Sa araw pagkatapos ng kanilang madalian na kasal.
Si Ava at Lycan ay kaagad at diritsahan na hinatid sa kanilang magiging tahanan. Dahil sa kagustuhan ni Ava na huwag ng magkaroon o magsagawa ng anumang seremonyas pa o pagsasaya kagaya ng ginagawa ng karamihan pagkatapos ng kasal, sa simpleng I do ng babae ay mabilis na natapos ang okasyon.
Diritsa na pumasok si Ava sa kanilang wedding chamber o master's bedroom na tinatawag.
Masyadong malaki ang kwarto. Kasya ang tatlong pamilya. May magarang banyo at sariling sala. Napakaganda rin ng disenyo at kagamitan sa loob. Kumpleto ang mga ito at dinding ay halos yari sa ginto at mamahaling salamin.
Dahil lutang sa kaligayahan, hindi nag-aksaya ng panahon si Ava na hangaan ang buong kwarto. Habag inaantay ang pagpasok ni Lycan sa loob, upang maging kaakit-akit sa mga mata ng asawa at amoy presko sa pang-amoy ng lalaki, naisipan ni Ava na maligo ng mabilis.
Pinagkiskis ni Ava ang buong katawan ng sabon at naligo ng body wash upang maging mabangong-mabango. Pagkatapos niyang maligo, nagpaganda pa si Ava at naligo ng pabango.
Pagkatapos gawin ang mga iyon at isuot muli ang damit niyang pangkasal, nahiga si Ava sa kama sa posisyon na parang nag-aakit ng lalaki habang nakakabit ang malalaking ngiti sa labi.
Itinaas niya pa ang laylayan ng kanyang damit upang lumantad ang mabibilog, magaganda, at mapuputi niyang mga hita.
"Napakaswerte ko naman. Sino ba ang mag-aakala na maikasal ako sa lalaking matagal ko ng pinapangarap?" Humlakhak si Ava. "Kailangan kong maging kaakit-akit. Siguro tama na itong posisyon ko. Kailangan pagpasok niya niya ay makita niya ang mga hita ko. Siguro naman ay matatakaw siya sa kagandahan ko at kaagad na atakihin ako. Ay, kakilig."
Hindi nga nagtagal, bumukas ang pintuan at pumasok ang nakangiting asawa. Diri-diritso ito sa kanya sa kama. At nang makita ang nakalantad niyang mga hita, yumukod ito sa kanya.
"Heto na siya. Aatake na talaga siya. Heto na talaga. Totohanan na talaga. Ahh!!!!!!" Sigaw ni Ava sa isip.
Nagpipigil sa kilig naman si Ava habang inaantay ang lalaki na umaksyon. Ngunit nang hawakan ng lalaki ang kanyang damit, narinig niya itong nagsalita. "Darling, bakit hinayaan mong nakabukas ang iyong damit? Ang lamig ng kwarto. Takpan mo ng maayos ang iyong katawan at ng hindi ka maimpatso."
Pagkatapos sabihin iyon, inabot pa ng lalaki ang makapal na kumot at binalot sa katawan ng babae.
Pagkatapos gawin ito, pumalakpak ang lalaki sa saya. Parang batang nanalo ng laro sa kalye. "Yeahey, tapos na. Okay na. Darling, pwede ka ng matulog."
Napanganga si Ava sa pagtataka. "Anong ginagawa mo?"
Ngumisi lamang si Lycan at tumalikod papunta sa may mesa na puno ng masasarap na pagkain.
Umupo siya sa harap ng mesa paharap kay Ava at nilantakan ang pagkain. Pinuno niya ang kanyang bibig. Ang dalawang kamay naman ay may hawak ng pritong manok.
Napakaburara niya kong kumain. Nagkahulog-hulog pa ang iba mula sa kamay niya at mga bunganga. Panay ang kanyang ngisi habang panay din ang kanyang subo ng pagkain sa bibig.
Maya-maya ay inabot niya kay Ava ang isang paa ng manok, nag-aanyaya. "Darling, gusto mong kumain? Halika, samahan mo ako. Masarap. Nam. Nam. Nam. Ha ha ha."
Dinilaan pa ni Lycan ang gilid ng kanyang mga labi, dahilan upang kumalat ang mga sebo sa kanyang mukha. Nagmukha siyang madungis na bata.
Nanlaki ang mga mata ni Ava. Ngayon pa lamang niya napansin ang kakaibang pananalita ng lalaki. Kong magsalita ito ay parang nagbabasa ng papantig-pantig.
Hindi makapaniwala si Ava sa nasaksihan. Upang makumipirma ang hinala, kinausap niya ang asawa. "Lycan, sino ako?"
"Asawa ko." Sagot ng lalaki. Wala pa ring tigil ang paglantak nito sa kung anu-anong pagkain sa mesa.
"Ano ang pangalan ko?"
"Miss Ava Miguel, darling ko."
"Eh ikaw? Anong pangalan mo?"
"Lycan Prince."
"Ilang taon ka na?" Tumigil sa pagkain ang lalaki. Dinilaan ang mga kamay at ipinatong ang mga pisngi sa kanyang mga palad. Tumingin siya sa babae saka nag-isip.
"Hindi mo alam kong ilang taon ka na?"
Humagikhik ang lalaki bago sumagot. "Of course alam ko."
"Kung ganun, ilang taon ka na nga?"
Sumagot ang lalaki sabay seryosong binilang ang mga daliri sa kamay. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima— tama! Lima! Ganito karami ang edad ko!"
Ipinakita ni Lycan ang nakabukas na palad at ngumisi.
"Ano?" Pakiramdam ni Ava ay binuhusan siya ng malamig na yelo sa buong katawan. Kung kanina ay nag-uumapaw ang kanyang kaligayahan. Ngayon, umiiyak ang kanyang kalooban.