"Bakit mo naman nasabi iyan, Iha?" Tanong ng ina ng mga Prince.
Ginawa ni Ava ang lahat ng pagpipigil upang hindi sumabog sa inis. Bumuntung-hininga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Balak niyo ho ba talagang ipakasal sa akin ang isa sa mga anak niyo?"
"Oo naman. Kaya nga tayo nandirito. Hindi ba?"
"Eh bakit ganito? Ang isa niyong anak na ipinakilala ay may kapansanan. Ang pangalawa naman ay bakla. Siguro naman naiintindihan niyo ako kung iisipin kong minamaliit niyo ako dahil sa estado ko sa lipunan. Kung napilitan lamang kayo dahil sa utang-na-loob ninyo sa aking ama, ngayon pa lang, sinasabi ko sa inyo, hindi niyo ito kinakailangang gawin."
Tumawa si Ginang Prince. "Iha, huwag kang mag-isip ng ganyan. Gaya ng sinabi ko kanina. Ang pag-iisang dibdib na ito ay kagustuhan din namin, hindi lamang ng iyong ama. Sa kasamaang-palad, ganito ang nangyari. Ako ay himihingi ng pasensiya."
Muling humugot ng malalim na hininga si Ava. "Kung ganun, hindi pa rin ako makapagdisisyon mula sa kanilang dalawa. Kaya ngayon, nais kong makilalala ang ikatatlo niyong anak."
Ngumiti ang ginang. "Okay. Lycan Prince, halika na rito at iharap mo ang iyong sarili sa lahat."
Mabilis naman na tumingin si Ava sa may pintuan. Lihim na nananalangin na sana ang lalaki ay hindi katulad sa dalawang nauna. Umaasa siya na matino ang binata. Walang kapansanan at tunay na lalaki. Kung ang panghuling lalaki na haharap sa kanya ay mas malala pa sa dalawa, siguro ay mababaliw na siya.
Tahimik na nakatuon ang tingin ng lahat sa unti-unting bumubukas na pintuan. Nang tuluyan nga itong bumukas, lumantad sa kanila ang kumikinang na itim na mamahaling sapatos ng lalaki, kasunod ng matataas nitong mga binti, at perperkto nitong katawan.
Umaasa na siya na nga ang lalaki para sa kanya, tinitigan ni Ava ang lalaki mula paa, papunta sa binti, at papunta sa katawan hanggang sa umabot sa mukha ng binata. Sa oras na lumantad na ang mukha ng binata sa kanyang paningin, napanganga si Ava at halos mahulog ang mga mata dahil sa labis na pagkagulat.
Nakalimutan ata ng dalaga ang mga sinabi kani-kanina lamang at itinaas bigla ang takip na veil sa mukha pagkakilala sa lalaki upang matitigan itong mabuti.
"Ikaw?" Wala sa sarili na bulong ni Ava sa sarili.
Ngumiti ng pagkatamis-tamis ang lalaki sa kanya kanya napangiti rin si Ava pabalik. Dahil din sa ngiting iyon, muling lumitaw sa isipan ng dalaga ang pangyayari ng kanilang unang pagkikita.
Kinikilig si Ava habang hindi inaalis ang titig sa lalaki na kung saan papalapit sa kanya.
Suot ang mamahaling puting tuxedo at slacks, pinarisan pa ng puting ribbon sa may dibdib, nagmukhang prinsipe si Lycan habang dahan-dahan na papalapit sa dalaga. Nag-uumapaw ang kanyang kagwapuhan, kakisigan, at karisma kaysa sa dalawang nauna. O mas tamang sabihin na, nasa kalingkingan lamang niya ang aking kagwapuhan, kakisigan, at karisma ng dalawang nakakabatang kapatid. Para bang sinalo niya ang lahat ng biyaya noong siya ay ipinanganak.
Mula paa hanggang ulo, talagang walang maipintas sa kanya ang lahat. Kahit na sa paglalakad pa lamang ay nag-uumapaw na ang kanyang pagiging maginoo, kumpyansa sa sarili, katalinuhan, at karisma. Ang kanyang hitsura at kabuuan ay kaakit-akit at talagang papangarapin ninuman.
Huminto ang binata sa kanyang harapan. Bahagya siyang niyukuan dahil sa mas mataas ang binata sa kanya at muling binigyan ng napakatamis na ngiti.
"Hi, I'm Lycan Prince. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Miss Ava Miguel, ikinagagalak kitang makilala." Tuloy-tuloy na pagpapakilala ng binata sa dalaga.
Napakurap ng mga mata si Ava saka wala sa sariling sumagot ng 'hi' pabalik. Wala talaga siyang pakialam kung ano ang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid sa mga oras na iyon. Walang pagpipigil niyang ipinakita sa lahat na ang lalaking kaharap lamang ang nakikita ng kanyang mga mata.
Ang lalaki naman talaga ay parang Angel sa kagwapuhan. Matino ito at walang kapansanan. Sa kanyang simpleng ngiti, sapat na upang pakiramdam ni Ava ay idinuduyan siya sa kaulapan dahil sa umaapaw na kaligayahan.
Matagal niyang hinanap ang binata pagkatapos noong araw ng kanilang unang pagkikita. Ngayong nahanap na niya ang lalaki at iniharap sa kanya upang piliin na maging asawa. Papakawalan pa ba niya ang suwerteng inihain sa kanya?
"So Iha, anong masasabi mo kay Lycan?" Tanong ni Gng. Prince.
Napakislot si Ava nang makaramdam ng tapik sa braso. Nang nilingon niya ang may gawa, narinig niyang nagsalita ito. "Kinakausap ka ni Tita. Sabi niya, ano raw ang masasabi mo kay insan Lycan."
"Auh ganun ba." Parang tanga na napatango si Ava saka hinarap muli ang ginang. "Mama, masasabi kong napakasuwerte mo at binayayan kayo ng tatlong mabubuting anak. Masasabi ko na lahat sila ay mga outstanding man."
Napatango-tango lamang ang nangingiting ginang. Samantalang nagpipigil naman sa kanilang mga tawa ang ibang naroroon. May kakaiba sa kanilang mga ngiti at tingin. Ngunit dahil sa kasiyahan, hindi ito napansin ni Ava.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Ava. "Pero sabi nga nila, masama raw na unang mag-asawa ang mas nakakabata sa mga magkakapatid. So, pinipili ko si Lycan. Dahil siya ang panganay sa lahat."
Malutong na halakhakan ang umugong sa loob ng Hall bago nagawa ng ginang na magsalita. Bakas sa mukha ang labis na tuwa. Para bang siya ang ikakasal. "Iha, sinasabi kong hindi ka nagkakamali sa iyong desisyon. Kung ganun, huwag na tayong mag-aksaya pa ng panahon. Simulan na ang kasal."
"Saglit!" Itinaas ni Ava ang kamay.
"May problema pa ba, Iha?" Nawala ang ngiti sa mga labi ng ginang at bumakas ang pag-aalala sa mga mukha nito. Kaagad din na umugong ang bulung-bulungan sa loob.
Ngumiti si Ava. "Huwag ho kayong kabahan, mama. Wala hong anumang problema. Ang gusto ko lang ay madaliin ang kasal. Hindi na kailangan ang marami pang seremonya."
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo na tanong ng lalaki ng katabi ni Gng. Prince.
Ngumiti lamang si Ava at kaagad na hinarap si Lycan na ngumiting muli sa kanya. Kinuha ng dalaga ang mga kamay ni Lycan at malakas na sinabing, "I do! Ako, Ava Miguel, ay pumapayag na magiging asawa mo."