Kabanata 5

1297 Words
"Anong sabi mo?" Lumaki ang mga mata ni Ava dahil sa pagkagulat. "Ang sabi ko, hindi ako ang lalaking magpapakasal sa'yo. So meaning, iyang mga pamahiin na pinagsasabi mo, hindi mangyayari yan." "Kung hindi ikaw ang papakasal sa akin eh di sino?" Tinapunan ng lalaki ang dalaga ng makahulugang tingin saka napangiti. "Alam mo Miss Ava. Gustuhin ko mang sagutin ang tanong mo ng diritsahan. Hindi ko magagawa." Kumunot ang noo ng dalaga. "Anong ibig mong sabihin? Naglolokohan lang ba tayo dito?" Lumingo-lingo ang binata. "Hindi nga ako ang papakasalan mo at hindi ko rin alam kong sino ang ipapakasal sa iyo ng Prince Family." Biglang sumigaw ng pagka-lakas-lakas ang dalaga. "Anong ginagawa mo?" Nagpa-panik na tanong ng lalaki. "Ihinto mo!" "Ano?" Nanliit ang mga mata ng lalaki. "Sabi ko, ihinto mo ang sasakyan! Bingi ka ba? Lintik naman oh!" Inagaw ng dalaga ang manibela, dahilan upang mag-ekis-ekis ang kanilang takbo. Ginawa naman ng lalaki ang lahat ng makakaya upang hindi sila mabangga sa kung saan-saan. "Anong ginagawa mo? Huminahon ka nga? Madidisgrasya tayo nito sa ginagawa mo." "Kapag ito hindi mo hininto. Mababangga talaga tayo. Subukan mo pa ako." Seryosong banta ng dalaga. "Seryoso ka ba? Akala ko ayaw mo pang mamatay?" Pagbibiro ng lalaki. Tumalim ang tingin ni Ava. "Mukha ba akong nagbibiro para sa iyo?" "Mukhang hindi." Huminga ng malalim ang binata tapos ay napalingo. Tuluyan na siyang bumigay sa dalaga. "Okay, heto na. Ihihinto ko na. Kumalma ka na." Inihinto nga ng binata ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Nang ito nga ay tuluyang huminto, biglang lumundag sa kanya si Ava. Hinablot nito ang collar ng suot na polo ng pagkahigpit-higpit. "Ano na naman ba ito?" Gulat na tanong ng lalaki. "Kababae mong tao, bigla-bigla ka lang lulundag sa akin. Tigre ka ba o aso?" Ngumisi si Ava pagkatapos ay tinaasan ng kilay ang binata. "Pangalan?" "Huh?" "Lintik! Anong pangalan mo?" "Auh, ako si Lorence Dela Puerte." "Ano? So hindi nga ikaw ang papakasal sa akin. Hoy lalaki, niloloko mo ba ako?" Itinaas ng babae ang kamao at bantang isusuntok sa binata. "Isang maling sagot at malilintikan la talaga sa akin. Porke ba babae ako, pinaglalaruan niyo lang ako. Now, sabihin mo sa akin. Sino ka at sino ang papakasal sa akin?" Tumawa ang lalaki. "Miss Ava. Hindi nga ako nagbibiro. Ako nga si Lorence Dela Puerte at ang papakasalan mo ay anak ng tiyahin ko. Hindi ko nga lang din alam kung sino talaga ang magiging husband mo kasi ikaw pa pipili sa kanilang tatlo. Gets mo?" "Ano?" "Kung nakikinig ka lamang sa akin kanina. Sinabi ko ng ikaw ang pipili ng groom mo. So basically, hindi ko alam talaga." Napasalpak ang dalaga sa kanyang kinauupuan at napakalmot sa ulo. "Anong kalokohan ito? Diyos ko naman. Anong klaseng laro itong napasok ko?" Biglang may kumatok sa pintuan ng kanilang sinasakyang kotse. Nang ibinaba ni Lorence ang bintana ng sasakyan, dumungaw mula sa labas ang isang malaking lalaki. Sa tindig at porma ng katawan nito na halos lumubo na ang suot na damit dahil sa mauumbok nitong mga muscles, halatang madalas mag-gym ang lalaki at expose sa martial arts ang katawan. "Young Master, ano ho ang nangyayari dito. Okay lang po ba kayo?" Umayos ng upo si Lorence at tumango. "Maayos naman kami dito. Masyado lang akong naaliw dito sa kasama ko at hindi ko mapigilan ang matawa. Kaya, bumalik ka na sa sasakyan mo at tutuloy na tayo." "Yes." Umalis na nga ang nasabing lalaki. Isinara na rin ni Lorence ang bintana ng sasakyan at pinatakbong muli ang kotse. Sinulyapan ni Lorence ang dalaga na siyang tumahimik na rin sa kanyang tabi. Napansin niya na mukhang malalim ang iniisip ng dalaga. "Anong iniisip mo ngayon? Hindi ka pa rin ba kumbensido sa sagot ko?" Tanong ng lalaki habang nagmamaneho. "Huwag kang mag-alala. Wala naman kaming balak na masama sa iyo." "Huwag mo nga akong kausapin." Inis na pinaikutan ni Ava ng mga mata ang binata at muling itinuon ang mga tingin sa labas habang ipinatong sa palad ang kanyang ulo. Mukha ngang walang balak na makipag-usap ang dalaga sa binata kaya tumahimik na rin ito at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Sa loob ng mahabang byahe, nakatulog ang dalaga. Matapos ang halos isa at kalahating-oras na byahe, pumasok ang mga sasakyan sa isang engranding gate na may nakapulupot na mga dekorasyon, tanda ng may ikakasal sa loob. Umikot pa sila sa isang malawak na ground na hugis pabilog saka huminto sa isang malaking bahay. Ang bahay ay kasingtulad ng isang palasyo ng mga nasa kuwento. Nagtutulisan ang mga naglalakihan at naggagandahang mga bahay na halos gawa pa sa ginto at diamonds. Nagkikislapan ito kapag tinatamaan ng sikat ng araw. Halatang nag-uumapaw ang angking yaman ng pamilya Prince. Sa paligid, marami ang mga palakad-lakad na mga guwardiya upang panatilihin ang kaligtasan at katahimikan ng lugar. May mga house post din na may mga guwardiyang nakabantay sa bawat sulok ng palasyo. Ang lugar ay talagang halos makikita lamang sa mga fairy tale. Sobrang maganda at kahali-halina ang paligid. Presko ang samyo ng hangin na may dala pang nakakaakit na mabangong amoy ng mga sari-saring bulaklak na nakahilera sa bawat gilid ng mga daanan. Tinapunan ni Lorence ng tingin ang dalaga bago nito marahang tinapik sa may braso. "Miss Ava, gising na. Nandito na tayo." Hindi naman malalim ang tulog ni Ava kaya agad niyang naramdaman ang tapik ng binata. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at kaagad namang napamangha sa mga nakikita. "Oh My God, totoo ba ito? O panaginip ko lang ang mga ito?" Tinapik-tapik ni Ava ang mga pisngi sabay lingo-lingo sa ulo. Nang makaramdam ng sakit, napangiwi siya. "Masakit. Mukhang totoo nga ito. Ang gara naman nitong lugar." Inikot ng dalaga ang tingin sa paligid at halos lumuwa ang mga mata at maglaway ito sa sobrang ganda ng paligid. "Napakaganda at napakalaki. Ang dami pang mga naggagandahang mga bulaklak at naglalakihang mga bahay. Mukha namang mga lungga ito ng mga may dugong-maharlika." Tumawa si Lorence. "Isipin nating ganun na nga. Miss Ava, please come down." Naunang bumaba si Lorence at mabilis na inalalayan ang dalaga. Maliban sa mga guwardiya at mga maids na padaan-daan sa paligid habang may pinagbibitbit na kung anu-ano, wala ng ibang tao ang naroroon. Napansin ito ng dalaga kaya napakunot-noo siya dahil sa pagtataka. "Hey Mr. Dela Puerte, nasaan ang mga tao dito?" "Just call me Lorence. Masyadong formal iyang Lorence." Pagtatama ng lalaki. "Sagutin mo na lamang ang tanong ko." "Nasa venue na sila ng kasal at hinihintay ang pagdating mo." "Kung ganun, eh anong ginagawa natin dito?" Tiningnan ni Lorence ng kakaiba ang dalaga. Para bang nakatingin ito sa isang tanga. "Ano pa ba sa akala mo? Edi bibihisan ka. Huwag mong sabihin na sisipot ka sa kasal mo na ganyan ang suot." Sasagot pa sana si Ava ng biglang bumukas ang marangyang pintuan ng bahay at doon nagsipaglabasan ang mga nagngingitiang mga bakla. "Good morning Sir Lorence. Good morning Miss Ava." Sabay-sabay nilang bati. "Good morning din. Oh, heto na siya. Pakibilisan ang pag-ayos sa kanya. Naghahabol tayo sa oras." "Masusunod." Hinatak na ng isang bakla ang kamay ni Ava papasok ng bahay. Nag-aalangan namang nagpatianod sa paglalakad si Ava lalo pa ng mapansin na hindi sumusunod si Lorence. "Hindi ka sasama sa loob?" Tanong ni Ava. Tumaas ang isang kilay ni Lorence. "Ano naman ang gagawin ko sa loob? Magpapalapa sa mga gutom na tigre?" Kumaway ang binata. "Sige na. Ipasok niyo na iyan." "Hey, wait. Saglit. Ayoko." Nagpupumiglas pa si Ava ngunit wala siyang magawa dahil sa itinulak na siya papasok sa loob at saka pinagsarhan ng pintuan. Mula sa labas, tanging ang sigaw na lamang ng dalaga ang narinig ng binata at hindi niya mapigilan ang mapalingo saka bumuntung-hininga ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD