"My father?" Kumunot muli ang noo ni Ava at maya-maya ay napatawa. "Imposible naman ata yung sinasabi mo? Paano naging involve ang papa ko dito eh mahigit isang taon na siyang patay?"
"Miss Ava, mas mabuti pang sumama ka na lang sa amin at harapin ang aming pamilya. Baka mas lalo mong maintindihan ang mga nangyayari kung makakausap mo ang aking ina." Paliwanag ng lalaki.
"Bakit naman ako sasama sa iyo? Eh hindi nga kita kilala? Ni hindi nga nakalagay ang pangalan mo sa wedding invitation na iyan. Aba, malay ko ba kung kani-kanino niyo lang ako ipapakasal?"
"Do I look like a bad person?"
"No."
"Since not, then sumama ka na sa amin." Tumingin ang lalaki sa kanyang suot na mamahaling relo at kaagad na bumakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. "Miss Ava, kakapusin na tayo ng oras kapag hindi pa tayo aalis. Please come with me. Kung babalik akong hindi ka kasama, lagot ako sa pamilya ko."
"Napakadespirado naman nito." Sabi ng may edad na babae. Isa siya sa mga pamilya ng mga magsisipagtapos. "Kailangan s*******n talaga? Aba iha, huwag kang sumama. Baka naman miyembro ng sindikato ang mga iyan."
Hindi pinakinggan ng lalaki ang sinabi ng matanda. Tahimik lamang ito habang nakatitig kay Ava. Ang salita lamang ng dalaga talaga ang kanyang inaantay.
Tinitigan ni Ava ang lalaki at sinalubong naman ng huli ang kanyang mapang-usisa na tingin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ramdam naman ni Ava na walang binabalak na masama ang binata.
Binuklat ni Ava ang sulat at pahapyaw itong binasa. Walang duda naman na nanggaling nga sa sariling ama ang sulat. At kung hindi siya nagkakamali ay isinulat ng ama ang sulat na iyon noong araw bago siya tuluyang malagutan ng hininga.
Napaluha si Ava ng mabasa ang laman ng sulat. Nang siya ay matapos na, pilit niyang kinalma ang sarili. Tinupi niya ang sulat habang pasinghot-singhot. Hinayaan lamang siya ng lalaki at kabadong hinintay ang kanyang desisyon. Nang muling magsalita si Ava ay maluwag na napabuntunghininga ang lalaki. "Kailangan ba natin na umalis ngayon-ngayon na?"
"Oo. Kung hindi, kakapusan tayo sa oras."
"Pero araw ng graduation ko ngayon? Ang bastos ko naman kung basta-basta na lang ako aalis, tama? Kailangan ko pang magpaalam sa mga guro ko."
"Hindi na kailangan. Sa katunayan, bago kami pumunta dito ay nagpaalam na kami sa adviser mo na susunduin ka namin."
"Bakit kailangan ngayon niyo talaga ako sinundo? Alam niyo naman na mahalaga sa akin ang araw na ito?"
Tumango-tango ang lalaki. "Pasensya ka na. Hindi namin na-consider ito. Naniniwala kasi ang buong pamilya na swerte ang araw na ito kaya.."
Bumuntung-hininga ng malalim si Ava. "Sige na nga. Umalis na tayo."
"Okay." Lihim namang nagpasalamat ang lalaki. "Ay salamat at pumayag."
Nagkatinginan ang lahat ng marinig na pumapayag ang dalaga. Marami mang pamimintas ang nasa kanilang mga isipan ay pinili na lamang nilang manahimik upang makaiwas sa g**o. Ngunit hindi mapigilan ng magkaibigan na magsalita ng nakakainsulto.
"Ay, talagang sasama siya sa kanya?" Tumawa si Lara ng nakakainsulto. "Hay, hindi na nakakapagtataka. Sino ba naman ang makahindi sa pera?"
Hindi rin mapigilan ni Sophie ang sumabad. "Buong buhay niya ay kapos siya sa pera. Kung ako din naman sa katayuan niya, hindi ako hihindi kung sigurado naman na ang kakapitan ko ay napakalaking binti. Mamumuhay reyna na ako."
Tumigil si Ava sa paglalakad at nilingon sila. Tumawa pa ito bago nagsalita. "Alam niyo, tama kayo. Bakit ko nga naman pakakawalan ang pagkakataong ito kung magbubuhay reyna ako pagkatapos nito. Pero isang bagay ang segurado ako. Namamatay kayong tatlo ngayon sa inggit."
"Huh," Magkasabay na humalakhak ang magkaibigan.
"Kinakapos ba kami sa pera o sa gwapong lalaki?" Sagot ni Lara.
Kumibit ng balikat si Ava. "Hindi ko alam. Who knows? Hindi naman ako nagbabantay ng buhay niyo dahil hindi ako interesado. Isa pa, walang bayad." Tiningnan niya ang lalaking lihim na napapangiti. "Halika na."
Sa kabila ng kakaibang tingin ng lahat, confident na naglakad si Ava papunta sa mamahaling kotse. Bago pa man niya mabuksan ang pinto upang makasakay, maginoo siyang pinagbuksan ng lalaki. "Miss Ava, please."
Namangha si Ava sa karangyaan ng kotse. Masyado itong maganda at kaakit-akit sa loob. Dahil sa nakikita ay napanganga siya na siya namang ikinatawa ng lalaki. Nang ma-realised ang ginagawa, mabilis na isinara ng babae ang mga bibig at sumakay sa loob, nagkunwari na walang nangyari.
Pilit na pinigilan ng lalaki ang mapatawa ng malakas. Nang siya ay sumakay na rin, bumalik siya sa dating seryosong lalaki at pinaandar ang sasakyan. Sumunod naman sa kanila ang mga escort nila nang ang kanilang sasakyan ay tumatakbo na papalayo sa lugar.
Nang sila ay nasa byahe na, hindi mapakali si Ava. Nais niyang i-satisfy ang sarili. Nais niyang i-interrogate ang lalaking tahimik na nagmamaneho pero hindi niya magawa. Nag-aalala siyang ma-offend ang lalaki. Gusto niyang magsalita ngunit tumahimik din sa huli.
Napansin ng lalaki ang kanyang kakaibang kinikilos mula sa gilid ng mga mata kaya ito na mismo ang unang nagsalita. "Sabihin mo na."
"A huh?" Kumurap ang mga mata ni Ava habang sinulyapan ang katabi. "Ang alin?"
"Alam kong may gusto kang sabihin. So sabihin mo na. Huwag mong itago lang iyan sa sarili mo."
"Eh," Napakalmot sa ulo si Ava, nag-aalangan. "Umamin ka nga. Gusto mo ba ako?"
Biglang umekis ang sasakyan dahil sa napaubo ang binata dahil sa kanyang sinabi. Napasigaw naman si Ava sa gulat. "Oh mag-ingat ka naman. Eto nga sinasabi nila eh. Hindi magandang lumalabas-labas ng bahay kapag ikakasal ka na. Bakit ba kasi ikaw pa ang sumundo sa akin? Hindi ba kayo naniniwala sa ganun?"
"Naniniwala, siyempre." Bumagal bahagya ang takbo ng sasakyan ng makabawi ang lalaki sa nakakapangilabot na tanong ng dalagita.
"Eh bakit ka nga nandito? Bakit ikaw ang sumundo sa akin gayong alam mo ang tungkol dito? O baka naman balak mong hindi matuloy ang kasal at magpapanggap kang maaksidente kasama ako? Aba Kuya, ang bata-bata ko pa at hindi ko pa gustong mamatay. Gaya ng karamihan, hinanahanap ko yong Prince charming ko. So kung ayaw mong magpakasal, sana sinabi mo na lamang sa mga magulang mo ng maayos. Hindi mo kailangang gawin ito."
Kumunot ang noo ng lalaki. Bahagya siya nitong sinulyapan sa pamamagitan ng gilid ng mga mata. "Kalma ka lang, okay? Sinabi ko bang ako ang papakasalan mo?"