"Oo, ako nga." Magalang na sagot ni Ava. "May kailangan po ba kayo sa akin?"
Hindi na sumagot ang nasabing binata. Dumukot na lamang ito ng isang pulang envelop sa may bulsa sa may bandang dibdib at iniabot sa dalaga.
"Para sa akin 'to?" Alanganin na kinuha ni Ava ang envelop. "Ano ito?"
"Invitation."
"Invitation?" Kumunot ang noo ni Ava. Hindi na siya nagtanong pa at kaagad na sinuri ang labas ng envelop.
Tahimik namang nakamasid ang lahat. Bakas sa kanilang mga mukha ang kuryosidad at talagang kanilang inaabangan ang mga susunod na mangyayari. Higit pa dito ay nagtataka rin sila kung paano nakilala ng isang anak-pawis ang mayaman na binata.
"Hey handsome, kilala mo ang anak-iskwater na iyan?" Gulat na tanong ng kaibigan ni Sophie. Hindi siya pinansin ng lalaki kaya mas lalong nainis ang supladang dalaga. "Napakaimposible naman. Halos lahat ay ayaw sa kanya kaya paano ka nagkaroon ng kaugnayan sa babaeng iyan? Alam mo bang saksakan ng malas ang pangit at mabahong anak-lupa na iyan?"
"And you are?" Nilingon ng lalaki ang babae. Ang malambing na boses nito ay nahaluan ng kaunting inis.
"Ako si Lara Ruiz. Itong dalawa kong kasama ay sina Sophie De Guzman at Thea Ruiz, my cousin— Wait? Hindi mo kami kilala? Our families are two of the richest family in this city."
"Wala akong panahon para kilalanin kung kaninong less-important family kayo nanggaling."
"Anong sinabi mo?" Sinakop ng galit si Lara dahil sa narinig. Susunggaban sana niya ang lalaki ng bigla siyang pigilan nina Thea at Sophie sa magkabilang braso. Lumingo ng sabay ang dalawa ng tapunan niya ang mga ito ng mabangis ng tingin. "Anong ginagawa niyo? Bitawan nyo ako at nang maturuan ko ng leksyon ang bastos na lalaking iyan. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya?"
"Pero insan, huwag kang magpadalos-dalos. Mukhang makapangyarihan ang lalaking iyan." Bulong ni Thea si kanya. "Mapapasama lang tayo. Isa pa, hindi natin siya kilala. Ngunit siguradong hindi basta-basta ang pamilya niya. Tingnan mo nga naman ang nga sasakyan na humatid sa kanya."
"Tama." Sang-ayon ni Sophie.
"Huwag niyong sabihin na natatakot kayo sa kanya?" Hindi makapaniwala na tiningnan ni Lara si Sophie. "Sophie, hindi ba't ang pamilya ninyo ang pinakamainpluwensiyang pamilya sa lugar natin? So bakit parang natatakot ka sa impaktong iyan?"
Napalingo-lingo ng ulo ang lalaki at biglang sumabad na siyang dahilan upang muling mapukol sa kanya ang atensyon ng lahat. "Wala akong panahon para makinig ng inyong bangayan. But here's a warning. We don't allow anyone to insult a member of our family. Otherwise… I think you're a smart girl. Hindi ko na kailangan pang magsayang ng laway upang maintindihan niyo kung ano ang nais kung ipabatid."
"A family member?" Nalilitong tanong ng lahat. Nagkatinginan pa sila. Hinahanap nila sa ekspresyon ng bawat isa ang kahulugan ng mga salita ng misteryosong lalaki.
Kahit si Ava ay naguguluhan din. Kaya hindi nito napigilang mag-usisa muna bago tuluyang buksan ang envelop na hawak-hawak. "Sinong family member ang tinutukoy mo? Imposible namang ako iyon?" Biglang napahalakhak si Ava sa sinabi. "Ang swerte ko naman kung totoo iyan."
"Ikaw nga." Seryosong sagot ng lalaki.
"Ano?" Napanganga si Ava sa gulat lalo na ang mga manonood. Hindi nila akalain na ang pinagtatawanan nila at hinahamak-hamak na dalagita ay isa palang mayaman. "Nagbibiro ka ba? Ano to? Prank niyo? Well salamat. Napasaya ako kahit papaano."
"Mukha ba akong nagbibiro? It's the truth."
"Imposible!"
"Napakaimposible nga naman." Sumabad si Sophie sa usapan. Ngunit wala na ang kaninang yabang. "Ang pagkakaalam namin ay ulila na siya at wala rin kaming naririnig na mayroon siyang kamag-anak na kasingyaman ninyo. Tingnan mo nga naman ang suot niya. Halatang mumurahin lamang ang mga ito."
"Who asked you to speak?" Sabi bigla ng lalaki. "I advise you to close your mouth. It stinks."
"Bastos ka auh!" Sigaw ni Sophie.
Hindi na pinagtuunan ng pansin ng lalaki si Sophie. Para bang ang presensya nito ay walang kwenta para sa kanya.
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Ava. "Wait, brother. Pwedeng malaman kung ano ang pangalan mo? Paano tayo, ikaw at ako, naging pamilya?"
"Malalaman mo lamang yan kung bubuksan mo ang envelop."
"Ito?" Itinaas ni Ava ang sobre at tinitigan. Hindi niya talaga maipaliwanag ngunit may kakaiba siyang nararamdaman habang hawak-hawak ang envelop.
Bumuntung-hininga siya at dahan-dahan na binuksan ang envelop. Nang makita ang nakasulat, napasigaw siya at naitapon ang sobre.
Nagtaka naman ang mga manonood.
"Anong ibig sabihin niyan?" Nanlalaki ang mga mata na tinitigan ni Ava ang lalaki habang nakaturo sa envelop na kanyang naitapon ngunit mabilis namang nasalo ng lalaki. "Bakit nakasulat ang pangalan ko sa ikakasal sa wedding invitation na iyan?"
"Wedding invitation?" Wala sa sariling sambit ni Lara. "Ikakasal siya? Ikakasal kayong dalawa? Hindi ka naman ata bulag para magustuhan ang impaktang iyan? Hindi kayo bagay."
"Huwag ka ngang bastos!" Inis na pinukulan ng tingin ng lalaki si Lara. "Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang asal? Huwag kang basta-basta na lamang sumabad sa usapan ng may usapan. Walang humihingi ng opinions mo."
"You— hmmp. Bagay nga kayong dalawa." Asik ni Lara.
"Ano ba talaga ang ibig sabihin nito?" Tawag ni Ava sa atensyon ng lalaki pabalik sa kanya. "Sino ka ba? At saka Brother, hindi ka naman pangit. Bakit ka basta-basta na lamang namumulot ng babae para pakasalan. Hindi mo ba narinig ang sinabi nila. Ako ay pangit at anak lamang ng isang mahirap na pamilya. Hindi talaga tayo bagay. Ang posisyon natin sa buhay ay langit at lupa."
"Whoever told you you're ugly is the ugliest one. Whoever laughed at you is the laughable one. Miss Ava, you're amazing."
"Sinasabi mo bang pangit kami?" Sabad ulit ni Lara dahilan upang pagbulungan at tapunan sila ng kakaibang tingin ng mga tao sa paligid.
"Sabad siya ng sabad, hindi ba siya nahihiya?"
"Sa palagay mo ba ay may hiya ang magkakaibigang iyan? Kanina pa nga sila pinapahiya pero hindi pa rin tumitigil. Kung ako sa kanila, kanina pa ako kumaripas ng takbo palayo dito."
"Hindi na nakakapagtaka iyan. Mga spoiled kasi."
"Shut up!" Magkasabay na bulyaw ni Lara at Sophie sa mga nagsalita.
"We better leave here." Mungkahi ni Thea sa dalawa.
"No!" Magkasabay naman na tumanggi ang dalawa. Napatahimik na lamang si Thea sa kanilang tabi.
Hindi naman sila pinagtuunan ng pansin ng dalawa.
"Bakit ako?" Tanong ni Ava. "Marami namang magaganda at mayayaman diyan. From that entourage of yours and your looks, it's impossible that you're lacking women."
Hindi sumagot ang lalaki. Muli ay humugot ito ng isang nakatupi na puting papel sa loob ng bulsa kanyang trousers at iniabot kay Ava. "Here. Everything will be clear pagkatapos mong basahin ang sulat na iyan."
"At kanino naman ito galing?"
"Your father."