Chapter 49 Kamari’s Pov NASA office kami ngayon at nandito pa rin ang nakakainis na secretary ni Evander. Halatang naasar din siya sa akin ng makita niya ako pero ayaw kong magpatalo sa kanya kaya tinaasan ko din siya ng kilay ko. Hindi naman ako pinipigilan ni Evander na lumabas ng office niya. Hangga’t hindi ako lumalabas sa building ay ayos lang. Ang alam ko kasi ay may darating na bisita si Evander. Naka schedule daw yun kaya hindi na siya kumontra pa na lumabas ako ng office niya. Katext ko ang kaibigan kong si Rosalie habang nakatayo ako dito sa gilid. Hindi kasi ako lumalapit sa pwesto ni Yasmin at baka mabato ko pa siya ng cellphone ko kapag naasar ako sa kanya. Nakakabwisit pa naman pagmumukha niya. Gusto ko ngang papuntahin dito si Rosalie eh para may kakampi ako. Para nama

