Chapter 50 Kamari’s Pov NAKAALIS na ang mga bisita ni Evander pero panay parin ang isip ko sa isang lalaki. Ang pangalan niya ay Denver. Sa pakikipag usap niya kanina kay Evander ay mukhang maayos naman siya. Business ang pinag uusapan nila at nakikita ko naman na walang halong kalokohan ang pinunta nila sa kumpanya ni Evander. Pero minsan ay panay ang sulyap niya sa akin. Nakaupo lang kasi ako kung saan ang office table ko. Kunwaring may ginagawa ako pero ang tainga ko ay nakikinig sa pinag uusapan nila. Iba kasi ang pakiramdam ko sa lalaking yun. Hindi ko din alam kung bakit pero hindi ko gusto ang ginagawa niyang pagsulyap sa akin. Hindi ko lang alam kung napapansin ni Evander ang pagsulyap sa akin ng lalaki. Pinauna na din ako ni Evander kumain dahil alam niyang may kasabay a

