Chapter 51 Kamari’s Pov LUMIPAS PA ang ilang linggo at mas lalo pang lumalala ang bangayan namin ni Yasmin. Gusto ko ng ipalo sa ulo niya ang sapatos kong may takong para makita ko kung anong laman ng utak niya. Nag eenjoy akong kaaway si Yasmin. Dahil siguro sa wala akong magawa sa office kaya sinasabayan ko na lamang ang kabaliwan niya. Siya naman kasi ang nagsisimula at kapag pinatulan ko ay nagagalit ang baliw. Siya pa may ganang mag taray at mag walk out dahil binanatan ko ng salita. Tuwang tuwa nga si Rosalie kapag nalalaman niya na nagbabangayan na kami ni Yasmin. Nakakatuwa kasi siya kaaway. Asar talo amputa! Hindi niya ako maasar kasi wala namang dahilan para maasar ako. Bukod sa may lalaking nagmamahal sa akin ay maganda din naman ako kaya ano ba ang dapat kong ikaasar. N

