Chapter 52 Kamari’s Pov NAG DATE kami ni Evander sa isang restaurant. Pero ewan ko ba, kanina pa ako may nararamdaman na kakaiba. Para bang may mga matang nakatingin sa amin. Kanina pa tuloy ako tingin ng tingin sa paligid. Panay ang tingin ko sa mga kumakain at baka may kakilala ako. Ngunit wala naman. Mga sosyal na tao ang kumakain dito kaya wala talaga akong makikilala. Naguguluhan ako kung bakit ganun na lamang ang nararamdaman ko. Hindi ko na nga lang sinasabi kay Evander. Nahalata kasi niya na panay ang tingin ko sa paligid kaya tinanong niya ako kung okay lang ba daw ako. Kumain na lamang ako ulit at pinagwalang bahala ang nararamdaman ko sa paligid. Baka kasi guni-guni ko lang talaga. “Hindi ba masarap ang pagkain na inorder mo, agapi mou? Bakit parang wala kang gana kuma

