Chapter 24 Kamari’s Pov MAAGA kaming gumising ni Evander dahil balak kong umuwi sa bahay ni lola Dolores. May kukunin lang akong mga gamit at babalik din kami agad sa bahay. Balak ko sanang umalis na hindi kasama si Evander. Kagabi ko pa talaga siya pinagplaplanuhan na takasan ngayong araw pero mukhang alam niya ang pinaplano ko dahil mas nauna pa siyang nagising sa ‘kin. Nagbibihis na ako ng simpleng dress para diretso na. Tinatamad kasi akong mag pantalon. Mainit din naman ang panahon kaya mas okay na naka dress lang ako. Si Evander naman ay panay ang tingin sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong meron at panay ang tingin niya. “Bakit panay ang titig mo, my love?” Tanong ko habang inaayos ang dress kong suot. Kulay peach kasi ‘to. Nagustuhan ko lang ang kulay kaya sinuot ko. An

