Chapter 25 Kamari’s Pov NAKUHA ko na ang kailangan ko sa dati kong tinutuluyan na bahay. Sumama sa akin si Evander kaya ang mga mata na naman ng mga kapitbahay kong musang ay panay na naman ang tingin sa akin. May pag tsi-tsismisan na naman kasi sila. Pero ayos lang sa akin. Mas gusto ko pang matsismis sa isang gwapong lalaki kaysa nama sa isang tambay na walang toothbrush-toothbrush. Lumabas na kami ni Evander at siniguro kong nakalock ang pinto. Kahit hindi na ako dito nakatira ay kailangan ko pa rin masiguro na nakalock ang bahay na ‘to. “Hindi ba’t gusto mong ipaayos ang bahay na ‘to, agapi moú?” Tanong ni Evander sa akin. Napanguso naman ako. “Oo. Gusto ko sana. Pero gusto ko galing sa pinaghirapan ko. Gusto ko yung katas sa dugo’t pawis ko ang gagamitin kong pera para maipa

