Chapter 10 Kamari's Pov NAGISING ako dahil sa sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napakurap-kurap ng ilang beses. Napansin ko na parang iba yata ang kwarto na 'to. Sa pader pa lang ay alam ko na hindi ko bahay 'to. Napabalikwas ako ng bangon at nakita sa paanan ko si sir Evander. Nakatayo siya at seryosong nakatitig sa 'kin. Hindi na ako magtatanong kung nasa'n ako dahil alam kong nasa bahay niya ako. "A-Anong.. nangyari?" Tanong ko pa upang mawala ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh wala naman akong ginawang masama bukod sa uminom lang ako ng alak kasama nga trabahante ng kompanya niya. Wala naman yatang mali do'n. "Bakit ka nakipag inuman?" Tanong niya sa malamig na boses. Parang tumayo lahat ng balahibo ko dahil kinikilab

