Chapter 9 Kamari's Pov HINDI ko sinabi kay sir Evander na may lakad kami mamayang hapon kasama si ma'am Tanya. Hindi din naman nagsasalita si sir Evander simula pa kanina kaya hinayaan ko nalang. Bahala siya sa buhay niya. Nandito ako ngayon sa table ko at nakatitig sa sahig. Yung boss ko, ayaw akong bigyan ng gagawin. Kaya heto ako.. naka upong maganda. Sinubukan kong lumingon sa gawi ni sir Evander at nakitang seryoso siyang nakatitig sa hawak niyang papeles. Napangiti ako dahil busy siya ngayon, mabuti nalang at hindi siya busy sa pagtitig sa 'kin. Tumitig nalang ako sa cellphone ko at hinayaan ang boss kong may dalaw. Lumipas pa ang mga ilang oras ay dumating na ang uwian. Nakita ko naman si sir Evander na tumayo na sa swivel chair niya. Ako naman ay tumayo na din sa upuan ko

