Samara Nairita ako kay James kaya iniwanan ko siya sa sala! Ang lakas ng loob na ipagmayabang na may girlfriend siya eh samantalang kung hindi dahil sa Amin ay hindi siya makakaalis doon sa bar dahil gusto girlfriend niya kuno ang gusto niyang susundo sa kanya! Tapos ni pasalamat ay wala man lang? Ang lakas ng apog! Pasalamat siya at mabait ako! Staka….ah basta! Pumasok na lang ako sa kwarto ko para tawagan si Akiro kaso hindi ko naman siya makontak. Ngayon lang nangyari na hindi ko siya makontak kahit ilang beses ko ng dina-dial ang kanyang number. Stk! Baka na low battery ang kanyang cellphone. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na palubog na ang araw. Anong oras pa siya makakarating dito eh maya-maya lang ay gabi na! Dahil naiinis pa rin ako kay James, kung kaya't, humiga na lan

