Samara Ang tahimik ng bahay ng dumating kami ni James pero ang kabog ng dibdib ko dinaig pa ang kaguluhan noong world war two dahil sa lakas ng ingay ng bawat kabog! Kundi dumidistansya ako kay James sa tuwing nararamdaman kong lumalapit siya sa akin. Para akong tanga dahil iwas na iwas ako sa kanya! Pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Nakaka-ilang pero nilakasan ko na lang ang loob ko na imbitahan siya sa loob para makapagpahinga muna siya bago bumalik ng bayan. Nagpaalam muna ako na kukuha ng meryenda niya kaso wala akong ibang maisip na ipa-meryenda sa kanya dahil ng tumingin ako sa kusina ng pwedeng i-alok sa kanya pero wala akong makita dahil ubos na ubos ang mga stocks nina Lola. Palibhasa ay wala namang taong-bahay dito kaya hindi na rin sila nagtira. Napakamot ako sa ulo at pro

