Samara Inabot kami ng gabi sa bahay ni James. Napagdesisyunan ko kasi na linisin ang bahay niya dahil marami-rami na ring alikabok ang nakita ko kanina habang nilibot ko ang kabuuan ng bahay niya. Kahit sa labas marami ring mga layak na dahon ang mga nakakalat. Kahit ang mga damo sa ay nagsisitubuan na rin. Walang nagawa si James kundi ang tulungan ako. Nakita ko ang mga ginawa niya sa amin at hindi ko maiwasan na mamangha. Ang laki ng pinagbago ng palimliman ng mga manok ni Lola. Staka ginawan niya rin ng malawak na paliwagan. Hindi lang ‘yan dahil bumili rin siya ng ilang pirasong drum para pag-imbakan ng tubig. Natuwa ako at lihim akong namamangha sa kasipagan niya. Kahit ang abuhan namin sobrang daming kahoy dahil araw-araw siya na nagsisibak. Halatadong lumaki siya sa hirap. “We c

