Samara Ibinaba ko sa lamesa ang baso na may laman na mango juice. Bago kami mag-almusal kanina, pinagtimpla ako ni James ng mango juice. Galing siya sa palenkge habang natutulog pa ako kanina. At ng malaman ko, nagtampo ako. Hindi man lang niya ako ginising! Pinagmasdan ko siya ng maigi habang nilalagay sa reef ang mga pinamili. Marami-rami iyon kaya naisip ko kung kaya ba namin ubusin yun sa loob ng isang araw. “May ini-expect ka bang bisita na darating?” He looked at me while his hands were on the meat. Umiling-iling siya bilang sagot. “This is our supply for the whole week, Love.” Aniya. Umawang ang bibig ko. Akala ko ba uuwi na kami mamaya? Then excitement filled in my body. “Ibig mong sabihin…one week tayo dito?” bulalas kong tanong. Hindi siya nakatingin sa akin pero kahit

