Chapter 11

2574 Words

"I'D like to make a reservation for two," sabi ni Hugh sa kausap sa cellphone.   Tumawag siya sa Antonio's para makapagpa-reserve para sa date nila ni Becky mamaya. Gusto niya kasing paghandaan dahil una nilang date iyon. Inaaya niya ito madalas kumain pero hindi pa niya ito inaya sa pormal na date. Madalas kasi ay nagmamadali ito para puntahan ang kapatid nito sa ospital. Pero ngayon ay hindi na makakapayag si Hugh na hindi maging espesyal ang date nilang iyon dahil balak niya nang magtapat ng damdamin para dito.   Habang nagtatagal kasi na nakakasama ni Hugh si Becky ay lalong nahuhulog ang loob niya rito. Noong una ay iniiwasan niya ito dahil sa mga issue niya pero mas malakas talaga ang hatak ng karisma ng dalaga sa kanya. Para bang hindi niya kayang tanggihan ang ka-cute-an nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD