MATAPOS maglinis ni Becky sa pasilyo ay naupo siya sa isang bangko sa gilid noon para magpahinga. Medyo marami kasi siyang ginawa kanina dahil nakiusap si Emma na siya na muna ang gumawa ng mga gawain nito dahil kailangan daw nitong umabsent dahil may mahalaga itong pupuntahan. Pumayag naman siya dahil babayaran naman siya nito. Sayang din naman ang kikitain niya at makakadagdag na rin iyon sa ipon niya para sa pambayad utang ng tatay niya. Kaya lang ay hindi niya akalaing hindi kaya ng powers niyang linising mag-isa ang apat na palapag na psychiatric ward na iyon. Okay lang sana kung pagkatapos niyang linisin ang isang bahagi ay wala ng gagalaw noon pero malingat lang siya nang kaunti ay makalat na naman sa paligid dahil sa mga mental patient na gumagala-gala doon. Siya yata ang masis

