"SO IT'S TRUE. You're really here." Napaangat ng tingin si Hugh mula sa binabasang history ng isang pasyente nang marinig ang pamilyar na tinig ng kanyang pinsang si Zoe.
"Ang bilis makarating ng balita sa 'yo. You didn't even knock," masungit na wika niya kay Zoe. Imbes na sumagot ay kumatok muna ito sa nakasarang pinto kahit pa nasa loob na ito ng clinic niya. Masyado siyang seryoso sa binabasa kaya siguro ay hindi niya narinig ang pagpasok nito kanina.
"Grabe! Hindi man lang nagpakita ng excitement na nakita mo ang pinakamagandang pinsan mo." She scoffed. "Wala man lang bang ngiti?" Ngiting aso lang ang isinukli niya rito na ikinailing naman nito. Feeling niya kasi ay makikibalita lang ito sa kanya kaya nandoon ito sa clinic niya.
"Why are you here?"
"Eh, gusto ko lang makita kung pangit ka pa rin," taas-kilay pang wika nito. Sa lahat ng pinsan niya ay pinakamapanlait si Zoe pero kahit hindi niya man ipakita ay aliw na aliw naman siya rito. Napangiti na siya tuloy.
"Don't be a coy, Zoe. I know you missed me."
Limang taon nang nanirahan sa Cebu si Hugh dahil siya ang namahala ng mental facility nila roon. Isa siyang psychiatrist at kaya lamang siya bumalik sa Maynila ay dahil sa pakiusap na rin ng kanyang Tito Zandro na director na ng San Victorio Medical Center, ang ospital na pagmamay-ari ng pamilya nila. Ayaw na ayaw niyang manatili sa bahay nila dahil may hidwaan sila ng kanyang amang si Eduardo kaya nga siya na ang nagprisintang pumuntang Cebu. Iyon rin ang dahilan kung bakit kahit noong nag-aaral pa siya ay nakabukod na rin siya ng tirahan.
Ayaw na ayaw niyang manatili sa bahay nila dahil may hidwaan sila ng kanyang amang si Eduardo kaya nga siya na ang nagprisintang pumuntang Cebu. Iyon rin ang dahilan kung bakit kahit noong nag-aaral pa siya ay nakabukod na rin siya ng tirahan.
Even after twenty three years, sariwa pa sa alaala ni Hugh ang nasaksihang tagpo sa pagitan ng ama at sa best friend pa man din ng mama niya—si Tita Imelda sa office nito. Dahil doon ay labis na naapektuhan hindi lang siya kundi ang pamilya niya.
Hindi niya kasi maunawan noon ang lahat dahil bata pa siya pero alam niyang may mali sa nasaksihan niyang tagpo. Nang umedad na siya ay nalaman niyang kaya pala ginagawa iyon ng Papa at Tita Imelda niya ay dahil niloloko ng mga ito ang mama niya. Nalaman rin naman ng ina ang lahat at labis na nasaktan si Hugh na naghihirap ang ina dahil lang sa kagagawan ng ama.
Hindi rin kasi nagawang mahiwalayan ni Bella si Eduardo dahil makakasira iyon sa reputasyon ng pamilya San Victorio na mahalaga para sa Lolo at Lola niya. Kaya tiniis na lang ng ina ang lahat. Sinubukan nitong ayusin ang lahat sa pagitan ng asawa habang si Imelda naman ay napilitang umuwi ng probinsya kasama ang pamilya.
But still, everything did not end well. Bumalik pa rin sa pambababae ang ama. And to make things even worse, they found out that Erin was his father's child.
Nalaman nila ang totoo nang makatanggap ng tawag ang mama niya mula kay Imelda at ipinagtapat ang lahat. Hiniling nitong kung puwede ay kunin nila si Erin sa probinsya dahil hindi na magtatagal ang buhay nito dahil mayroon itong stage 4 liver cirrhosis. Iniwan na rin ito ng asawa kaya wala nang mag-aalaga kay Erin.
Dahil malapit naman ang loob ng mama niya kay Erin noon pa man at alam nitong wala naman itong kasalanan sa pagtataksil ng mga magulang ay tinanggap ito ng ginang. Mula nang mamatay si Imelda ay doon na sa kanila nanirahan si Erin. Itinuring ito ng mama niya na parang sariling anak. Kaya lalo lang nasasaktan si Hugh dahil naging napakamaunawain pa ng ina niya sa kabila ng pagtataksil ng ama.
Tanggap man ni Hugh si Erin bilang kapatid ay hindi niya pa rin kayang mapatawad ang ama sa lahat ng pinaggagagawa nito. It was too much for him to take. Hindi lang kasi iyon ang sugat na idinulot ng ama sa puso niya.
Hugh developed an anxiety disorder. Nang umedad at naging aware sa nasaksihang tagpo noon na b**m pala ay nag-iba na ang pananaw niya. Nandidiri siya kapag naalala niya ang ginawa noon ng Papa at Tita Imelda.
From then on, he thought s*x was a bad thing. He hated intimacy. And when he finally had a girlfriend when he was older, he felt uneasy whenever he'd get intimate with his girl. Pinagpapawisan siya, nahihirapang makahinga at minsa'y nanginginig kapag nalalagay siya sa ganoong uri ng sitwasyon.
Sa tuwing hahalikan niya ang girlfriend na si Celine noon ay lagi niyang naiisip ang s****l practices ng kanyang ama at ang pagdurusa ng ina. And then he would start to have an anxiety episode again. That's why he can't fully commit himself to Celine.
But he tried to do something about it. Nag-seek na siya ng professional help mula sa isang psychiatrist. He had undergone medications. Still, alam niya na psychologist at hindi psychiatrist ang kailangan niya. Therapy, hindi medication.
Kaya lang hindi rin niya ma-overcome ang anxiety disorder niya nang tuluyan dahil hindi rin naman siya lubusang nauunawaan ng therapist dahil itinatago niya pa rin ang tungkol sa sikretong lifestyle ng ama. Kailangan niyang protektahan ang reputasyon nito at ng pamilya nila. Ano na lang kasi ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman ang kinky s****l practices nito? They were doctors, for crying out loud! They were supposed to heal, to nurture... hindi manakit ng kapwa para lang sa s****l gratification!
Akala niya kasi noon ay pinapatay ng papa niya si Tita Imelda! Nakadagdag pa sa confusion niya nang pagkatapos niyon ay naghalikan ang dalawa at naghagikgikan. Ganoon din ang nangyari sa pangalawang babaeng dinala ng papa niya sa office nito sa bahay.
Pero sa paglipas ng panahon, natutunan niya na kung paano kalmahin ang sarili kapag nagkakaroon siya ng anxiety episode. He exercised mind control thinking that kissing and s*x were not bad things. He may not have gotten over it completely but he'll get there.
"Yeah, na-miss kita." Eksaheradong sumimangot si Zoe. "Hanggang kailan ka kasi magrerebelde?" dagdag na tanong pa nito.
"Hindi ako nagrerebelde. I'm too old for that. I just don't want to be a hypocrite," mariing wika niya.
Napabuntong-hininga ito. "Fine. Kung iyon ang depinisyon mo." Naupo ito sa isang silya sa harap ng desk. Mukhang wala itong pasyente kaya siya ang kinukulit nito. Resident si Zoe sa SVMC at plastic surgery ang tinatahak na field of specialization. "Anyway, kumusta ka na? May girlfriend ka na ba?" pangiti-ngiting tanong nito sa kanya.
"Nang magpunta ka ng Cebu three months ago ay iyan din ang tanong mo sa akin. Wala ka bang ibang itatanong?" masungit na sagot niya.
"Wala bang ibang interesanteng pangyayari sa buhay mo?" balik-tanong nito sa kanya.
"After Celine, wala."
Awtomatikong itinirik ng pinsan ang mga mata. Ayaw na ayaw kasi nitong nababanggit si Celine dahil niloko siya ng dating girlfriend.
Yes, they had a bad breakup but it won't change the fact that she's still his first love.
Kaklase niya ito sa med school at ito lamang ang nagbibigay kasiyahan sa kanya noon. Sa kabila ng mga problema niya ay nagagawa siyang patawanin ni Celine at nagawa siya nitong tanggapin sa kung ano mang kakulangan niya. She'd been his everything... until one year ago, everything between them changed.
She wanted to have a family but he did not agree. He can't. Kung tutuusin ay gusto rin naman ni Hugh magkapamilya balang araw pero saka na lang siguro pagtuluyan nang nagamot ang anxiety disorder niya. Pero hindi na yata/ mahintay ni Celine na dumating ang araw na iyon kaya naghanap na ito ng ibang lalaking makakapagbigay katuparan sa kagustuhan nito.
"Ano ba 'yan?! Mag-move on ka na sa pangit na babaeng iyon. Marami naman diyang iba."
"Lahat naman pangit sa 'yo."
"Oo. Dahil ako lang ang pinakamaganda," maluwang ang ngiting wika nito. Itinaas-baba pa nito ang mga kilay na parang inaasar siya.
"'Yon na nga. Paano pa ako makakakuha ng girlfriend kung lahat nilalait mo?" Napaarko ang kanyang mga kilay.
"Kahit na pangit basta may makakasama ka," anito.
Nagtatakang tiningnan ni Hugh ang pinsan. Malapit ito sa kanya pero hindi naman ito dating concerned sa mga relasyon niya. Mukhang napansin rin naman yata nito ang paraan ng pagtingin niya kaya isang beses na namang napataas ang kilay nito.
"Ano?"
"Nothing." Sumandal sa sandalan ng kinauupuan habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Zoe. "Masyado ka yatang concerned sa akin ngayon," nagdududang-wika niya.
"Wala lang," kibit-balikat ding sagot nito. Pero kung pagbabasehan ang mukha nito ay hindi niya masasabing 'wala lang' iyon dito. May gusto talaga itong iparating sa kanya. Tiningnan niya ito nang masama masindak ito at sabihin na nito ang nasa isip nito. "Naisip ko na lang na thirty years old ka na pala ngayon. Hindi naman sapat na guwapo ka lang, mayaman at successful..."
"Hindi pa ba iyon sapat?" sabad niya. "Pinaghirapan kong maging successful para maging karapat-dapat ako sa apelyidong San Victorio, 'tapos sasabihin mong hindi pa iyon sapat?"
Zoe snorted. "Ang sensitive mo naman. Alam mong hindi iyon ang tinutukoy ko." Napabuntong-hininga ito. "Sayang ang magandang lahi natin, couz, kung mapapakinabangan. Sige ka, baka mabugok ang itlog." Napatingin pa ito sa harap ng pantalon niya.
Isang beses pang napaarko ang kilay niya. He knew what she meant.
"Cut the crap! Kung ano-ano'ng pinag-iiisip mo!" iritadong sagot niya.
"Bakit? Ano bang iniisip ko?" tudyo pa nito sa kanya.
"Ewan ko sa'yo! Siguro wala kang pasyente kaya ako ang iniistorbo mo," sabi niya. "Well, bawal akong istorbohin kaya makakaalis ka na." He waved his hand in dismissal.
"Grabe naman. Istorbo agad? Gusto lang naman kitang maka-chika." Isang beses pa itong tumingin sa kanya at ngayon ay mas seryoso na ang mukha. "I'm just worried about you, Hugh. Sana maging masaya ka na at huwag mo nang isipin ang chararat na Celine na iyon. Isa pa, gusto rin naman naming makasama ka dito kaya sana makahanap ka na ng dahilan para manatili dito. Meet someone, get married and have your own family."
Naiintindihan naman ni Hugh si Zoe at parang na-touched din naman siya sa isiping nag-aalala talaga ito sa kanya. Si Zoe kasi ang isang taong walang pakialam sa ibang tao pero sobrang mapagmahal sa mga kapamilya.
"I'm not sure about the last part, though," sagot niya.
Isang beses na inirapan pa siya ni Zoe. "Come on, Hugh. You're a psychiatrist. Ikaw, higit sa lahat ang nakakaalam na kaya mong lagpasan ang nararamdaman mo. Hindi ba't sabi mo sa mga pasyente mo, 'Your will is stronger than any medication.' O, bakit 'di mo magawa iyon?"
Sinasabi niya nga iyon sa mga pasyente niya pero iba ang kaso niya.
"Sinusubukan ko naman, 'di ba? Pero tingnan mo at hindi ko iyon nakaya. Iyon nga ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Celine, 'di ba?"
"That's why you need a different approach." Base sa mapanudyong tinging iginawad ni Zoe sa kanya ay may naiisip itong kalokohan.
"Ano?"
"Gawin mo na lang. Just kiss and have s*x with anyone casually," bale-walang mungkahi nito na para bang ang pinapagawa lang nito sa kanya ay kasingsimple ng pagpulot ng bato sa daan.
Close silang magpipinsan at naise-share niya sa mga ito ang issues niya bagaman never niyang nabanggit ang tungkol sa tagong lifestyle ng kanyang ama.
"I can't do it casually," mariing sagot niya. "And may I ask why you brought that up? Kababae mong tao pero ganyan ka mag-isip," sermon niya rito.
"Oh come on!" Ipinaikot pa nito ang mata. "It's 2017! Walang huhusga sa'yo kung gawin mo man iyon."
"Dahil lang 2017 na, kailangan ko na ring gawin iyon?" sagot niya. "Bahala ka sa sarili mo kung ganoon ang mind set mo pero please huwag mo na akong i-brainwash. It won't work on me," naiinis na sagot niya. Pero imbes na tigilan siya ng pinsan ay napahalakhak lang ito sa kanya.
"That is why you can't move on with your life," sagot nito.
"I am definitely sure that s*x can't make me move on," sabi niya.
Nang siguro ay marealize nitong hindi uubra sa kanya ang pangungumbinsi nito ay napailing na lang ito.
"You're a very complicated man, Hugh San Victorio," anito nang makatayo ito mula sa kinauupuan.
"Ganoon talaga. f**k, life."
NAPAKA-UNFAIR ng buhay! Kung may reyna nga ng kamalasan ay baka si Becky na iyon. Hindi na nga siya magkandaugaga magtrabaho para mabayaran ang utang ng tatay niya sa pinagkakautangan nito ay naaksidente naman ang kapatid niyang si Rene. Ay, hindi iyon aksidente dahil sinadya ng mga pinagkakautangan ng tatay niya na sagasaan ang kapatid niya. Talagang tinotoo ng mga ito ang naging banta nito sa kanila kapag hindi sila nakapagpabayad ng utang sa tinakda nitong oras.
Hirap na hirap na kasi siyang kumita ng twenty thousand pa lang, fifty thousand pa kaya?! Kulang na kulang ang ibinigay na palugit ni Tonio kaya hindi rin siya nakapagbayad. Ni hindi man lang nga nag-ambag kahit piso ang ama tapos ito pa ang madaming talak na napahamak ang kapatid niya. Siya pa ang sinisisi nito!
Kung alam lang nito kung gaano na siya nag-effort para kumita ng pera. Isa pa, hindi ba nito nakikita na naaawa rin siya kay Rene? Hindi niya naman ginustong mapahamak ito at nahihirapan din siyang nakikita itong nagdurusa. Tuwing dinadaing nga nito ang masakit na binti dahil sa pagkabali ng mga buto nito ay gusto niyang hilingin na sana ay siya na lang ang makaramdam niyon.
Siguro nga ay totoo ang kasabihang 'when it rains, it pours' dahil mahirap na nga ang sitwasyon nila ay nag-advise pa ang orthopedist ni Rene na kailangan nitong sumailalim sa operasyon. Malaki ang kailangang halaga kaya lalo siyang namomroblema. Pero wala rin naman siyang choice dahil hindi na maaaring maipagpaliban ang kondisyon ni Rene. Kung gusto niyang gumaling ang kapatid niya ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Kahit ano ay papasukin niya para matulungan ang kapatid.
Nang mga sumunod na araw nga ay todo-trabaho na si Becky. Dinoble niya na ang pagkayod. Hindi na lang siya sa psychiatric ward nagtitinda ng mga ulam kundi pati na sa main building ng SVMC. Nagdagdag na rin siya ng mga puwedeng itinda at nagpaalam sa management na pati sa mga pasyente ay payagan na siyang maglako.
Kapag off o weekends ay suma-sideline din siya bilang assistant ng kaibigang photographer na si Rysia kapag may photo shoot ito sa labas ng studio nito. Kahit tagahawak ng ilaw o reflector ay pinapatulan niya na basta kumita. Mabuti na rin talaga at naaawa rin ang kaibigan sa kanya kaya kapag nakakaluwag-luwag ito ay dinadagdagan nito ang bayad sa kanya.
Ngayon nga ay kakagaling lamang nila sa La Mesa Eco Park kung saan nag-service si Rysia para sa prenup shoot ng mga kliyente nito. Bago umuwi ay dumaan na muna sila sa Fairview Terraces kung saan sila kumain. Kanina niya pa kasi hinihiritan itong magpakain man lang dahil sa sobrang tagal ng photo shoot ng kliyente nito. Paano kasi, nag-away pa ang soon-to-be bride at groom kaya natagalan sila. Si Becky pa nga ang namagitan sa dalawa para lang magkaayos at maituloy ang photo shoot.
Doon niya nalaman na magaling din pala siyang makipag-usap at makipag-areglo. Pinag-iisipan niya tuloy tumakbo bilang kapitan sa susunod na eleksyon dahil magaling pala siyang mag-mediator at arbiter. Aba, sayang din ang honorarium niyon! Basta pagkakakitaan, mabilis gumana ang isip niya.
"'Oy, libre mo ito, ha? Baka mamaya ibawas mo sa ibibigay mo sa aking suweldo," sabi ni Becky mayamaya. Nanigurado na muna siya bago lantakan ang pagkain na in-order ni Rysia sa isang fastfood chain dahil baka pagbayarin pa siya nito, aba, mababawasan pa ang pera niya.
"Oo na! Sigurista ka talaga." Inirapan siya nito, pero alam niyang hindi naman ito naaasar sa kanya. Mabait na kaibigan si Rysia mula pa noon at nauunawaan nito ang sitwasyon niya.
Magkaklase sila sa high school noong nanirahan pa sila sa Bulacan. Hindi na siya nagpatuloy na mag-college kaya nagkahiwalay na sila ng landas ni Rysia. Kaya lang ay kailangan yata siya nito sa buhay nito kaya tinulungan siya nitong makapagtrabaho bilang maintenance staff sa unibersidad kung saan ito nag-aaral. Dahil doon ay nagkasama na naman sila. Magpahanggang ngayon nga na may anak na ito ay hindi pa rin nagbabago ang pagkakaibigan nila. Minsan nga ay nagsasawa na siya sa pagmumukha ni Rysia, pero ito talaga ang best friend niya, eh. Parang kapatid na rin kung ituring niya ito.
"Siyempre! Alam mo naman ang hirap ng buhay ko ngayon. G na G na ako," wika niya bago nilantakan ang fried chicken.
"Anong G na G?"
"Gipit na gipit, haller?!" nawi-weird-ang pinagmasdan niya si Rysia na napailing na lang sa kanya." Umaasa na lang ako sa mga libre kapag may mga tulad mong nagmamagandang-loob sa akin." Pangisi-ngisi pa siya kaya habang ipinaghihimay ng fried chicken ang apat na taong gulang na anak nitong si Lukan.
Kasa-kasama ni Rysia ang anak kapag may raket ito kaya minsan ay nagiging yaya na rin si Becky ng bata. Napamahal na sa kanya si Lukan kaya okay lang naman iyon sa kanya. Isa pa ay wala rin namang makakatulong si Rysia sa pag-aalaga rito dahil minsan sa buhay ng best friend niya ay nagluka-lukahan ito at hindi ipinaalam sa tatay ni Lukan na nabuntis ito.
"Naiintindihan ko naman kaya nga dadagdagan ko ang bayad ko sa 'yo. Tulong ko na rin sainyo. Alam ko namang kailangang kailangan mo."
Awtomatikong nagningning ang mga mata ni Becky nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Parang nagiging peso sign ang mga mata niya kapag pinag-uusapan ang pera. Hindi niya rin kasi mapigil ang excitement sa sinabi ni Rysia dahil alam niyang hindi naman ito ganoon kagalante, lalo pa at may isa itong anak na binubuhay.
Ang bipolar niya kasing kaibigan ay hiniwalayan ang ama ni Lukan dahil hindi naman daw ito kasali sa future ng lalaki. Kung sa kanya nangyari iyon ay inupakan niya na ang lokong ama ng bata. Pero hindi niya na nagawang makialam dahil desisyon na rin ni Rysia ang lahat at kung iyon ang ikasasaya nito, sige lang. Kumbaga, supporting role lang siya sa buhay ng best friend.
"Totoo ba yan?!" Tumayo siya sa kinauupuan at inabot ang noo ni Rysia. Kunwa'y dinama niya ito dahil baka may sakit ito. Himala kasi, hindi ito naging kuripot sa kanya. "May sakit ka ba? Bakit nagiging galante ka? Baka kailangan kitang ipatawas."
Tinampal nito ang kamay niya. "Ano ka ba?"
Tatawa-tawa lang na bumalik si Becky sa kinauupuan at saka muling inatupag ang pagkain. "Eh, himala naman kasi," natatawang wika niya.
"Alam ko namang kailangan mo, eh. Saka nagpapakabuting kaibigan ako sa 'yo."
Lalong nagliwanag ang mukha niya hindi lang dahil sa sinabi nito kundi dahil may naisip siya. Ipinatong niya sa bakanteng bahagi ng mesa ang bitbit niyang shoulder bag kanina. Binuksan niya iyon at bumungad kay Rysia ang laman na mga underwear na ibinebenta niya. Bitbit niya na kasi iyon kanina pa dahil balak niyang dumaan sa palengke nila para ipabenta sa mga tinderang kakilala. Kahit weekend ay hindi siya dapat tumigil sa pagkayod.
"Sagarin mo na ang pagiging mabuti mong kaibigan. Bumili ka na ng bra at panty. Bagong dating 'yan," aniya.
Tumirik ang mga mata ni Rysia samantalang ang anak nito ay agad nang inusisa kung ano ang laman ng bag niya. "Sinamantala mo naman! Nakakaloka ka talaga!"
"Aba! Oo naman, beshie. Kasing-imposible kasi ng pagluwag ng traffic sa EDSA ang pagiging galante mo," biro niya pa.
"Eh, marami naman akong underwear."
"Ay, hindi! Mas maganda itong mga tinda kong push-up bra. Push na push ang boobs para mukhang malaki."
"Hindi ko na kailangan ng pam-push," sabi nito.
Napataas siya ng kilay pero hindi na kumontra. Biniyayaan kasi talaga ng kagandahan ng mukha at katawan ang kaibigan. Actually, nakakalamang ito ng isang paligo sa kanya.
"Ay, hindi na puwede, hinawakan na ng anak mo eh," aniyang itinuro pa si Lukan na inaabot kay Rysia ang bra. "Bawal na ibalik, nahawakan na. Malas 'yan sa negosyo ko."
Napahalakhak pa siya nang wala nang magawa si Rysia kundi kunin ang underwear na iniaabot ng anak. Nang tanggihan kasi nito ang anak ay literal na isinaksak ni Lukan sa baga nito ang bra kaya tuwang-tuwa si Becky. Bibilhan niya nga ito ng lobo mamaya dahil suwerte ito sa negosyo niya.
"Oo na, babayaran ko mamaya! 'Kaasar! Mukhang nabe-brainwash mo na itong si Lukan dahil sa pagsasama-sama sa 'yo," pailing-iling na wika ni Rysia.
"Eh, mabait kasi si Lukan, eh. Alam niyang nangangailan ang Tita Ninang niya kaya dapat tulungan. 'Di ba, Lukan?" wika niya nang harapin ang bata.
"Opo," magalang pang sagot nito.
Napapalakpak siya sa tuwa. "Very good talaga itong si Lukan! Apir tayo!"
Tuwang-tuwang nakipag-apir naman sa kanya si Lukan habang ang nanay nito ay pailing-iling na lang.
"Naku, kung hindi ka lang talaga mabait na kaibigan ay ipinatapon na kita sa kabundukan ng Tralala," sabi pa ni Rysia.
"Hayaan mo na. Isipin mo na lang na nakatulong ka sa akin," aniya pa, sabay sunod-sunod na sumubo. "Pagpapalain ka ng Diyos sa sobrang kabutihan mo. Malay mo, ibigay niya na sa 'yo ang soulmate mo," pambobola niya pa.
Napaismid ito. "Nambola ka pa!" pailing-iling na wika nito. "Siyanga pala, kamusta na si Rene?"
Ikinuwento ni Becky ang kalagayan ng kapatid. Kaya lang, nasa kalagitnaan na siya ng pagkukuwento nang mapansin niyang tila hindi naman ito nakikinig. Nakatingin ito sa kung saan.
"Huy! Nakikinig ka ba?" pukaw niya rito. Sandaling nilingon siya nito.
"Ano nga ba'ng sinasabi mo?" tanong nito.
Napakamot si Becky sa ulo. "Ang haba na ng kuwento kong pang-MMK, 'tapos hindi mo pala narinig?"
"Sorry naman. Kasi na-distract ako kay Kuyang Pogi. Para kasing may kahawig siya." Napakunot-noo pa ito na parang may iniisip itong malalim.
"Sus, kunwari ka pang may kahawig siya. Ang sabihin mo, pogi talaga kaya natigilan ka. 'Asa'n ba 'yan?"
Itinuro sa kanya ni Rysia ang direksyon ng lalaking tinutukoy. Maging si Becky ay natigilan din nang makita ang lalaking pumipila sa harap ng counter.
Kahit naka-sideview ito mula sa kinauupuan nila ay hindi maipagkakailang guwapo ang lalaki. He had a really beautiful profile. Matangos ang ilong nito at halos perpekto ang hugis ng panga. Matangkad din ito, napakaganda ng tindig at maumbok ang pang-upo.
Natigilan na lang si Becky nang ma-realize kung bakit pamilyar ang lalaki. Si Doc Hugh iyon!
Awtomatikong napangiti siya. Kahit nakakapagod ang araw niya ngayon ay mukhang bawi naman dahil nakita niya ang guwapong si Doc Hugh.
Kahit isang beses pa lamang niyang nakikita ang lalaki ay aminado siyang crush niya ito. Sino ba naman kasing normal na babae ang hindi magkakagusto sa biyayang iyon ng Diyos? Sa guwapo nito, hindi na siya magtataka kung may luluhod sa harap nito at aalayan ito ng kung ano dahil kasamba-samba naman talaga ang kaguwapuhan nito.
At mukhang iyon na nga ang balak gawin ng dalawang babaeng titig na titig kay Hugh sa kabilang linya.
Mukhang napansin ng binata na may tumititig dito kaya tumingin ito sa direksyon niya. Lumagabog ang dibdib niya sa kaba nang magtama ang kanilang mga mata at muntik pang mahulog ang puso niya mula sa kanyang ribcage nang matipid na ngitian siya nito.
Matipid na ngiti pa lang iyon pero parang nagwawala na ang internal organs niya. Kinikilig kasi talaga siya! Kahit hindi pa siya nito ngitian, sapat na sa kanyang binalingan siya nito ng tingin.
Impit na napatili pa siya noong hindi na sa kanya nakatingin si Hugh.
Nawi-weirdo-hang tiningnan siya ng kaibigang si Rysia. "Hoy, bruha! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"
"Si Dec Hugh kashi eh," aniya sa pabebeng tinig. Ang lakas talaga kasi makababae kapag nakikita niya si Doc Hugh.
"Ha? 'Dec Yu' ang pangalan ng lalaking iyon?" Itinuro pa nito ang lalaki.
"Doc Hugh. H-U-G-H," pagtatama ni Becky. "Nagpapa-cute lang ako. Guwapo niya, 'di 'ba?" Itinaas-baba pa niya ang kanyang mga kilay.
"Ikaw ba talaga 'yan, Rebecca Dalisay?" kunot-noong tanong nito. "Nakita mo lang, para ka na diyang bulateng binudburan ng asin kung kiligin!" Napahawak pa ito sa noo nito, tila nakukunsumi.
Naiintindihan niya naman kung bakit ganoon ang reaksyon nito dahil mula nang maghiwalay sila ng huli niyang boyfriend ay hindi na siya naging interesado sa lalaki lalo pa at todo ang pagtatrabaho niya kaya wala na siyang panahon para sa mga bagay na iyon.
Pero mula nang makita niya si Doc Hugh ay parang tinurukan siya ng adrenaline. Palagi siyang nakangiti kapag nakikita niya ito sa ospital at mukhang hindi siya nakakaramdam ng pagod. Kasi naman, titigan niya lang ang mukha nito, parang naaalis na ang lahat ng mga problema niya. Ganoon ito kaguwapo!
Noong una lang talaga niyang nakilala ito ay nagmaang-maangan siya kay Emma na hindi siya interesado sa doktor dahil siyempre, kailangan niyang magpasimple. Pero habang mas tumatagal na nakikita ni Becky sa ospital ang doktor ay hindi niya na kayang kontrolin ang kilig lalo pa kung minsan ay hindi inaasahang magtama ang kanilang mga mata kapag dumadaan ito sa pasilyo kung saan siya naglilinis.
"Abnormal na lang ang hindi kikiligin sa kaguwapuhang 'yan," aniya. "Pero kasi naman... sa isang buwan kong pagtatrabaho sa ospital, si Doc Hugh lang ang nakita kong guwapong matino kaya pagbigyan mo naman ako."
Inismiran siya nito. "Doktor 'yan?"
"Oo. Balita ko, pamangkin siya ng director at pagmamay-ari nila ang ospital. Ang gara, 'di ba? Guwapo na, doktor na, mayaman pa."
Nanlaki ang mga mata ni Rysia. "Mayaman? O, ano pa'ng hinihintay mo? Itodo mo na ang pagpapa-cute," sulsol nito sa kanya.
"Eh, akala ko ba, ayaw mo akong magmukhang bulateng binudburan ng asin?" taas-kilay na wika ni Becky. Sinabi niya lang na mayaman si Doc Hugh, nagbago na agad ang isip ng kaibigan niya? Kahit kailan talaga ay ang gulo nitong kausap.
"Eh, mayaman naman siya. Kung magkakagusto ka, maigi nang sa mayaman para naman may mapakinabangan. Nagka-dyowa ka naman kasi dati pero ikaw pa ang hinihingan ng pera. Dapat mayaman na ang next dyowa para level up," sabi nito. "Pero exciting ito! Ngayon ka lang talaga naging interesado ulit sa lalaki! Sa wakas ay may iba ka nang napapansin bukod sa trabaho mo."
"Pero dahil mayaman nga siya, baka hindi niya naman ako mapansin. Langit at lupa ang agwat namin." Napasimangot siya.
"Ang drama mo naman! Hindi na uso ang mga ganyang bagay sa panahon ngayon. Mapapansin ka niyan lalo pa at maganda ka." Todo na talaga ang pagpapalakas ng loob nito sa kanya. "Saka hindi mo ba naiiisip na sagot siya sa mga problema mo? Hindi mo na kailangang magtinda kapag napangasawa mo 'yan. Mababayaran mo na ang utang ng walang kuwenta mong tatay," dagdag pa nito.
"Alam mo, hindi lang ikaw ang nagsabi niyan. Pati 'yong kasamahan ko sa trabaho, sinabi niyang akitin ko si Doc Hugh lalo pa at wala raw iyang nobya."
"Ayos! Single!" Napapalakpak ito. Biglang naging maligalig si Rysia. "'Push mo na. Akitin mo na!"
"Eeee! Parang ang sama ko naman niyan!"
"Walang masama diyan! Ang masama ay kung magnanakaw ka. Eh, hindi naman, 'di ba? Aakitin mo lang para maging dyowa mo. Tutal, matagal ka rin namang walang dyowa. Bonus na lang na mayaman siya at kaya niyang ibigay ang mga pangangailangan mo."
"Hindi ba ako magmumukhang malandi niyan?" nag-aalalang wika niya.
"Wala ka talagang alam," pailing-iling na sagot nito. "Sa panahon ngayon, daig na ng malandi ang maganda. Sige ka, kung hindi mo lalandiin si Doc, siguradong may ibang lalandi diyan. Kaya i-pack up mo na ang pagkapabebe mo at akitin na si Doc!" Napapukpok pa ito nang malakas sa mesa kaya nagsitingin sa kanila ang mga nakaupo sa kabilang mesa.
Pero hindi niya rin maiwasang isipin na tama naman si Rysia sa lahat ng sinabi nito. Bukod sa jackpot na talaga siya rito ay hindi niya rin talaga kayang balewalain si Doc. Hindi niya maipaliwanag pero parang gumagaan ang araw niya kapag nakikita niya ito.
Isang beses pa siyang napatingin sa binata. Halos mapuknat na sa lapad ng ngiti ang bibig ng kaherang halatang nagpapa-cute kay Hugh. Nakaramdam ng pagtutol si Becky. Hindi dapat mapunta sa iba ang lalaking magdadala ng suwerte sa kanya. Isang beses pang kinunsidera ni Becky ang suhestiyon ni Rysia sa kanya at nang ma-realize niyang 'hitting two birds with one stone' ang magiging peg niya ay sumang-ayon na rin siya.
"Ano ba'ng gagawin ko?" baling niya kay Rysia.
Lumawak ang pagngiti ng kaibigan na agad nakapagplano kung papaano aakitin si Hugh San Victorio. Sana lang talaga tumalab ang alindog niya sa doktor.
Ibalato mo na ito sa akin, Lord!