4

1275 Words
Inalalayan ko siyang tumayo. Ginawa ko lang naman ang kalokohan ni Latrelle na tinuro niya sa akin noon. Ganito pala ang pakiramdam na gumawa ng kalokohan. Lumabi siya at nagtagis ang mga ngipin niya. "Ano bang problema mo? Ibabalik ko na nga itong rosaryo mo ganyan ka pa." Kumamot lang ako sa ulo. Inabot niya sa akin ang rosaryo. "Pasensya na sa ginawa ko na bigla lang ako. Babalik na ko sa loob." Iniwan ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno habang nakakrus ang kanyang mga braso. Pinagmamasdan niya ang buwan. Tinignan ko ang aking wrist watch. Malapit ng mag-alas diyes ng gabi. Delikado na ang ganitong oras.Muling humihip ang malamig na simoy ng hangin. Tumindig ang balahibo ko. Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. Bilang pasasalamat ay ihahatid ko siya. Nakapamulsa akong nilingon ko siya at kumunot na lamang ang noo ko. Muntik akong mapatalon sa gulat ng naramdaman kong may humawak sa braso ko. Hinawakan ko ang aking dibdib. Isang batang nakaribbon at naka-dress na pantulog ang siyang nakahawak. "Anong ginagawa mo rito, Kuya?" "May kinuha lang ako." Pinakita ko ang rosaryo. Ngumiti siya saka tumakbo sa loob. Dumiretso ako sa kusina at naabutan si Lola roon na katabi si Ania. "Ngayon ka palang kakain, Lola?" Tanong ko matapos maghila ng upuan at pinagsandok ako ng kanin ni Manang Anita. "Kanina pa kami tapos ni Anita. Akala ko ay hindi kayo darating kaya binigay namin ang natitirang ulam sa mga bata." Tumango ako at hinawakan ang kulubot na kamay ni Lola. Kumpara noon ay mas naramdaman ko ang buto niya kaysa sa laman. Habang tumatanda siya ay humihina na siyang kumain marami na kasing bawal sa kanya kaya naiintindihan ko. Minsan ay pasaway siya. Binibilhan ko siyang manok kapag nandito ako pero ang paalala ko sa kanya ay h'wag niyang kainin ang balat. Hindi rin maipagkakaila na kay Lola ako nagmana. Mapagbigay siya sa kung sinuman lalo na sa mga nangangailangan. Noong bata pa kami ni Kuya Ten madalas kaming namimigay ng regalo tuwing pasko sa malapit na baryo rito. Marahil dinadalaw pa rin si Lola nang mga bata roon. "Kumain ka nang prutas bigay sa akin 'yan." Nilapag niya sa platito ang hinog na papaya. Napangiti ako nang mayroong kalabasa, mangga at ilang mga chico sa ibabaw ng ref. Hindi ko na tinanong kay Lola kung kanino galing ang mga iyon. "Oo nga pala, Apo. Tutuloy ka pa ba sa pagpapari?" Napatigil ako sa pagkain. "Hindi ko pa alam, La. Wala pang alam sina Mama sa balak kong gawin." Sa ngayon ay para akong naliligaw. Hindi pagpapari ang gusto ko. "Apo, alam kong hindi mo iyon gusto. Wala na ang Kuya niyo matagal ng panahon. Iyon sana ang maintindihan ng Mama mo."Aniya Lola habang hinahaplos ang kamay ko."..ako ang kakausap kay Edlyn ng maintindihan niya." "H'wag na po. Ako nang bahala roon. Uminom na po kayong gatas. Dapat sana ay kanina pa kayo natutulog." "Hayaan mo na. Gusto kong salubungin kayo lalo na si Ania." Ngiting-ngiti ang pinsan ko habang kumakain ng papaya. Pinalis ko ang dumi sa bibig niya gamit ng tissue. Matapos kumain ay pumunta kami sa sala. Pinakita ni Lola ang album na kinolekta at inalagaan niya. Tinulungan ko si Manang Anita na punasan at tuyuin ang mga iyon. Ang ilan ay may gagambang kasama kaya tumakbo si Ania sa likuran ni Lola. Habang kinukwento ni Lola ang mga pangyayari kay Ania sa bawat larawan. Ako naman ay ibang pangyayari ang nasa isip. Ang isang album ay puro larawan namin kasama si Kuya Dennery. Anim na taon ang pagitan ko kay Kuya. Samantalang apat ang pagitan nila ni Kuya Ten. Sa isang larawan ay masayang nagsasandok si Kuya Dennery ng champurado sa mga bata. Habang kami ni Kuya Ten ay inaayos ang pila. Isa sa mga madre ang kumuha nito. Malapit si Kuya sa mga madre dahil madalas siyang magsimba kapilya malapit dito. Lumaki siya kila Lolo at Lola. Palasimba noon pa man ang pamilya namin pero sina Lola ay iba kila Mama. Hindi ko sinasabing masama ang mga magulang ko. Nagkataon lang na mas may awa ang mga grandparents ko sa ibang tao. Ang Papa kasi ay nakatuon sa negosyong minana niya sa mga Roshan mula sa kabilang side ng pamilya namin. Gusto ni Papa na sumunod sa yapak niya si Kuya Dennery. Hindi duwag si Kuya kaya matapos niyang magkolehiyo ay tinapat niya sina Mama. Mas gusto niya ang magpari kaysa maging tagapagmana ng negosyo. Simula noon ay hindi na namin nakitang umuwi ng mansyon si Kuya. Matapos ng ilang buwan ay bumalik siya dahil birthday noon ni Papa. Nag-away silang dalawa. Tuluyan silang nagtalo hanggang sa nagpaalam sa amin si Kuya na sasama siya sa Baguio sa kaibigan niya. Hindi iyon alam ng mga magulang namin. Kinabukasan nabalitaan na lang namin na naaksidente si Kuya. Nahulog sa bangin ang sinasakyan nito. Habang inaayos namin ang mga gamit ni Kuya para sa huli niyang hantungan ay nag-iwan siya ng note. Nakalagay roon ang kagustuhan niyang magpari. Kaya bilang pagtupad sa pangarap na gusto ni Kuya. Isa sa amin ni Kuya Ten ang dapat magtutuloy nito. "Apo…" niyakap ako ni Lola. Namataan ko na lang na tumulo ang luha ko sa larawan kong pinagmamasdan. "Masaya na ang Kuya mo kung nasaan siya. Huwag ka nang umiyak. Naalala mo na naman ang Kuya mo." Naalala ko rin kung gaano siya nagpaka-Kuya sa amin. Hindi man siya umuuwi ng bahay pero palagi siyang naghahabilin sa mga kasambahay na bantayan kami. Kumandong si Ania sa hita ko."Sana nakilala ko rin si Kuya Dennery." Hinalikan niya ang pisngi ko. "Huwag ka nang umiyak Kuya Wyn." Tumango ako at pinalis ang sarili kong luha. "Tara na, Ania. Matulog na lang tayo. Gabi na. Masama sa bata ang magpuyat." Binuhat ko siya. Bago kami pumunta ng kwarto niya ay hinatid muna namin si Lola sa sarili niyang silid. Ang batang makulit na si Ania ay natulog sa tabi ni Lola. Iniwan ko silang nagkwe-kwentuhan roon. Ako ay pumunta sa aking kwarto. Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan habang nakapatong ang ulo ko sa aking pinagkrus na braso. Pinikit ko ang mga mata ko para matulog pero may bumabagabag sa isipan ko. Nakauwi na kaya ang babaeng iyon? Nagtaklob na lamang ako ng kumot para dalawin ng antok. Hindi ako nabigo. Dinalaw ako ng antok pero ilang oras ay nagising ako. Tinignan ko ang orasan sa tabi ko. Alas-tres na nang madaling araw ay rinig ko ang paghagikgik ni Ania. Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Makulit si Ania kaya sasawayin ko siya. Dapat ay tulog na siya lalo na si Lola. Hindi pwedeng magpuyat ang matanda. Maliit ang siwang ang kwarto ni Lola. Patay ang lampshade nito at mukhang mahimbing na natutulog ang matanda. Pumasok ako sa loob at hinanap si Ania. Wala siya sa tabi nito ay abot-abot ang kaba ko. Dahan-dahan kong sinara ang pinto ni kwarto ni Lola. Dumiretso ako sa kusina at naabutan si Ania na nagbukas ng ref. "Gabi na, Ania." Inagaw ko ang pitcher sa kanya at pinagsalin siya ng tubig. "Sorry, Kuya. Nauuhaw kasi ako." Tagaktak ang pawis nito mula sa noo. "Saan kagaling?" Inabot ko sa kanya ang baso at uminom siya. "Nakipaglaro lang ako Kuya pero tara na! Balik na tayo sa taas." Hinila niya braso ko. Pero hindi ako nagpadala sa pinsan ko. "Nakipaglaro? Madaling araw na, Ania. Sabihin mo sa kalaro mo h'wag makipaglaro nang ganitong oras." Humikab siya at mumukat-mukat ang mga mata. "Sa susunod Ania sabihin mo sa kalaro mo umaga na lang siya makipaglaro." Tumango-tango siy. Nakatulog siya sa balikat ko bago ko pa siya maibali sa higaan katabi ni Lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD